Alarmang na hinintay niya ang paglapit ng kanina pang sumusunod sa kanya bampira.
Ikinuyom niya ang mga palad at matigas na hinarap niya ang mga ito.
"Mahal na prinsipe!" pagyukod ng mga ito sa kanya.
"Anong kailangan niyo?" matiim niya saad sa mga ito.
"Pagpaumanhin niyo,mahal na Prinsipen,nais po kayo makausap ng mahal na Hari,"
Agad na may umusbong na pag-aalala sa dibdib niya ng mabanggit ang Hari.
"Kamusta ang aking ama?" saad niya.
"Kasulukuyan pa rin siya nagpapagaling,mahal na prinsipe ,maaari ho bang bumalik muna kayo sa palasyo?" matapat nitong saad sa kanya.
May mas importante siyang gusto gawin ngayon pero gusto siya kausapin ng kanya ama.
"Sige," pagpayag niya sa huli.
Pinauna siya ng mga ito at may kung ano ligalig siya maramdaman .
Nagtataka na sinalubong siya ni Alarcon. Nakasuot ito na hindi naman karaniwan na sinusuot nito.
Alam niya ito muna ang pasamantalang umaasikaso sa tungkulin ng kanya ama.
"Kamusta,mahal na prinsipe?!" magiliw nito bati sa kanya.
Sumulyap siya sa babaeng kasama ni Alarcon. Magara at marangya din ang kasuotan nito. May mapang-akit na ngisi na nakapagkit sa mapupula nitong mga labi.
"Nandirito ako para kamustahan ang Hari,gusto niya ako kausapin," aniya.
Tumango ito.
"Ako ang Hari na gusto kumausap sayo,mahal na prinsipe,"saad nito.
Nangunot ang noo niya.
Tinapik nito ang kanya balikat.
"Wala ng kakayahan pang gawin ng iyong ama ang tungkulin niya bilang Hari kaya ngayon ako muna ang Hari ," paliwanag nito.
Ngunit may iba pa siya nahihimigan sa sinasabi nito.
Mariin niya naikuyom ang mga palad.
"Anong gusto mo sabihin sa akin,Alarcon," mariin niya saad.
Ang kanyang ama pa rin ang Hari kaya ang ama lang niya ang tatawagin niyang Hari.
Sumeryoso ito ng anyo. Taas-noo na tumitig sa kanya. May kung ano itong sinenyas.
Agad na nagdilim ang anyo niya ng makitang nakagapos si Tanyo.
Nanghihina ito.
"Anong ginawa niyo sa kanya?!" malakas niya angil sa mga ito.
"Mahal na Prinsipe,nakarating sa aking kaalaman na nakikipagmabutihan ka sa babaeng lobong iyun...ang hunter na pinapahanap sayo ng Hari?" malisyoso nitong saad.
Naikuyom niya lalo ang mga palad sa narinig niya iyun. Alam na nito ang tungkol dun?!
"May tiwala ako sayo,naisip ko baka nakikipagmabutihan ka sa kanya dahil gusto mo tuparin ang utos ng Hari na dalhin siya rito at bigyan ng kaparusahan sa pagpatay niya sa ating lahi," matiim nito saad.
"Sinaktan niyo siya!" angil niya rito.
Nagkibit ito ng balikat.
"Masyado siyang matapang at loyal sayo,ngayon tama ba ako ng hinuha?" anito.
Matalim niya tinitigan ito. Puno ng poot at galit. Ginagamit nito ang kapangyarihan bilang isang Hari.
"Pakawalan niyo siya...kung hindi...ako ang makakalaban niyo," tiim-bagang niya saad.
Agad na sinenyasan ni Alarcon na pakawalan si Tanyo.
"Kung ganun,tama ako...kailan mo siya dadalhin rito?" nakangiti nitong saad.
Pinatigas niya ang anyo rito.
"Wag mo ako pangunahan sa gagawin ko,Alarcon..." matiim niya saad.
Matalim siya nitong tinitigan at agad din bumalik sa dati ang anyo nito.
"Sige,hahayaan kita sa gusto mo,pero wag mong bibiguin ang lahat,mahal na prinsipe,alam na ng society na hawak mo na ngayon ang hunter," nakangisi nitong saad.
Puno ng poot na tinalikuran niya ito at inalalayan si Tanyo.
BINABASA MO ANG
THE LAST VI-OLF byCallmeAngge (COMPLETED)[Under Major Editing]
Vampiro#Halfling #Vi-olf #Romance #family