"Nakakasiguro ka ba na mapagkakatiwalaan mo ang prinsipeng iyun?" paniniguro ni Camelia sa kanya nang bisitahin niya ito sa munting kubo nito.
Bumuntong-hininga siya. Mapasahanggang ngayon hindi mawaglit sa isip niya ang mainit na eksena nila ng bampira iyun.
Isa siyang baliw na lobo na pinatulan niya ang bampira iyun.
"Matitiyak ko kung magkakaharap kami ng Alarcon iyun.." matiim niya tugon rito.
"Kaibigan din siya ni Marko..kahit buhay niya itinaya niya para lamang pagkatiwalaan ko sila.." dagdag niya.
Hindi umimik ang kaibigan bagkus inabala nito ang sarili sa isang malaking libro na hindi niya alam kung saan nito nakukuha.
"Gumagawa ka ba ng bagong potion ngayon?" usisa niya pagkaraan ng ilang sandali.
Bumaling ito sa kanya. Nagkibit ito ng balikat.
"Marami na kong nabasang libro pero wala pa rin makapagsabi kung ano nga ba ang Vi-Olf. Kung ano ang tunay na kakayahan niya at ang tunay na anyo niya.." matiim nito saad.
"Hindi ka ba kuntento sa anyo ko?" nakangisi niya saad dahil ang isang tulad niya ang nais nito malaman.
Tinaasan siya nitong kilay at hinagod ang kabuoan niya ng mapanuri nito mga mata.
"Sabihin na natin kakaiba ka nga pero alam ko may iba ka pang anyo bukod sa maganda mo pisikal na anyo.."
Nangunot ang noo niya.
"Iniisip mo bang posible na pwede ako maging halimaw?"
Ngumisi ito sa kanya.
"Malay naman natin,"anito.
Inangilan niya ito.
"Ikaw ? Wala ka bang iba nararamdaman kakaiba? Ni minsan ba hindi mo naisip na baka nga hindi lang yan ang kakayahan na mayron ka ngayon na baka may iba ka pang kayang gawin?
Mayroon ang magkaenteres sa isang bampira.
Oh sheyt!
Marahas siya napabuga ng hangin.
" Sa tingin mo may iba pa kayang gawin?"balik-tanong niya rito.
Bumuntong-hininga ito. Wala din tiyak na sagot sa umiikot nilang mga tanong.
"Malalaman ko kung may iba pang libro mula sa sinaunang panahon ako mababasa.." anito.
Tumango siya. Tama. Iyun lang ang magiging paraan para malaman kung ano nga ba ang Vi-Olf ,ang katangian nito at ang iba pa nitong kakayahan.
"Maiiwan na kita,Camelia.."
"Sandai,patuloy ka pa rin ba sa paghahunting?"bigla nito usisa.
Tumango siya.
" Mag-iingat ka,alam mong mainit na ang mata sayo ng Hari ng mga bampira.."anito.
"Alam mo,naisip ko baka nga malaki ang magiging pakinabang ng prinsipe iyun para sa proteksyon mo..?" bigla nito sabi.
Tinaasan niya ito ng isang kilay.
"Sa tingin mo?"
Ngumisi ito. "Naaamoy ko siya sayo,Xania.."
Natigilan siya sa sinabi nito at pinaningkitan niya ito ng mga mata. Bigla kasi nagbago ang tono nito ngayon kung kanina ay may duda sa prinsipe iyun ngayon tila namamangha na ito.
Tumawa ito. "Hindi ko pakikielaman ang ugnayan niyo ng prinsipe ,hangad ko lamang ang iyong kaligtasan at ng tribo ng iyung Lolo Dilo ,"saad nito.
" Salamat,Camelia..huwag ka mag-aalala,wala ako gusto sa bampira iyun,"mariin niya saad.
Tinalikuran na niya ang kaibigan at naulinigan pa niya na mapanukso ito tumatawa.
Napakatalas talaga ng pang-amoy ng white witch na yun!

BINABASA MO ANG
THE LAST VI-OLF byCallmeAngge (COMPLETED)[Under Major Editing]
Vampire#Halfling #Vi-olf #Romance #family