"Kaibigan..." aniya sa matandang lalaki.
Pinapasok siya nito sa munting bahay nito sa loob ng kweba.
"Mabuti at pinuntahan mo ako,mahal na prinsipe," anito.
"Panata ko na lagi kang bisitahin ka buwan-buwan...may maganda akong ikukwento sayo," magiliw niya saad.
Pinaningkitan siya nito ng mga mata.
Nginisihan niya ito. "May nobya na ako,kaibigan..isang lobo,isang napakagandang lobo," aniya.
Umiiling-iling na umupo ito sa upuan na gawa sa pinutol na kahoy.
Umupo siya sa kaharap nito. Natuon ang mga mata niya sa mga papel na natatabunan na ang mesang kahoy.
Dinampot niya ang isang guhit kamay na larawan ng isang babae. Natuon ang mga mata niya sa matutulis na kuko ng babae na nasa papel.
Bigla niyang naalala ang nakita niyang matutulis na kuko ni Xania na itinarak nito sa bampira. Kitang-kita niya ang pagkislap ng mga matutulis na kukong iyun at sigurado siya na hindi iyun isa sa mga ginagamit nitong armas.
"Iyan ang mukha ng isang babaeng Vi-Olf.."
Nabitawan niya ang papel.
"Ano?"gilalas niyang bulalas.
"Ang matutulis na kuko ng isang Vi-Olf ay gawa sa isang silver na makakapatay sa mga bampira...ang pagkakaroon ng babaeng Vi-Olf ay hindi pangkaraniwan,kadalasan ay lalaki talaga ang mga Vi-Olf...ang babaeng Vi-Olf ay hindi basta-basta nabubuhay lalo na lalaki ang itinakdang na maging isang Vi-Olf," anang ng matanda lalaki.
Luminaw sa alaala niya si Xania ang matutulis nitong mga kuko.
Hindi kaya...hindi kaya isang Vi-Olf si Xania?
"Bakit?"pukaw sa kanya ng matandang lalaki ng mapuna ang biglaan pananahimik niya.
"Posible bang may mabuhay na babaeng Vi-Olf?" aniya pagkaraan makabawi sa sarili.
"May posibilidad naman,yun nga lang kung totoo may nabubuhay pa lalo pa nga hindi ba't pinapatay ng iyong ama ang mga nag-ibigan na dalawang lahi dahil nga may posibilidad na may mabuhay na isang Vi-olf?,"anito.
Umiiling-iling siya. Hindi makapaniwala.
Imposible!
"Bakit?"nagtataka na nitong untag sa kanya.
" Hindi ako magtatagal kailangan ko bumalik agad,"aniya at mabilis na iniwan ang naguguluhan matanda.
Kailangan niyang mapatunayan na tama ang hinuha niya na isang Vi-olf si Xania.
"Anong ibig mong sabihin?!" mabagsik na angil ni Alarcon sa bampira na tumutugis sa hunter.
"Ang prinsipe nasa bahay siya ng babaeng hunter iyun," pag-ulit nito sa sinabi.
"Sinasabi mo bang magkasama ang hunter na yun at ang prinsipe na parang magkaibigan?!"angil niya rito.
Tumango ito.
"Malaking kalokohan!" angil niya sa mga ito. Pumainlanlang ang galit niya sa kabuoan ng palasyo.
"Kung ganun...puntahan niyo ang prinsipe at iparating na nais ko siya makausap ora-mismo!" singhal niya pautos sa mga ito.
Mabilis na tumalima ang kanyang mga utusan.
Sinenyasan niya ang isang alipin.
"Hanapin ang alalay ng prinsipe,siya ang gagawin kong bihag ng sa ganun mapaamin ko ang prinsipe sa pagtatraydor niya sa ating lahi!" tiim-bagang niya saad.
"Masusunod!"pagsagot ng bampira.
Agad na pumulupot sa katawan niya ang kanya Reyna na si Maria.
"Gusto mo bang pakalmahin muna kita?"mapang-akit na anas nito sa kanya.
Gumuhit ang isang ngisi sa kanya mga labi.
"Gusto ko yan,mahal kong Reyna,"malisyoso niyang saad.

BINABASA MO ANG
THE LAST VI-OLF byCallmeAngge (COMPLETED)[Under Major Editing]
Vampire#Halfling #Vi-olf #Romance #family