Mataman niyang pinagmasdan ang Prinsipe ng mga bampira.
"Xania...Si Jino,ang prinsipe ng aming lahi ..." untag ng kaibigan si Marko na ipinakilala nito sa kanya ang lalaking bampira.
Ngumiti ito sa kanya at muling naramdaman niya ang kakaibang kalabog ng kanyang dibdib.
Pinatili niya ang malamig na ekspresyon sa mukha niya. Wala pa rin siyang tiwala sa Jino ito. Lalo na ito pala ang Prinsipe ng mga lahing bampira.
"Jino,si Xania.." baling naman ng kaibigan sa Prinsipe para ipakilala siya.
"Isang karangalan na makilala ka,binibining Xania.."nakangiti pa rin ito sa kanya.
Hindi siya tumugon bagkus isang mapanuring tingin lang ang tinugon niya rito kahit nakakabagabag sa kanya ang napakagwapo nitong ngiti. Oo..alam niya ang salitang gwapo!
"Nais kong bumuo ng isang alyansa para pabagsakin ang aking ama.."anito na pumukaw sa kanya.
Mahihimigan sa pananalita nito ang kaseryosohan sa nais nitong mangyari. Bubuo ito ng isang alyansa para kalabanin ang sarili nitong ama?
Bumaling siya sa kaibigan na halatadong nananantiya sa kung ano ang magiging reaksyon niya sa sinabi ng Prinsipe.
"Xania...matutulungan ka din niya..mapoprotektahan ka niya mula sa paghahanap sayo ng Hari..." anang ng kaibigan na batid ang pagtugis sa kanya. Nasa mukha nito ang pag-aalala para sa kaligtasan niya at pag-asam na sana ay pumayag siya sa gusto ng mga ito mula sa kanya.
"Ayaw kong dumating ang oras na mahuli ka ng mga alagad ng Hari...Nag-aaalala ako sayo,alam mo yan"dagdag pa nito na hindi kinukubli ang pangamba sa posibleng mangyari sa kanya sa oras na mahuli siya ng mga alagad ng Hari ng mga ito.
Tumingin siya sa Prinsipe na mataman na nakatitig sa kanya.
" Kung aaanib ka sakin binibuong alyansa..mas malaki ang tsansa natin mabigyan ng katahimikan at kalayaan ang dalawang lahi at ang mga tao.."pangungubinsi nito sa kanya.
"Hindi ba iyun ang misyon mo? Ang mabigyan ng mapayapang buhay at katahimikan ang mga inosenteng nilalang sa mundong ito at iyun ang aking adhikain,binibining Xania.."
Nagpagkit ang kanilang mga mata. Masasalamin sa kanilang mga mata ang pagkakapareho ng nais na mangyari.
Bigla may kung anong mainit na gumapang sa kanyang mga ugat habang magkatitig sila sa isa't-isa. Bakit siya nakakaramdam ng ganun sa pagitan nila ng Prinsipe? Hindi ba dapat magduda siya o anupaman? Pero bakit may kung ano itong binuhay sa kanyang sistema.
Bahagya niyang iniawang ang mga labi sa kadahilanan na unti-unting pagbigat ng kanyang paghinga habang nanatili pa rin nakatitig siya sa mga mata nito. Lihim siyang napalunok ng matanto na ganun din ang nakikita niya sa abuhin mga mata nito. Dumidilim iyun. Mainit.
Isang pagtikhim ang bumasag sa kung anong mahika ng sensasyon ang namagitan sa kanila ng prinsipe mula sa kaibigan na si Marko. May sinusupil itong ngiti sa mga labi nito ng sulyapan niya ito.
"Handa akong mamatay sa kamay mo,Xania kapalit ng tiwalang ibibigay mo sa aming Prinsipe.."saad nito pagkaraan sa seryosong anyo.
Naikuyom niya ang mga palad. Kilala niya si Marko. Isa ito sa pinagkakatiwalaan niya.
"Handa ko din ipasakamay sayo ang aking buhay kapalit ng tiwala mo,binibining Xania..." turan ng Prinsipe sa kanya.
Napatitig siyang muli sa prinsipe. Sa pagkakataon iyun hindi niya hinayaan na pangunahan siya ng hindi pamilyar na damdamin iyun. Sa ilang daan taon na nabubuhay siya ngayon lamang niya naramdaman iyun sa isang lalaki.
Paghanga o Pagnanasa?
Agad na iwinaksi niya ang kaisipan iyun. Hindi siya pwedeng magpaapekto sa kahit kanino. Kahit sa isang napakagwapong Prinsipe itong na nasa harapan niya!
"Patunayan mo sakin kung isa ka ngang kakampi,Prinsipe ng mga bampira," puno ng paghahamon niyang saad pagkaraan na maibalik niya ang sarili sa tamang huwisyo.
"Kaya kong patunayan yun sayo,Binibining Xania.." nakangisi na nitong saad.
"Kung ganun iharap mo sakin si Alarcon..."agad na sabi niya.
"Kaya ko siya ibigay sayo,binibining Xania..."agad-agad din nitong tugon.
Humakbang siya palapit dito at kasabay niyun ang palakas din ng pagkabog ng kanyang dibdib.
"Aasahan ko yan,mahal na Prinsipe.." aniya.
"It's Jino..mas gusto ko na tawagin mo ako sa aking pangalan,Binibining Xania.."nangingislap ang mga mata nitong saad.
Inangat niya ang sariling kamay para pormal na makipagkamay dito.
" Jino..."usal niya.
"Binibining Xania..." nakangiti nitong tinanggap ang pakikipagkamay niya.
Lalo lamang nabagabag ang kanyang puso pati na rin ang buo niyang pagkatao ng magdikit ang kanilang mga kamay.
Ang pagsasanib ng malamig sa mainit. Isang masarap na sensasyon ang gumapang sa kaniyang mga ugat.
Naramdaman mo rin ba ang kakaibang sensasyon iyun?
Lihim siyang napasinghap sa sinabi nito gamit lamang ang isip!
Isang ngiti ang sumilay sa mga labi nito na lalong nagpagabag sa kanyang sistema.
BINABASA MO ANG
THE LAST VI-OLF byCallmeAngge (COMPLETED)[Under Major Editing]
Vampire#Halfling #Vi-olf #Romance #family