"Mahal na Prinsipe!" salubong ng alalay ng Prinsipe na si Dario sa nagmamadaling si Prinsipe Jino.
"Anong nangyari sa Hari?" may lukob ng pag-aalala turan ni Jino para sa ama. Kahit na palihim na kinakalaban niya ang Hari,ama pa rin niya ito. Hindi mawawala ang pag-aalala ng isang anak para sa magulang kahit na ba hindi sila ganun kalapit sa isa't-isa.
Agad na nakarating sa kaalaman niya ang pagbabalik ng Hari mula sa Estados Unidos pero tila daw ito nanghihina.
"Ayon sa manggagamot baka dahil sa sobrang pagkaabala ng Hari nitong mga huLing araw baka nakakaligtaan ng Hari ang kumain," tugon ni Dario sa kanya ng kinatigil niya sa paghakbang.
"Wala bang nag-aasikaso sa kanya?"
"Kasama niya si Maria at ang ilang utusan," agad na tugon nito sa kanya.
"Nasaan si Alarcon?"
"Nasa Estados Unidos siya muna ang umasikaso sa iniwan ng Mahal na Hari roon," anito.
"Hindi ba trabaho ni Alarcon yun? Bakit inaabala ng Hari ang sarili niya sa bagay na yun," galit na niyang saad.
Agad na natigilan ang Prinsipe ng makita ang anyo ng Hari pagkabukas ng pintuan ng silid nito.
Bigla naalala niya na nasa ganun din kalagayan ang kanyang mahal na ina.
"Mahal na Prinsipe," malugod na pagbati sa kanya ng lalaking manggagamot.
Naikuyom niya ang mga palad na nasa magkabilang gilid niya.
May awa siyang naramdaman para sa ama. Tila bumalik sa kanya ang lahat kung paano niya nakikita ang ina na nasa ganun din kalagayan.
"Anong...anong nangyari sa Hari?" halos hindi makapaniwala saad niya.
Sinuyod ng mga mata niya ang hitsura ng ama. Tila pumayat ito ng doble.
"Mahal na Prinsipe,ayon sa pagsusuri ko sa kalagayan ng Hari..nanghihina siya dahiL sa kawalan ng sapat na pagkain," tugon ng manggagamot .
Sinulyapan niya ito. Nanatili lamang ito nakayuko.
Napakasimpleng pagsusuri pero bakit ganun kabilis ang pamamayat ng ama?
"Sigurado kayong iyun lang ang dahilan?" paniniguro niyang tanong rito.
Natigilan ito at tila may mali sa naging reaksyon nito.
"Pasensya na,nais ko lang makasiguro na iyun lamang ang dahilan ng biglaan pagkasakit niya," agad na pagbawi niya sa inakto niya rito.
Matagal na itong manggagamot ng Hari ..ito rin ang sumusuri sa kanyang ina.
"Ayos lamang,mahal na Prinsipe,nauunawaan ko. Alam ko ang pinagdaanan niyo noon na maratay din ang mahal na Reyna," tugon nito na hindi pa rin tumitingin sa kanya.
Ibinaling na muli niya ang atensyon sa Hari na mahimbing na natutulog.
Naikuyom niya muli ang mga palad. Paano magiging patas ang laban sa pagitan nila ng ama kung nasa ganito itong kalagayan. Kahit papaano gusto pa rin niyang maging patas ang laban nila ng ama.
Patawad,ama...pero hindi magbabago ang lahat. Patuloy pa rin lalaban ang aking binuong alyansa laban sa inyo...
"May gamot ba para sa kalagayan niya?" muli niyang untag sa manggagamot.
"Mayroon,mahal na Prinsipe..huwag kayong mag-aalala. Babantayan ko ang kalagayan ng Hari kahit anong oras," anito.
Tumango siya at muling tinitigan ang ama.
"Aasahan ko yan,hindi gugustuhin ng Hari manatili siya rito ng walang ginagawa," aniya habang mataman na nakatitig sa mukha ng ama.
Kung matatagalan sa pag-ayos ng kondisyon ng ama mapapadali ang lahat sa kanila.
Pero...nandyan si Alarcon. Paniguradong kikilos ito kahit walang utos mula sa ama..gayon wala pang kaalam-alam ang Hari tungkol sa kanila.
Lalaban pa rin ang Black Alliance para sa kalayaan ng lahing bampira at ng iba pang lahi.

BINABASA MO ANG
THE LAST VI-OLF byCallmeAngge (COMPLETED)[Under Major Editing]
Vampir#Halfling #Vi-olf #Romance #family