Chapter 60

4K 141 5
                                    

"Totoo bang si Alarcon ang dahilan kung bakit umanib sa atin ang hunter na yun?" untag ni Rando sa kanya.

Hinarap niya ito. Wala si Xania dahil pinuntahan nito ang kaibigan si Camelia. Ang routine nito na bisitahin ang kaibigan. Napakasweet na kaibigan.

"Tama," matapat niya pagsagot rito.

"Ngunit bakit hindi niyo pinapaalam sa kanya na siya si Serafin?" pagdududa nito sa kanya.

Marahas siyang bumuga ng hangin.

"May malalim na dahilan ako..sa tamang pagkakataon,alam natin kung gaano na kalakas at makapangyarihan ngayon si Serafin,Rando..pinangangambahan ko ang maaaring mangyari sa kanya," aniya.

"Labis na pagmamahal mula sa inyo,maaari iyun maging ugat ng hindi niyo pagkakaunawaan,mahal na prinsipe," saad nito.

Hindi siya nakasagot. Magsasalita na sana siya ng bigla na lamang siya bumalya sa isang puno.

Isang pares na mga mata na puno ng galit ang nakatitig sa kanya at nakasakal sa kanyang leegan.

"X-Xania..?"gulat niya saad.

"Sabihin mo,saan ko makikita ang Alarcon na yun?!"nangangalit na saad nito sa kanya.

" Xania,a-anong nangyari?"

"Iniisip ko kung talaga tutuparin mo ang pangako mo na iharap sa akin ang Alarcon na yun! Pinatay niya ang mga katribo kong lobo! Pati ang aking Lolo ay muntik na niyang patayin!" puno ng poot ng galit nito singhal sa kanya.

Hindi siya nakaimik. Halos di niya mapaniwalaan ang nakikita niya ngayon.

Iba ang kulay ng mga mata nito. Ang mga mata na nakita niya sa isang larawan.

Ang mga mata ng isang Vi-Olf. Minsan na niya nakita iyun pero hindi pa niya alam noon na isa iyun katangian ng isang Vi-olf at ang matutulis na kuko nito.

"Sabihin mo! May balak ka ba talaga na tuparin ang pangako mo?!"mabangis nitong saad na pumukaw sa kanyang pagkawala sa sarili sa natuklasan niya.

" Xania?! Anong ginagawa mo?!"humahangos na pag-awat ni Marko.

Umangil ang dalaga sa kanya. Bago pa man makalapit si Marko tila bula na nawala ito sa harapan nila.

Tuliro na napaluhod siya sa lupa. Mabilis na dinaluho siya nina Marko at Rando na bakas sa mga mukha ng mga ito ang pagkabigla sa nangyari.

"Anong nangyari?" si Marko.

"Si..si Alarcon...pinapatay na niya ang mga lobo," tuliro niyang saad.

"Hindi maganda 'to..." nababahalang saad ni Marko.

Hindi pa rin pumapasok sa utak niya ang nalaman niya mula sa dalaga.

Isang Vi-Olf si Xania. Sigurado na siya dun!

"Bakit,mahal na prinsipe?" puna sa kanya ni Marko.

Hindi niya sinagot ito. Ayaw niya mangamba ang mga ito sa tunay na pagkatao ng dalaga na naging kaibigan na ng mga ito.

Tumindig siya na nakaalalay sa kanya ang dalawa.

"Kakausapin ko siya," aniya.

"Hindi ngayon,mahal na Prinsipe," pigil sa kanya ni Marko.

Ngunit hindi siya nagpaawat dito. Kung isang Vi-olf si Xania. Marapat lamang na protektahan niya ito mula kay Alarcon.

THE LAST VI-OLF byCallmeAngge (COMPLETED)[Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon