Chapter 33

4.8K 168 2
                                    

Pinapanuod niya ang pag-eensanyo ng mga bampira sa malawak na kalupaan ni Marko.

Bago nila simulan ang unang plano kailangan nila ng mga sanayin sa pakikipaglaban lalo pa nga at may binuong hukbo ang Hari ng mga ito.

"Pursigido silang pabagsakin ang iyong ama sa kabila ng buhay din nila ang kapalit niyun," usal niya ng maramdaman ang presensya ng prinsipe.

"Para sa isang adhikain,handa nila ibuwis ang kanilang mga buhay.." tugon ng prinsipe.

"May naisip ako paraan para mabilis nila matalo ang kapwa nilang bampira.." baling niya rito.

"Talaga...?" anito.

Lahat ay nabigla nang makita ang mga laman ng limang malalaking baul.

"Imposible naman ata na gusto mo sa amin ipagamit yan?!" unang pagreak ng tumatayong leader ng grupo.

"Ito ang madali paraan para madali niyo mapatay ang kalaban niyo.."pagkibit niya ng balikat rito.

"Sa tingin mo ligtas yan gamitin ng lahat,baka diyan din kami mamatay!" anito.

Bumuga siya ng hangin. Sinulyapan niya ang limang malalaking baul na naglalaman ng iba't-ibang armas na gawa sa silver.

"Huwag kayo mag-aalala,may ipapagamit ako sa inyo potion para mahawakan niyo ang mga iyan.." saad niya sa mga ito.

"Potion?"ulit ng bampira.

" Oo..may isa akong kaibigan na gumagawa ng potion.."pagtango niya rito.

Napalitan ng pagkamangha ang gulat at pag-aalala ng mga ito mula sa mga armas na nasa harapan ng mga ito.

Sinulyapan niya si Xania habang makaagapay sila na tinutungo ang kubo na tirahan ng isang kaibigan nito na gumagawa ng potion.

Si Camelia. Ang kasintahan ng kaibigan si Marko. The White witch.

Huminto sila sa tapat ng isang kubo at nadatnan nila nag-aabang na sa kanila si Marko katabi ang isang babae na may mahabang buhok.

Napakaganda nito pero para sa kanya mas maganda rito ang babaeng lobo.

"Kamusta,mahal na prinsipe?!" untag ni Camelia sa kanya.

"Mabuti,salamat sa pangungumusta,ikaw pala ang kasintahan ng isang ito.." pagngisi niya kay Marko.

Possessive na umakbay naman si Marko rito.

"Ikaw din pala ang bampira na humahabol-habol sakin kaibigan,mahal na prinsipe.."nakangisi din turan ng babaeng mangkukulam.

Isang makahulugan ngisi ang tinugon niya rito.

"Magngingisihan na lang ba kayo rito o ano?" bored na saad ni Xania sa kanila.

"Nakahanda na ang kailangan niyo,Xania..mukhang mainipin ka na ata ngayon?"makahulugan turan nito  kay Xania.

Pinanuod niya ang reaksyon nito sa sinabi ng kaibigan.

Nanatiling blanko ang anyo nito sa kaibigan.

"Isa siguro iyun sa nagbago sakin.."tugon nito.

Hindi niya makuha ang ibig nito sabihin.

"Oo nga pala..halika na kayo sa loob," paggiya na nito sa kanila.

Sinulyapan niya si Xania.

"Alam mo may nagbago din sayo.." pagkuha niya sa atensyon nito.

Hinarap siya nito. "Ah talaga,gaya ng ano?" saad nito.

Inabot niya ang pisngi nito at masuyo niya hinaplos ang mainit nitong balat.

"Na lalo ka gumaganda ngayon.." pagngisi niya usal.

Mabilis nito hinawi ang kanya braso.

"Kiss my ass!" asik nito sa kanya.

"Sige ba..gusto ko niyan!"pilyo niya sagot rito.

Mabilis na inunahan niya ito sa pagpasok ng kubo bago pa man siya nito masaktan.


THE LAST VI-OLF byCallmeAngge (COMPLETED)[Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon