Chapter 58

3.8K 139 3
                                    

Hindi makapaniwalang napatitig si Camelia sa hawak na botelya na binigay sa kanya ni Xania upang alamin kung anong klaseng likido iyun.

Napariin ang hawak niya sa botelya.

Isang lason. Lason na unti-unting  tumutunaw sa katawan ng kung sinuman ang makakainom nito.

Dapat malaman agad ni Xania ang tungkol sa napulot nitong botelya.

"Rando.."pukaw ni Xania rito.

Kagabi pa niya napuna ang pananahimik nito. Ang malalim na pag-iisip nito.

" Xania,"anito na bahagyang yumukod pa sa kanya. Alam ng lahat na may relasyon siya sa prinsipe ng mga ito kaya mula noon niyuyukuran na siya ng mga ito.

"Malalim ang iniisip mo?" maingat niyang simula.

Natigilan ito at pagkaraan marahas na bumuga ng hangin.

"Iniisip ko lamang kung kailan magtatagumpay ang pinaglalaban natin," anito.

Tinitigan niya ito. Alam niyang hindi sa bagay na iyun ang bumabagabag rito.

"Depende sa prinsipe," saad niya.

Mapait itong ngumisi.

"Naaawa siya sa Hari,tama?"

Bumuntong-hininga siya.

"Sa pagkakataon na ito hindi ang Hari niyo ang kalaban niyo ngayon kundi ang Serafin na yun," aniya.

Napag-usapan nila ni Jino kanina ang tungkol sa Serafin na sinasamantala ang kapangyarihan ng ama nito.

Nakita niya ang pagdilim ng anyo nito at ang pagkuyom ng mga palad nito.

"Dama ko ang galit mo ng banggitin ko ang pangalan ng Serafin na yun?" aniya.

Mabangis na bumaling sa kanya ang bampira.

"Siya ang bampira na sumira sa buhay ko,hunter..." nangangalit na bagang saad nito.

Pareho sila ng nararamdaman. Ganun din siya ng patayin ng Alarcon na iyun ang kanyang mga magulang.

"Pareho tayo,Rando..may isang bampira din ang sumira sa buhay ko...ang pumatay sa aking mga magulang...ang Alarcon na iyun," mariin niyang saad.

Natigilan ito at nawala ang madilim nitong anyo.

"Alarcon?" usal nito na may kunot sa noo.

Tumango siya. "Oo..kaya ako pumayag na sumanib sa alyansa ito ay dahil sa Alarcon na iyun at ang prinsipe niyo ay nangako na ihaharap niya sakin ang bampirang iyun sa oras na sumanib ako sa inyo,"tugon niya.

Hindi kaagad nakaimik ang bampira. Anyo ng hindi makapaniwala ang mababakas sa mukha nito. Nagsalubong ang kanyang mga kilay sa inakto nito.

"Bakit? Kilala mo ba ang Alarcon na yun?" pukaw niya rito.

Bago pa man ito makatugon sumulpot si Jino sa tabi niya.

"Kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala," malambing na saad nito sa kanya.

Bumaling siya rito at tinaasan ng kilay.

"Wala pang kalahating oras na humiwalay ako sayo,mahal na prinsipe," aniya.

Tumawa ito ng mahina.

"Oo nga pala," anito.

Bumaling naman ito sa tahimik na si Rando.

"May gusto ako ipakiusap sayo,pwede ka bang makausap?"sabi nito .

Tahimik na tumango lang ang bampira.

" See you,later,"paalam ng prinsipe at mabilis na pinatakan siya ng halik sa kanyang bibig.

May iba siyang pakiramdam sa naging reaksyon ni Rando kanina. Hindi niya alam kung bakit.

Napabuntong-hininga na lamang siya.

THE LAST VI-OLF byCallmeAngge (COMPLETED)[Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon