Chapter 30

5K 198 11
                                    

Hindi na siya nagulat ng makita ang Prinsipe ng mga bampira na na nakapasok na naman ng kanyang bahay. Ni hindi man lang ito nangamba na sa bawat sulok ng kanyang bahay ay ikakamatay nito.

Mahimbing itong natutulog sa kama niya!

Bakit dito natutulog ang bampirang ito?

Gayunpaman,nanatili lang siya nakatitig sa natutulog na Prinsipe.

Napabuga siya ng hangin habang nakahilig sa gilid ng pintuan ng kwarto niya.Anong klaseng bampira ba ito? Tulog na tulog!

Mabilis niyang mapapatay ito gamit ang kanya Silver CLaw ng hindi nito namamalayan. Oo,silver Claw. Iyun ang tawag ni Camelia sa mga kuko niya kapag nasa ganun anyo.

Marahas siyang napabuga. Determinado talaga ito na makuha ang tiwala niya. Yun nga lang ba,Xania? Tiwala nga lang ba o pati ang ...puso mo?

Naipikit niya ang mga mata. Umiibig ba siya rito? Agad na nasapo niya ang dibdib kung nasaan ang puso niya na malakas na kumakabog.

Iminulat niya ang mga mata at tumitig sa napakagwapong mukha ng Prinsipe.

Napaawang ang mga labi niya ng tumibok ng ubod ng bilis ang puso niya.

Imposible...

Gumalaw ito at nagbago ng posisyon ng pagtulog.

Marahas siyang napabuga muli ng hangin. Sa dami na pwede niyang ibigin sa isang bampira pa. Kalahi pa ng pumatay sa kanyang mga magulang!

Naikuyom niya ang mga palad. Dapat bang idamay niya ito sa paghihinganti niya sa pagkamatay ng kanyang mga magulang? Panigurado gaya niya wala pa din itong kamalay-malay sa mga nangyayari sa paligid ng mga panahon iyun.

Bago pa man niyang isipin na gisingin ito ay tumalikod na siya para magtungo sa kanyang kusina.

Nauuhaw siya. Agad na tinungo niya ang kanyang two-door refrigerator. Marami siyang stocks na espesyal na inumin na mismong si Marko ang nagsusupply sa kanya. Isang klase ng inumin na may halong dugo pero hindi niya malalasahan iyun mula sa inumin dahil sa Cherry Flavor.

Bago pa man niyang maisara muli ang ref niya na makakuha siya ng isang bote ng mapuna ang mga nakasalansan na pakete sa ibabang bahagi ng ref.

Dumampot siya ng isa at inamoy iyun. Nalukot ang ilong niya ng malaman na dugo iyun.

"Hindi lang ang bahay ko ang pinapasok niya pati ang Ref ko at talagang nakistocks pa siya rito ng pagkain niya," bulalas niya na hindi makapaniwala sa nadatnan iyun. Ilang araw lang siya hindi nakauwi may iba ng gumagamit ng Ref at kwarto niya!

Padarag na sinara niya ang pintuan ng ref.

Matalim ang mga mata niya na nilingon niya ang kinaroroonan ng bampira na nasa ikalawang palapag lamang.

"Baliw na Prinsipe!"

Kinabukasan,maagang nagising si Jino. Ilang gabi na siyang natutulog sa bahay na ito at wala pa ring Xania ang nagpapakita sa kanya.

Bigla na lamang ito nawala at halos isang linggo na din mula ng huli sila magkausap at magkita nito..at sobrang namimiss na niya ito!

Napahilamos siya sa kanyang mukha.

Where the hell is she? Mababaliw na talaga siya!

Hindi din alam ni Marko kung nasaan ito,ang sabi ng kaibigan itatanong nito sa kasintahan nito na malapit na kaibigan naman ni Xania pero itinawag sa kanya ni Marko na hindi rin alam ng kasintahan nito kung nasaan ang babaeng lobo.

Alright,this is really insane!

Pinapahanap ng kanyang ama ang babaeng lobo sa kanya para pagbayarin nito ang pagpaslang sa ibang bampira pero ito siya, hinahanap niya ito dahil labis na siya nagungulila rito!

Just fie himself. For his happiness. For his craziness!

"Aba,mukhang gising na ang mahal na prinsipe ah.." sarcastic na saad ng boses na iyun ni Xania.

Marahas syang napatingin sa kinaroroonan nito.

Nakahalukipkip ito sa kanya habang matalim na nakatingin sa kanya.

Agad na sumilay ang masayang ngiti sa mga labi niya ng masilayan niya muli ang magandang mukha ni Xania. Hindi alintana ang masama nitong tingin sa kanya!

Damn it,gaano na ba kalala ang nararamdaman niya para sa babaeng lobo ito? Makita lang niya ito sobrang saya na niya!

He's crazy in love with her!

THE LAST VI-OLF byCallmeAngge (COMPLETED)[Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon