"May kakaiba sa inyo,mahal na prinsipe?!" puna sa kanya ng kanya matapat na alalay.
Batid niya mapupuna siya nito dahiL mula ng bumalik siya sa palasyo nila hindi na mawala ang ngiti sa mga labi niya at maganda ang aura niya.
Kinibitan niya ito ng balikat.
"Si ama?"pagtatanong niya rito.
" Umalis siya,ang dinig ko makikipagkita siya kay Alarcon.."
Agad siya natigilan. Si Alarcon.
Ang tangi hangad ng babaeng lobong iyun na si Xania ay si Alarcon.
Kailangan niyang makuha ang tiwala ni Xania para sa binubuo niyang alyansa. May mainit man na namagitan sa kanila alam niyang hindi pa lubos ang tiwala nito sa kanya.
Pero kailangan niya muna pag-isipan ng mabuti ang magiging hakbang niya. Itinuring niyang pangalawa ama si Alarcon at nagtatalo ang kalooban niya kung tama bang ipagkanulo niya ito kay Xania kapalit ng isang tiwala. Pero..tuluyan na siyang nababaliw sa babaeng lobong iyun.
Hindi ba isa iyun katrayduran?
Napatiim siya ng bagang. Agad na lumitaw ang mainit na eksena sa kanya balintataw.
Ang mapusok na pag-angkin niya sa bibig ng lobo. Ang mapangahas na pagdama niya sa kaangkinan nito at ang nakakawalang katinuan na pag-abot nila sa sukdulan.
Agad gumuhit ang isang ngisi sa kanya mukha.
"Gusto ko ng kabahan sa inyo,mahal na prinsipe...?" pukaw ng alalay niya.
Nginisihan niya ito.
"Alam mo ipaghanda mo na lang ang pampaligo ko.." nakangisi niyang utos rito. Dama niya ang resulta ng kapusukan niya sa suot niyang pang-ibaba.
"Masusunod,mahal na prinsipe.." atubili man sumunod din ito.
May ngisi pa rin sa mga labi niya na nagsalin siya ng paborito niyang alak. Blood wine na mula sa kaibigan na si Marko.
Sisiguruduhin niya sa susunod na maulit iyun sa kanila ng babaeng lobo ay wala na silang parehong saplot.
Nasasasabik na siya maramdaman ang mainit na balat nito,ang malambot nitong katawan at higit sa lahat maramdaman kung ano ang pakiramdam na ibaon niya ang sarili sa kaloob-looban ng kaangkinan nito.
Napahigit siya ng hininga. Maliban sa pinag-iinit nito ang katawan niya. May iba pa siyang nararamdaman. May kung ano mainit na bagay ang pumapalibot sa puso niya. Nasapo niya ang dibdib. Naninikip iyun. Nangyayari yun sa tuwing iniisip niya si Xania.
Hindi niya alam kung bakit pero isa lang ang alam niya sa nangyayari sa kanya. Binubuhay ng babaeng lobong iyun ang lahat-lahat sa kanya. Hindi lamang ang dugo at katawan niya pati na rin ang...puso niya.
Napatiim-bagang siya. Iyun ang dahilan kung bakit hindi niya napigilan ang sarili na hindi puntahan ito sa tirahan nito. Hinahanap-hanap ng isip at ng pang-amoy niya ang babaeng lobo.
Para nga siyang mababaliw kung hindi niya ito makikita.
Naikuyom niya ang mga palad ng maramdaman ang pagkabuhay muli ng kanyang kahandaan.
Fuck,si Xania lamang ang nakakagawa niyun sa kanya. Ang buhayin ang kanya pagnanasa.
Kung may nakatalik man siya ay iyun ay dahil sa kailangan lang dahil gusto lang niya pagbigyan ang mga babae na gusto siya matikman.
Kay Xania lang siya nagkaroon ng masidhi at matinding pagnanasa.
Ang nagpainit sa kanyang malamig na pagkatao...at nagpatibok ng puso niya.
BINABASA MO ANG
THE LAST VI-OLF byCallmeAngge (COMPLETED)[Under Major Editing]
Vampirgeschichten#Halfling #Vi-olf #Romance #family