"Nakakamangha,kakalabanin mo ako na siyang tinuring mo pangalawa mong ama para sa Vi-olf na yun!" mapang-uyam nitong saad.
Tiim-bagang na nanlisik ang mga mata niya rito. Ang dating kulay abong mga mata niya ay dumilim na. Kasingdilim ng gabi.
"Nagkamali ako na tinangalain kita! Ikaw..pinatay mo ang aking ina..ngayon naman ang aking ama!" singhal niya rito.
Mapanuyam na tinawanan siya nito.
"Mahusay na kaisipan. Paano nalaman ng mahal na prinsipe ang tungkol sa bagay na yun?!" anito.
Sumingasing siya. "Lahat ng kasamaan ay may katapusan,Serafin!" angil niya rito.
Umangil ito sa sinabi niya.
"Hangal ka! Sige! Kalabanin mo ako! Baka nakakalimutan mo ako ang nagturo sayo kung paano makipaglaban kaya alam ko kung saan ka mahina!" mapagmalaki nitong saad.
Mariin niya ikinuyom ang mga kamao at walang kurap na sinugod niya ito. Malakas na banggaan ang pumunit sa kalagitnaan ng paghagupit ng malakas na pag-ulan ng nyebe.
Sa ibabaw na ere buong pwersa na nagsasalpukan ang dalawang bampira.
"Hindi mo ako matatalo,hangal ka!!!" singasing nito sa kanya.
Buong lakas na sinalubong niya ang bawat bigay nito ng suntok at sipa. Tila bumalik sa alaala niya ang panahon na kung saan matyaga siya nitong tinuruan kung paano makipaglaban.
"Ang kahinaan ng kalaban ay siyang tatalo sa kanya lagi mong tandaan,mahal na prinsipe,sa pikikipaglaban mo kalimutan mo ang awa at patigasin ang iyong puso..."paalala ni Serafin.
Isang malakas na pwersa ang gumising sa kanya. Mabilis siyang bumulusok pababa.
Nalasahan niya ang malansang dugo na naisuka niya ng tamaan siya nito sa kanyang sikmura.
Halos magdilim ang kanyang paningin sa tindi ng sakit na iyun.
Kahit anong mangyari pagbabayarin nito ang pagpatay nito sa kanyang ina at paglason din sa kanyang ama.
Nagising ang halimaw sa kanyang puso tumindig siya pero dahil nga kilala siya ni Serafin nahuli nito ang sunod niyang kilos.
Malabakal na braso ang pumaikot sa kanyang leegan mula sa likuran niya.
" Isang malaking pagkakamali na kinalaban mo ako,mahal na prinsipe!"nakakakilabot nitong usal sa tapat ng kanyang tainga.
Alam niya isang pitik lang nito tapos na siya.
Xania...
Bago pa man gawin ni Serafin ang pagkitil sa kanyang buhay ay naramdaman niya ang presensya ng babaeng lobo.
"Hindi pa tapos ang laban natin,Alarcon..."
Nangilabot siya ng marinig niya ang boses ng dalaga.
Lumuwag ang pagkakasakal sa kanya ni Serafin at sinamantala niya iyun agad na humiwalay siya rito at humarap sa mga ito.
Natigilan siya ng makita ang matutulis na kuko ni Xania na nakatutok sa leeg ni Serafin.
"Masyado ka ng maraming napatay,Alarcon...ito na ang oras para ikaw naman ang mamatay," anas ng dalaga.
Hindi siya makagalaw. Nagugulat siya sa nakikitang pag-iiba ng dalaga. Ang mga pangil nito na sumisilip sa mapupula nitong mga labi.
Ang nakakatakot na nitong anyo. Napakadilim. Puno ng galit at mapanganib na Vi-Olf na ang kaharap niya na si Xania.
"Hindi!!!!" sigaw ni Serafin at malakas na binalya si Xania ngunit mabilis na lumundag ang dalaga at muli pumalibot ang braso nito sa leegan ng bampira.
Hindi na niya makilala ang dalaga sa pinakikita nitong lakas at bilis.
"Oras na para magbayad ka,Alarcon," nakakakilabot na anas ni Xania.
Hindi nagpatalo si Serafin,buong lakas na kumalas ito kay Xania at buong lakas na sinuntok ang dalaga ngunit tila bula na nawala ito. Natigilan ang bampira.
Bago pa man makabawi sa pagkatigagal si Serafin. Napaigik ito. Unti-unti lumitaw ang anyo ng dalaga sa harapan nito at ang matutulis nitong kuko ay nakabaon na sa dibdib ng bampira sa mismong puso nito.
"H-h-hindi...i-ikaw dapat ang m-mamatay..." hirap na usal ni Serafin.
"Bayad ka na,Alarcon..." walang emosyon na tugon ni Xania rito.
Nakita niya ang unting-unti pagiging abo ni Serafin na humahalo sa pagbagsak ng nyebe sa paligid at tinatangay sa kung saan dalhin ng hangin.
"Xania!" sigaw niya ng makita ang pagbagsak ni Xania.
BINABASA MO ANG
THE LAST VI-OLF byCallmeAngge (COMPLETED)[Under Major Editing]
Vampiri#Halfling #Vi-olf #Romance #family