Chapter 43

4.5K 165 0
                                    

Napangiti si Prinsipe Jino sa sarili. Hindi umalis sa tabi niya si Xania hanggat hindi gumagaan ang pakiramdam niya at dahil mas lumalalim ang nararamdaman niya para sa babaeng lobo.

Hindi mapigilan ng puso niya na makaramdam ng saya sa kabila ng alalahanin niya para sa ama.

Kung meron man may nagpapasaya sa kanya ngayon iyun ay walang iba kundi si Xania.

Agad na pumulupot ang mga braso niya sa katawan ng dalaga mula sa likuran nito habang abala ito sa paglilinis nito sa silver dagger nito.

Ibinaon niya ang mukha sa pagitan ng leeg at balikat nito. Gustong-gusto niya ang parteng iyun marahil dahiL sa mabangong amoy ng dugo nito sa ugat na pumipintig roon.

"Uwi na tayo,"anas niya sa balat nito.

" Hindi pa tapos ang lahat sa pagsasanay,"tugon nito.

Ipinatong niya ang baba sa balikat nito at ipinaling sa kanya ang mukha nito.

Bumuga siya ng hangin. "Prinsipe naman ako kaya ayos lang na umalis ako at iwan sila habang nagsasanay,"katwiran niya.

Pinaningkitan siya nito ng mga mata. "Hindi ka magandang impluwensya sa kanila kung ganyan ka,eh,ano kung Prinsipe ka nila mas maganda kung nakikita ka nila mas magpapakatiwalaan ka nila at titibay ang samahan sa pagitan niyo," pangaral nito sa kanya na kinamangha niya.

Manghang napangiti siya rito. "Kaya lalo ako nababaliw sayo,Xania," usal niya.

Inirapan siya nito na kinatawa niya.

"Gusto ko yung contact lens mo nung nakaraan.." bigla niyang saad na kinatigil nito.

"Ayoko lang mas magmukhang weird sa mga bampira na nandito..hindi pa nila lubusan na pinagkakatiwalaan ang isang lobo tulad ko," anito pagkaraan.

Napabuga siya ng hangin. Oo..ilag pa rin ang lahat sa dalaga.

Hinigpitan niya ang pagkakayakap sa dalaga. "Patawad sa bagay na yan.."

Nagkibit ito ng balikat. "Hindi mo naman hawak ang isip nila kaya ayos lang," anang ng dalaga.

Muli siya bumuntong-hininga. Nakayakap lang siya rito hanggang sa matapos ito sa ginagawa.

"Uwi na tayo.." ungot niya rito. Agad naman siya nito tinaasan ng kilay.

"Sige na..maiintindihan naman nila yun kung aalis ako..tayo," anito na may ngisi sa mga labi nito.

Humalukipkip ito at tumalim na ang mga mata nito sa kanya.

Ang ngisi sa mga labi ng Prinsipe ay nauwi sa pagngiwi.

"Okay," anang ng dalaga na agad na kinaliwanag ng mukha ng Prinsipe.

"Kapag natalo mo ako,uuwi tayo ng maaga at kapag natalo kita,dito tayo magpapalipas ng gabi," anito na nagpaawang ng mga labi ng Prinsipe.

"Kakalabanin kita?"

"Bakit? Scared?" nakangisi nitong turan.

"Hindi noh! Sige,kung yan ang gusto ng prinsesa ko!"depensa agad ng Prinsesa .

" Good,then.."

Napaangil sa inis si Prinsipe Jino ng makailang beses na siyang napatumba ni Xania.

Sinamaan niya ng tingin ang kinaroroonan ni Marko na impit na pinagtatawanan siya.

Nanunuod sa kanila ang lahat at bilang isang prinsipe ng lahing bampira isang kahihiyan na makita ng mga ito na isa siyang talunan!

Ano ba,Jino?!

Nakangisi ang babaeng lobo sa kanya. Pinaningkitan niya ito ng mga mata.

Muli niya ito sinugod. Kailangan makabawi siya mula sa pagkapahiya.

Mabilis ang mga galaw nila. Sumasabay sa hangin. Hand to hand combat. Ni wala na kahit anong armas at talagang hiyang-hiya siya sa sarili dahil natatalo pa siya ng isang babae.

Mabilis na nasalag nito ang sipa niya gamit ang isa nitong braso. Shit! Ni hindi man lang ito pumiksi?!

Gaano ba ito kalakas?!

Hindi na nga niya kinokontrol ang bawat bitaw niya rito ng lakas dahil naiinsulto daw ito kapag ginawa niya yun pero namamangha talaga siya dahil balewala lamang dito ang lakas na tumatama rito!

Malakas siya napamura ng tumama ang kamao nito sa panga niya. Agad na bumawi siya sa pagkabigla.

Isang kisap mata pumuwesto siya sa likuran nito at pinulopot ang isang braso sa leegan nito.

"Come on,babe..napapahiya na ko," bulong niya rito.

Natawa ito at sinamantala niya iyun. Pinihit niya ito paharap sa kanya at buong pwersa na isinandig ito sa katawan ng isang puno. Malayo sa mga nanunuod sa kanila.

"Mahal kita,Xania.." anas niya sabay sakop sa mga labi nito.

THE LAST VI-OLF byCallmeAngge (COMPLETED)[Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon