Sumabay sa ihip ng hangin-panggabi ang abo ng isang bampira na isa sa nagbabantay kung saan kinukulong ang mga inosenteng bampira na ginagawang alipin ng Hari..na ngayon ay sapilitan na rin pinagsasanay laban sa Black Alliance.
Walang ingay na sinuyod ng matatalas na mga mata ni Xania ang buong paligid.
"Nice move,ang hot mo talaga sa tuwing nakikita kitang nagpapatumba ng kalaban," anas ni Jino ng sumulpot ito sa tabi niya.
Napailing na lang si Xania. Nasa kalagitnaan sila ng pagsugod sa kampo ng isa sa teritoryo ng ama nito nagagawa pa nitong manukso sa kanya.
"Umayos ka nga,mahal na Prinsipe..baka pumalpak tayo sa plano mo kung ano-ano nandyan sa utak mo," pabulong niyang tugon rito.
Tumawa ito ng mahina. Hindi siya nakahuma ng bigla na lamang nitong daklutin ang batok niya at mariin na hinalikan ang mga labi niya.
Agad na pinanlisikan niya ito ng mga mata pero nginisihan lang siya nito.
"Good luck kiss ko yun," nakangisi nitong turan sabay talikod sa kanya.
"Manyak ka lang kamo,"tugon niya. Kahit nakalayo na ito nagawa pa nitong tumawa.
" Sana pala isinama ko si Camelia..gusto ko din ng good luck kiss,"mapang-asar na pagsulpot ni Marko sa likuran niya.
Marahas niya ito nilingon at tinaasan ng kilay.
"Hindi ka pa ba nakapag-goodluck kiss ng lagay na yun..halos magiba niyo ang bahay sa kalaswaan niyong dalawa," tugon niya rito.
Kakamustahin sana niya ito pero alam niya alam na ng kaibigan na tuluyan na siyang umanib sa Prinsipe ng mga bampira. Ngunit hindi na siya tumuloy dahiL nga sa eksena sa loob ng bahay ng kaibigan.
Nanghihiklabot na napamaang ito sa kanya. Nginisihan niya ito.
"Shit! Nakita mo?!"
"Inosente pa ang mga mata ko,Marko.." sarcastic niyang tugon rito na hindi sumusulyap rito.
"Damn,kung ganun..wala pang nangyayari sa inyo?"
Agad na natawa ito ng lingunin niya ito ng matalim na tingin.
"Nilalaspatanganan mo ang prinsipe niyo," aniya.
"Don't worry,close kami nun,"nakangisi nitong tugon.
Napapailing na tinalikuran na niya ito.
Marami ng napabagsak na bantay sa lugar na yun hanggang sa makarating siya kung saan naroroon ang Prinsipe at ang iba pa.
" M-mahal na Prinsipe,parang awa niyo na..ayaw namin iwan ang aming mga mahal sa buhay,ayaw namin makipaglaban sa mga rebelde,"lumuluhang nagmamakaawang saad ng lalaking bampira sabay luhod nito.
Takot at pangamba ang makikita sa mga alipin na pinakawalan ng Prinsipe mula sa kinapipiitan ng mga ito. May mga bakas ng hirap ang mga anyo ng mga ito dahil sa papahilam pa lang na mga sugat sa balat ng mga ito. Napapalibutan nila ang mga ito kaya takot na takot ang lahat.
Masuyong nginitian ni Prinsipe Jino ang lalaking nagmakaawa at tinulungan itong tumayo mula sa pagkakaluhod nito.
"Hindi ako naparito..o kami..para dyan,mahal kong kaibigan,nandito kami para palayain kayong lahat.." anang ng Prinsipe.
"A-ano po ang ibig niyong sabihin,mahal na Prinsipe?"naguguluhan tanong ng lalaking bampirang iyun.
" Kami ang mga rebelde na tinutukoy niyo..kami ang Black Alliance..pero sana manatiling tahimik ang lahat tungkol sa akin binuong alyansa kapalit ng pagpapalaya namin sa inyo,"masuyong man ay may bahid ng awtoridad na saad ni Jino sa mga alipin.
Agad na tumango ang lahat. Ang takot at pangamba ay nahalinhan na ng katuwaan at pag-asa.
"Salamat,mahal na Prinsipe..pinapangako namin bilang pagtanaw sa inyong kabaitan at pagtulong samin ay susuportahan namin kayo," masigla at puno na ng pag-asa turan ng lalaki.
"Salamat sa inyo,malaya na kayong lahat," anunsiyo ng Prinsipe.
Agad na ginabayan ng lahat ang mga pinalayang alipin.
Mataman niyang pinagmasdan ang prinsipe na umaalalay sa mga hindi pa hustong gumagaling.
Mapagkumbabang Prinsipe.
Yes,Xania..mas lalo nahuhulog na ang loob mo sa kanya.
You're in love with him now,deeply.
BINABASA MO ANG
THE LAST VI-OLF byCallmeAngge (COMPLETED)[Under Major Editing]
Vampiros#Halfling #Vi-olf #Romance #family