Malakas na bumubuhos ang malamig na tubig mula sa dutsa ng shower habang nasa ilalim niyun si Xania. Napabuntong-hininga siya ng maulinigan ang mga yabag ni Jino. Nagpumilit ito na samahan siyang umuwi mula sa hideout kung saan doon nananatili ang lahat ng bumubuo ng Black Alliance.
Nang matapos agad na lumabas siya ng kanyang banyo pagkatapos isuot ang kulay itim na roba niya sa walk-in closet naman siya nagtungo para pumili ng susuutin.
Nasa ibaba pa rin,sa salas niya ang prinsipe kaya isang maluwag na puting T-shirt at pulang jogging pants ang sinuot niya. Napangisi siya. Mahirap na baka matukso na naman siya sa pang-aaakit nito. Siya na ang kusang gagawa ng paraan para hindi siya kaagad mapatukso rito.
Nang makapagbihis agad na bumaba na siya at nadatnan niyang kampanteng-kampante nakaupo ito sa pahabang sofa habang nakatutok ang abuhin mga mata nito sa malapad na screen ng TV niya.
"Hindi ka ba hinahanap sa inyo,mahal na Prinsipe?" untag niya rito. Agad na lumingon ito sa kanya.
Tinaasan niya ito ng isang kilay ng humagod ang mga mata nito sa kabuoan niya.
Napaungol ito at dismayadong napasandal sa sandalan ng sofa.
"Hindi nga ko agad lumingon para masurprise ako kung anong susuutin mo eh tapos malilingunan ko na lang..pang-P.E?"
Hindi niya napigilan matawa sa inakto nito.
"Baliw ka talaga..."
Ngumisi ito. "Halika...tabi ka sakin," anito.
Humalukipkip siya. "Inuutusan mo ba ko?"
"Hindi naman... Gusto lang kita makatabi o gusto mo ako ang lalapit sayo?"anito sa nakangisi pa rin ang mga labi.
Tumirik ang mga mata niya sa kakulitan nito. Napipilitan tuloy siyang umupo sa tabi nito dahil sigurado naman wala siyang pagpipilian.
"Hmmm..ang bango naman ng prinsesa ko!" anito ng mabilis isubsob ang mukha nito sa leegan niya.
Agad na tinulak niya ito sa balikat. "Umayos ka nga..saka anong prinsesa mo? Baliw ka talaga," aniya pero sa kaloob-looban niya may umuusbong na..kilig?
Tumawa ito ng mahina sabay titig sa kanyang mukha ng marubdob..mainit!
Lihim siyang napalunok ng laway. Heto na...nang-aaakit na naman ang Prinsipe!
Control,Xania!
Sasamaan niya sana ito ng tingin ng makitang nagsasalubong ang mga kilay na nito. Titig na titig ito sa mga mata niya.
"Bakit?"
"Naka-contact lense ka ba?"tanong nito.
Agad na rumihistro sa utak niya ang tinutukoy nito.
Shit!
Inalis nga pala niya bago maligo ang contact lense niya!
" Uh,Oo..bakit? Weird ba ang kulay?"pagpapalusot niya.
Naman! Bakit ba niya nakaligtaan isuot muna ang contact lense niya bago ito babain!
"Hindi naman..bagay sayo," nakangiti na nitong turan.
Agad na iniiwas niya ang mga mata rito.
Ang mga mata ng isang Vi-Olf ang nakikita nito ngayon.
"Salamat," sabi na lang niya.
"Hindi ka pa ba uuwi? Gusto ko na magpahinga," untag niya pagkaraan.
Bumuga ito ng hangin. "Pwede bang dito na lang ako magpalipas ng gabi? Baka mapaano ako sa daan ngayon naalarma na sila," anito na tila nagpapaawa sa kanya.
Pinaningkitan niya ito ng mga mata. "Seryoso ka ba? Sa tingin mo gagalawin ka nila gayon ikaw ang Prinsipe nila at hindi nila maiisip na ikaw ang pinuno ng Black Alliance," aniya.
Napasimangot ito. "Sige na.."
Mariin niya naipikit ang mga mata. "Hindi porket may mutual understanding tayo basta-basta mo na lang aabusuhin yun,Mahal na Prinsipe," mariin niyang saad rito.
Ngumisi ito. "Yun na nga..mas mainam na yun magkalapit tayo para mas lalo tayo mahulog sa isa't-isa! Baka natatakot ka lang na may mangyari satin noh?!"
Napaigik ito ng tumama ang likod ng palad niya sa sikmura nito.
Tukso taLaga ito!
"Seryoso ka? Nasaktan ka dun?" napapantastikuhan saad niya rito.
"Nabigla kaya ko! Ang lakas naman ng kamay mo?" nakangiwi nitong saad.
Agad na naguilty sya ng makita na nasaktan nga ata ito. Shit,ganun ba siya kalakas?!
Baka nakakalimutan mo,Xania! Vi-olf ka!
Dalawang uri ng nilalang na pinag-isa sa katauhan mo!
"I'm sorry..alright,dito ka na matulog,"aniya para makabawi sa pananakit niya rito.
Agad na napangiti ito. "Tara na! Tulog na tayo!"
Napailing na lang siya sa kaagresibuhan ng prinsipe. Napapangiti na nagpahila na lang siya paakyat sa silid niya.
BINABASA MO ANG
THE LAST VI-OLF byCallmeAngge (COMPLETED)[Under Major Editing]
Vampire#Halfling #Vi-olf #Romance #family