Chapter 19

5.1K 182 2
                                    

"Anong ibig mong sabihin na hindi mo na mahagilap ang ibang nasa society?" malagom at mapanganib na bulalas ni Haring Cordova sa kanya kanang-kamay na si Alarcon.

"Tatlo sila umalis sa binuo niyong society,Haring Cordova.."

Isang society na binuo ng Hari na bumubuo ng mga bampira na may malalakas at makapangyarihan pangkat sa kanilang lahi.

Ang Royal Society na siyang nagpapatakbo at nagpapanatili sa pagkakaluklok ni Haring Cordova.

"Tatlo? Paano at sa anong dahilan nila ginawa yun ang bigla pagkawala nila?!" hindi makapaniwalang turan ng hari.

"May palagay ako na maaari may gusto magpabagsak sa inyo,mahal na Hari.." hinuha ni Alarcon na siyabg nagpagalit sa Hari.

Malakas na bumaon ang kamao ng Hari nang suntukin nito ang malapit na pader sa loob ng pribadong silid na pag-aaari din nito na nasa Estados Unidos.

"Mga walanghiya! Tatraydurin pa nila ako?! Kung sa inaakala nila mapababagsak nila ako,puwes! Nagkakamali sila!"tiim-bagang usal ng Hari at napalitan ng itim ang kulay bughaw na mga mata ng Hari.

"Huwag kang titigil hanggat hindi mo nahahanap ang tatlong traydor na yun! Lalo na ang lobong hunter na yun!" nanggagalaiti na nito saad kay Alarcon.

"Masusunod,mahal na Hari! Hindi pa rin tumitigil ang mga tauhan ko sa paghahanap sa hunter na yun," mariin saad ni Alarcon.

"Siguruduhin mo lang na hindi ako maiinip sa paghihintay sa paghuli mo sa kanya..alam mong ayoko pinaghihintay!"pagtalim ng mga mata nito sa kanya.

"Umasa po kayo na mahuhuli ko siya at hindi magtatagal mapapasakamay niyo na ang buhay niya"sigurado niyang saad.

Naikuyom ni Alarcon ang mga palad. Ang ayaw niya sa lahat ang napapahiya sa Hari.

Masyadong madulas ang hunter na yun! Sisiguruduhin niya matatagpuan niya ito gaya na lamang na matagpuan niya ang mag-asawang Amalia at Emilio. Kailanman hindi siya sumasablay sa pagtutugis.

Doon siya magaling sa paghahanap kahit saan sila magtago matatagpuan at matatagpuan niya ang mga ito.

Umangil siya.

Mahuhuli din kita!

Palihim ang pakikipag-ugnayan ni Jino sa tatlong miyembro ng Royal Society para sa binubuo niyang alyansa.

Nakuha niya ang loob ng mga ito sa pamamagitan ng paghuli niya sa kalooban ng bawat miyembro at ang tatlong ito ang siyang nakakuha ng tiwala niya.

"Pinapahanap na kami ng iyong ama,mahal na prinsipe.." untag ng matandang bampira. Hindi mababakas sa anyo nito na nababahala ito sa pagtiwalag nito sa society.

"Pero huwag kayong mag-aalala,mahal na Prinsipe ,kaya namin protektahan ang aming sarili mula sa iyong ama at tangi mo lamang gawin ay mapagtagumpayan mong pabagsakin ang iyong ama.." saad ng pangalawa bampira na kaedad din ng unang bampira.

Tumango ang pangatlo bampira na hindi din nalalayo ang edad sa naunang dalawang bampira.

"Tama. Alam mong nasa sayo ang aming suporta..nandito lamang kami para suportahan ang iyung misyon na pabagsakin ang sakim na Hari na si Haring Cordova.." mariin nitong saad.

"Maraming salamat sa inyo mga mabubuti kong kaibigan,pinapangako ko na gagawin ko ang lahat para sa ikakatahimik ng ating mga lahi at ng iba pang lahi.."puno ng konbiksyon niyang saad.

Nagsitanguan ang mga ito sa kanya. Nagtitiwala na magagawa niya iyun.

Umaasa din sya maliban sa mga ito ay makuha na din niya ang tiwala ni Xania.

THE LAST VI-OLF byCallmeAngge (COMPLETED)[Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon