Suwabeng lumapag siya sa mataas na bahagi ng lupain na nababalot pa ng puting-puti nyebe.
Mula sa kinatatayuan niya tanaw niya ang isang kweba na natatakpan ng ligaw na halaman na nabubuhay lang sa gitna ng lamig. Ang tirahan ng isang kaibigan.
Muli siya lumundag palapit roon at bumagsak sa mismong bukana ng kweba habang bitbit niya ang isang mabigat na sako.
Napangisi siya nang maramdaman ang presensya ng kaibigan na tila inaasahan na ang pagdating niya.
Lumitaw ang kaibigan mula sa loob ng kweba.
Isang matandang nilalang na may hawak na tungkod na gawa sa isang matibay na kahoy. Isang tungkod na may kakayahan mapanakit na kahit ano. Minsan na siya nasampulan niyun.
Naalala niya na nagkaharap sila nito at nagkasakitan. Hindi nito gusto ang mga bampira katulad niya dahil malaki ang galit nito sa kanilang mga bampira.
"Hindi ko inaasahan ang iyong biglaan pagbisita,prinsipe ng mga bampira!" saad ng matandang lalaki.
Nabiktima ito ng kasamaan ng kanya lahi. Ito na lamang ang natira sa pamilya nito sa kamay ng isang bampira na ginawang hapunan ang asawa at ang dalawa nitong anak.
Nalulungkot siya ng labis sa pinagdaanan ng asawa at ang mga anak nito.
"Kamusta,kaibigan?" nakangiti niya turan rito.
"Hindi na mabuti dahil may isang bampira na naligaw dito sa aking teritoryo.."
Tumawa siya sa sinabi nito. Hindi maiiwasan na pakitaan siya ng galit nito para sa kanya lahi.
"Pasensya na,nais ko lang na kamustahin ang isang kaibigan.." aniya.
Sinenyasan siya nito pumasok na sa loob.
Mukhang naabala niya ang paghahanda nito para sa hapunan nito.
"Dinalhan kita nang mga gulay,kaibigan.." aniya. Isinandal niya ang isang sako na puno ng iba't-ibang klase gulay.
"Salamat,talagang ayaw mo pa ko mamatay ha," mapanuri tingin ang pinukol nito sa kanya.
Inalis niya ang pagkakataklob ng hood ng kapa niya sa kanya ulo at kinalas ang tali niyun para alisin.
"Alam mong mabuti sa katawan ang gulay," sagot niya.
"Siyanga.."pagtango nito sa sinabi niya.
Naghain ito ng pagkain sa kahoy na mesang pabilog.
Agad na pumuwesto siya sa isang upuan na kahoy na gawa lang sa pinutol na troso.
Isang mainit na sabaw iyun na hinaluan ng gulay.
Sinabawang baboy-ramo.
" Alam kong hindi ka kumakain aalukin pa rin kita kumain. "
Bahagya siya tumawa sa sinabi nito. Sa kadahilanan na hindi siya kumakain ng pagkain ng mga tao pinapanuod na lamang niya ito kumain hanggang sa matapos ito.
Parang nakakatakam tuloy kumain ng umuusok na sabaw.
"Alam mo bang may isang hunter na pumapatay ngayon sa mga bampira..."untag niya bago pa siya mainggit sa masarap nito paghigop sa sabaw.
Napahinto ito sa paghigop ng sabaw.
"Siguradong hindi iyun palalampasin ng iyong amang Hari.." komento nito.
"Kumikilos na sila,pinapahanap na ang lobong iyun ngayon," aniya.
"Isang lobo?"
Tumango siya. Isang matapang na lobo.
"Kahanga-hangang lobo..." mangha nitong saad.
"Kailangan ko maunahan ang aking ama bago siya mahanap ng mga bampira.."
"Bakit naman?"
"Maaari kaming magtulungan," sagot niya.
Mataman siya nito tinitigan.
"Kung sana lamang may nabubuhay isang Vi-Olf,siguradong matatapos ang kasamaan ng iyong ama.."matiim nito saad.
Minsan na niya narinig ang tungkol sa isang Vi-Olf sa kanya ama. Narinig niya iyun sa pag-uusap ng kanya ama at ni Alarcon ang matapat nitong alagad.
"Ang Vi-Olf lamang ang makakapagbagsak sa iyong ama.."dagdag nito.
"Paano niyo nalaman ang tungkol sa isang Vi-Olf,kaibigan?" aniya.
"Isa akong historical teacher,hilig kong alamin ang mga bagay mula sa nakaraan..." sagot nito.
"Sa tingin niyo,wala talagang nabuhay na Vi-Olf..?"
Umiling ito.
"Kung sana nga lang,hindi ka na mahihirapan pa na kalabanin ang iyong ama.."anito at nagpatuloy na sa paghigop nito sa mainit na sabaw.
Napaisip siya. Imposible na siguro may mabuhay kahit isa dahil narinig niya noon na napatay na ang dalawang nagtaksil sa lahi nila.
Ang pag-asa na lang niya ay makausap ng lobong hunter na iyun at makipagtulungan rito.
Hindi man magiging madali gagawin niya ang lahat makumbinsi lang ito.
Para sa katahimikan ng mundong ito.
Ang Kapayapaan.
BINABASA MO ANG
THE LAST VI-OLF byCallmeAngge (COMPLETED)[Under Major Editing]
Про вампиров#Halfling #Vi-olf #Romance #family