Bago pa man makapagbiktima ang isang bampira nasukol na niya ito. Mariin ang pagkakasakal niya mula sa likuran ng bampira. Nakatutok ang isang maliit na silver sword sa tapat ng puso nito.
"Kung sa tingin niyong magtatagumpay kayo na ubusin ang lahat ng tao dito nagkakamali kayo...mauubos muna kayong mga mababahong bampira bago mangyari yun..."mariin niyang bulong sa bampira na hindi makapalag dahil sa nakatutok na bagay sa dibdib nito.
"Sabihin mo,saan ko makikita ang bampira na may kulay puting buhok?" aniya.
Umangil ang bampira. Napaigik ito na itarak niya sa malamig nitong katawan ang matulis na silver sword sa hindi nito pagtugon.
"H-hindi ko alam kung sino ang tinutukoy mo!" nanghihintakutan nitong saad.
Muli niya diniin rito ang hawak niya.
"Agh! Marami kaming bampira h-hindi ko kilala ang iba sa kanila!"
"Ang bampirang may kulay puting buhok ang hinahanap ko! Sigurado akong kilala mo siya!"
Mukhang wala siya mapapala sa mabahong bampira ito kaya inunday niya muli patarak ang silver sword sa dibdib nito nang bigla ito magsalita.
"S-Si A-Alarcon! S-siya siguro ang tinutukoy mo!"nanghihintakutan bulalas nito.
"S-siya ang kanang kamay ng Hari n-na may puting buhok!"
"Saan ko siya matatagpuan?"
Nasasabik siya na makita ang Alarcon iyun.
"Hindi ka makakalapit sa kanya kaya wag mo nang tangkain pa! Marami na siyang napatay na katulad mong lobo!"
Gumapang ang mapanganib na ngisi sa mga labi niya.
"Hindi ako natatakot sa kanya kaya ko siya patayin gaya mo.." aniya.
Isang impit na sigaw ang kumawala sa bibig ng bampirang na tuluyan na niya itarak dito ang silver sword niya.
Mabilis naging abo ang katawan ng bampira. Dinampot niya ang kanya silver sword sa ibabaw ng abo nito.
Hindi siya titigil hanggat sa magtagpo ang landas nila ng Alarcon na yun.
Bago pa man siya makaalis sa lugar na iyun may malakas na braso ang sumakal sa leeg niya.
"Don't move,hunter..."nakakapangilabot na usal ng lalaki sa gilid ng ulo niya.
Mabilis na gumana ang isip niya. Ginalaw niya ang braso at isang matulis na bagay na silver sa may siko niya ang lumitaw at tangka itatarak niya iyun sa bampirang nasa likuran niya pero mukhang alam nito ang gagawin niya mabilis ito nakailag sa unday niya at malakas na binalya siya nito sa malamig na pader at napaigik siya sa lakas nito.
Hindi niya mahagip ang mukha ng bampira dahil sa suot nito kapa.
" Wrong move,wolf..."angil nito sa gilid ng mukha niya.
Tila bakal na hawak nito ang magkabila niyang mga kamay at mariin din nito inipit ang kanya hita.
Bigla kumabog ang dibdib niya ng maramdaman ang mukha nito na dumaiti sa may leeg niya.
Sinubukan niyang pumalag pero hindi siya makagalaw sa malabakal na paghawak nito sa kanya. Hell! Bakit ba hindi umuobra ang lakas niya rito?
Marami na siyang nakalaban bampira at lahat ng mga iyun ay hindi ganito kalakas. Iba rin ang amoy nito. Hindi malansa at mabaho. Mabango ito at amoy malinis.
Napasinghap siya ng lumapat ang bibig at ilong nito sa balat nito.
"Napakabango...nakakahalinang amoy mula sa isang lobo..."paanas nito saad sa leeg niya.
"Kung sa tingin mo magpapakagat ako sayo nagkakamali ka," mariin niya saad.
"Hmm..sa tingin mo gagawin ko yun?"
Nangilabot siya ng gumapang ang dulo ng ilong nito at bibig pataas sa may tainga niya.
"Matagal na kita hinahanap," usal nito sa tapat ng tainga niya.
Naningkit ang mga mata niya. Hindi ito ang Alarcon na hinahanap niya. Tandang-tanda pa nya ang boses ng bampira iyun.
Masyadong husky at masuyo ang tono ng bampira ito.
"Ganun ba? Siguradong matutuwa ang Hari niyo ngayon nahuli mo na ko," sarcastic niyang saad habang nag-iisip ng paraan kung paano makakawala rito.
"Mali...hindi matutuwa ang Hari dahil may nauna nang nakahuli sayo.." sagot nito.
"Sumama ka sakin ng matiwasay.."
"Bakit ko naman gagawin yun?" angil niya rito.
Muli siya nangilabot ng hagurin ng ilong nito ang balat niya.
"Gagawin mo dahil alam ko isang kalayaan at kaligtasan ng lahat mula sa sakim na Hari ng mga bampira ang hangad mo.."
Natigilan siya sa sinabi nito.
Doon na humarap sa kanya ang mukha nito.
Ang kulay abuhin nitong mga mata ang agad na nakakuha ng atensyon niya.
Hindi ipagkakaila na napakagwapo ng bampira ito.
Mataman din ito nakatitig sa mga mata niya na kulay tsokolate.
Umangat ang isang dulo ng mga labi nito. Mas lalo ito gumagwapo at naging mukha mapanganib at malakas.
"Isa kang napakagandang lobo,ikaw pa lang ang babae na hinangaan ko ng labis maliban sa pagiging tagapagtanggol ng lahat..."
Ayaw man niya pansinin may kung ano damdamin na bigla nabuhay habang nakatitig siya sa napakagwapong bampira ito.
"Hindi ako kaaway..kaisa mo ako sa iyong adhikain.." matiim nito saad.
Napatitig na lamang siya rito habang ubod ng bilis na tumitibok ang kanyang puso.

BINABASA MO ANG
THE LAST VI-OLF byCallmeAngge (COMPLETED)[Under Major Editing]
Vampire#Halfling #Vi-olf #Romance #family