Chapter 62

3.9K 135 6
                                    

Hindi siya makakapayag na mapahamak si Xania dahil lang sa galit nito kay Serafin kahit na galit na rin ito sa kanya hindi pa rin niya hahayaan na mapahamak ito.

"Anong ginagawa niyo dito?" agad na sita ni Camelia.

"Camelia,pakiusap,huwag mong hayaan na mapahamak si Xania," saad niya rito.

Nanatili blanko ang maganda nitong mukha. Pinaglipat-lipat nito ang paningin sa kanila ni Marko.

Humalukipkip ito. "Bakit ko naman gagawin yun?"

"Camelia..." usal ni Marko.

Tinaasan nito ng kilay ang kasintahan.

"Kaibigan ko siya,siya lang ang kakampihan ko..nagsinungalin kayo sa kanya!" galit na nitong turan.

Hindi sila nakaimik ni Marko.

"Ginawa ko lang yun dahil gusto ko siyang protektahan,mahal ko siya kaya ko yung nilihim sa kanya," seryoso niyang sabi dito pagkaraan.

Isang mapakla tawa ang tinugon nito sa sinabi niyang iyun.

"Yun na nga eh,dahil dyan sa pagmamahal mo lalo mo lang siya pinahamak,prinsipe ng mga bampira,kung noong umpisa pa lamang sinabi mo na sa kanya baka hindi na humantong sa ganito ang lahat,kasalanan mo ito,at wala ako gagawin kundi suportahan ang desisyon niya," mariin nito sabi sa kanya.

Naikuyom niya ang mga palad. Walang pag-asa na makumbinse niya ito. Tama si Marko,matapat na kaibigan ito ni Xania.

"Alam kong hindi mo siya gugustuhin na mapahamak kaya sana tulungan mo akong protektahan siya,alam mo kung ano ang ibig kong sabihin," seryoso niyang saad.

Nakipagtitigan sa kanya ito.

"Nasa kanya ang loyalty ko kung hindi niya kailangan ang tulong mula sa inyo hindi ako makikipagkasundo sa inyo," asik nito sa kanila ni Marko.

Wala sila naging reaksyon. Masyadong nakakadismaya na nangyayari ang lahat na ito. Pareho sila ni Marko na tigagal sa pagsusupla sa kanila ng mangkukulam.

"Oo nga pala," pagbaling muli sa kanila nito.

"Nalaman namin ni Xania na nilalason ang iyong ama.." anito.

Natigilan siya. Agad na napatingin siya sa botelya na inihagis nito sa harapan niya.

"Napulot iyan ni Xania malapit sa silid ng iyong ama at binigay sakin para alamin kung ano ang laman niyan at nalaman ko na isang lason iyan..iyan marahil ang pinaiinom sa iyong ama imbes na totoong gamot," mahaba nitong saad.

Tila binuhusan ng malamig na tubig ang katauhan niya sa mga narinig niyang iyun. Dinampot niya ang botelya at agad na naging pamilyar sa kanya ang botelya. Kapareho iyun sa botelya na pinaiinom sa kanya ina noon ng bagong manggagamot na kinuha ni Serafin ng biglang namatay ang dating doktor nila noon.

Umusbong ang galit sa dibdib niya ng magpatagpi-tagpi niya ang pangyayari ito.

Nilason pareho ang kanyang mga magulang.

Si Serafin...alam niyang may kinalaman ito sa paglason sa kanyang magulang.

Nangangalit na lumitaw ang kanyang mga pangil.

THE LAST VI-OLF byCallmeAngge (COMPLETED)[Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon