Pinagmamasdan niya ang kaibigan si Xania habang namimilipit sa ibabaw ng dayami. Doon ito nagkulong sa ilang gabi na pagdurusa nito.
Naikuyom niya ang mga palad. Hindi siya makapaniwala sa pinagdadaanan nito.
Ang tunay na anyo nitong bilang Vi-olf. Nakakabighani ngunit mapanganib.
Bahagya siya napaatras ng makita ang muli nitong pagbabago. Ang mga mata nito at ang paghaba ng mga kuko.
Lumapit ito sa kanya at sinabi ang tungkol sa nangyari pagbabago nito. Nasaksihan niya kung ano ang tinutukoy nito.
"Gaano katagal niya bago ito malagpasan?" may pag-aalala saad niya sa isang babae na may mahabang kulay pulang buhok.
Isa din itong white witch tulad niya. Mas matanda nga lang ito sa kanya ng ilang siglo pero hindi makikita sa pisikal nitong anyo. She's look so young and very beautiful like her.
Lucrexia is her older sister.
"Pagkatapos na ng kabilugan ng buwan at hanggang bukas na lang yun.." malumanay nito saad.
"Bakit ngayon lang lumabas?" kuryuso niya saad.
Nanatili nakatitig ang kapatid kay Xania.
"Hindi pa ko nakakaengkuwentro ng isang tulad niya,mahal kong kapatid..ngunit alam kong nag-eexist ang isang tulad niyang Vi-olf,panigurado magugulat ang hari ng mga bampira kung malalaman na lang niya na may isinilang pa lang Vi-olf..." pagngisi nito sa sinabi iyun.
"Kung ngayon lamang ito nangyari malaman ngayon lang itinakda na mabuhay sa katauhan niya ang isang Vi-olf..." anito.
"Paano siya? Magagamit ba niya iyan sa kabutihan?"
"Siya lamang ang makakapagsabi nun.." maikli nitong sagot.
Mataman niya pinagmasdan ang kaibigan na ngayon ay tahimik ng nakasalampak sa sulok ng kanya kuwarda.
Nakayukyok ito habang kumikinang sa liwanag ng buwan ang mga kuko nito.
Nag-aaalala siya para sa kaibigan. Pinangahasan niya lapitan ito,may kaba pero gusto niya lapitan ito.
"Xania.."
Marahas na tumingala sa kanya ang kaibigan. Nakakabahala ang kulay silver nitong mga mata.
Nakakapangilabot pero alam niya ang kaibigan pa rin si Xania ang kaharap niya.
"Xania.." sambit niya muli sa pangalan nito.
"I-isa akong halimaw.."halos pabulong nitong saad.
Hindi siya makapaniwala na nakikita niya ngayon ang isang mahinang Xania.
Ang kilala niyang Xania ay matapang,palaban at maprinsipyo. Pero hindi ngayon. Nakakalungkot. Nag-aaalala siya, para na rin niya itong isang nakakabatang kapatid sa kabila ng pagkakaiba nila ng lahi pinagmulan.
Lumuhod siya sa harapan nito at napasinghap siya ng madikit ang isang braso niya sa kuko nito.
Gumuhit ang sugat roon. Sabay sila napatitig roon ng kaibigan.
"I-i'm sorry..h-hindi ko sinasadya!" guilty nito saad.
Gumuhit ang isang ngiti sa kanya mga labi na ikinatigil ng kaibigan.
Masuyo niya hinaplos ang buhok nito.
"Hindi ka halimaw,Xania..hindi humihingi ng sorry ang isang halimaw," nakangiti niya saad.
Nasaksihan niya ang pagbagsak ng mga luha ng kaibigan. Tumatawa na niyakap ng mahigpit ang kaibigan.

BINABASA MO ANG
THE LAST VI-OLF byCallmeAngge (COMPLETED)[Under Major Editing]
Vampir#Halfling #Vi-olf #Romance #family