Nanlaki ang mga mata ni Dario ng makita ang magkasunod na lumabas sa bumukas na pintuan ng silid ng mahal na prinsipe.
Agad siya napasinghap ng isalya siya ng isa sa pader sa loob na ng silid ng Prinsipe. Ang bilis agad na naipasok siya sa loob ng silid ng hindi man lang siya nakakurap!
"Nagkita tayong muli," mariin nitong saad.
Ang hunter na lobo.
"Dario," ang prinsipe.
Napatingin siya sa prinsipe.
"M-mahal na prinsipe,a-anong ginagawa niyo dito?" nababahala niyang saad sabay tingin sa babaeng lobo na nasa harapan pa rin niya.
Dumistansya ang babaeng lobo sa kanya at ang prinsipe naman ang lumapit sa kanya.
"Kamusta si ama?" hindi pagsagot nito sa tanong niya.
Agad na umayos siya ng pagkakatindig.
"Mahal na prinsipe,pupuntahan ko na sana kayo para ipaalam na...para ipaalam na hindi pa rin maayos ang kalagayan ng Hari," aniya.
Nakita niya ang pagdilim ng anyo ng prinsipe.
Agad na yumuko siya ng ulo.
"Dalhin mo kami sa silid ni ama,"anang ng prinsipe na nagpaangat sa mukha niya.
Agad na napasulyap siya sa babaeng lobo na nakahalukipkip sa kanya.
"Maaari naman kayo pumasok sa silid ng Hari,mahal na prinsipe," baling niya sa prinsipe.
Sinulyapan naman nito ang babaeng lobo.
"Isasama ko siya," matiim na saad ng prinsipe.
Napakurap-kurap na napatingin siya muli sa babaeng lobo.
Matiim naman nakatingin sa kanya ito. Napabuga siya ng hangin pagkaraan. Tungkulin niyang sundin ang kautusan ng prinsipe sa kanya.
"Masusunod,mahal na prinsipe," aniya.
Hindi naman na kailangan pang isama pa siya ni Jino sa silid ng ama nito pero gusto lamang siguro nito makita niya ang kalagayan ng Hari.
Nakita na niya nag-aalala ito para ama nito kaya hahayaan na lang niya ito sa gusto nitong gawin.
Sa tulong ni Dario nakapasok sila sa silid ng Hari ng walang aberya. Nanatili ito sa labas ng silid para magbantay.
May ilang minuto na lang sila natitira bago umalis ng palasyo.
Napako siya sa kinatatayuan niya ng makita ang kalagayan ng Hari. Bigla siya nakaramdam ng awa ng makita si Jino na hindi makapaniwala sa nakikita nitong hitsura ng ama.
Naikuyom niya ang mga palad.
"Anong nangyari sa inyo ama?" hindi makapaniwala saad nito.
Halos maging buto't-balat na lamang ang Hari.
Nakita niya ang pagtiim-bagang ng Prinsipe.
Nanatili lang siya nakatayo sa isang sulok. Naagaw ng atensyon niya ang malaking larawan ng mga ito na nasa isang bahagi ng silid. Larawan ng isang makapangyarihan pamilya.
Napakaganda ng ina ng prinsipe at ang Hari napakakisig nito at kasinggwapo din ng prinsipe. Napatingin siya sa Hari. Malayo na ang hitsura nito ngayon sa hitsura nito sa larawan.
Nalukot ang ilong niya ng maamoy niya na may paparating.
Mabilis na tinungo niya ang bintana bago siya makita ng pumasok na iyun.
"Mahal na prinsipe," anang ng isang boses ng lalaki.
Nangunot ang noo niya.
Tila pamilyar sa kanya ang boses na iyun.
Bago pa man na subukan niyang silipin ang nagsalita nagkaroon ng malakas na sigaw.
"Pinasok tayo!!!"
BINABASA MO ANG
THE LAST VI-OLF byCallmeAngge (COMPLETED)[Under Major Editing]
Vampire#Halfling #Vi-olf #Romance #family