"Ano na ngayon ang plano mo?" untag ni Camelia sa kanya.
Binisita niya ito para kamustahin.
"Hindi ko pa alam basta ang alam ko lang handa ko sila harapin.." tugon niya.
Mangha na ngumiti ang kaibigan.
"Mapanganib pero alam kong matagal mo ng hinahangad na makaharap sila...at sa pagkakataon ito ikaw naman ang hinahunting nila.." anito.
"May namatay ng isang ka-tribo sina Lolo Dilo dahil sa isang bampira,Camelia...at alam ko na para sakin yun,isang babala.." saad niya.
Tumango ang kaibigan.
"Kaya hihingi ako ng pabor kung maaaring gawan mo ng orasyon ang Mt.Dilo ng sa ganun hindi matunton ang tribong iyun mula sa mga bampira..." aniya.
"Walang problema sakin yan,alam mong handa ako tumulong sa kahit anong oras..."tugon nito.
Nginitian niya ang kaibigan.
Mapanabay sila napalingon sa pintuan sa pagdating ng isang bisita.
" Hindi ba siya nagsasawa sa pagmumukha ko?"bulalas ng kaibigan nang makita na ang kasintahan iyun.
Natawa siya sa sinabi nito.
"Masyado siya patay na patay sayo," nakangisi niya sabi.
Kitang-kita niya ang ningning sa bughaw nitong mga mata.
Bigla kung ano inggit na umusbong sa kanya kalooban.Inggit para saan?
"Hi,ladies!" nakangiti bati ng kaibigan.
"Mabuti pa maiwan ko na kayo," agad na pagpapaalam niya sa mga ito.
Ayaw niya makaabala sa moment ng dalawa.
"Oh,ang bilis naman? Kakarating ko lang eh aalis ka na agad?" reak nito.
Nginisihan niya ito.
"Alam mong ayokong nakakakita ng SPG kaya aalis na lang ako.."
Isang malakas na halakhak ng kaibigan bampira ang naging tugon nito.
Nginisihan niya si Camelia na napailing na lang sa sinabi niya.
"Bukas ng umaga kong gagawin ang orasyon," untag nito ng samahan siya sa paglabas ng bahay nito.
"Salamat," aniya.
"Alam kong kaya mong protektahan ang sarili mo pero mag-iingat ka pa rin,Xania..." matiim na saad nito sa kanya.
"Salamat,gagawin ko yan.." nakangiti niya tugon rito.
"Uh,Xania..sandali.." pahabol ng kaibigan si Marko.
"Bakit?"
"Ilang beses ko itong pinag-isipan at makakatulong siya para maprotektahan ka mula sa mga bampira..."
"Sino naman?"pagtatanong ni Camelia sa kasintahan.
Puno ng kaseryosohan ang anyo ngayon ng kaibigan.
" Kaibigan ko ang Prinsipe ng aming lahi..."
"Totoo ba yang sinasabi mo? Gaano ka naman nakakasiguro na mapagkakatiwalaan ang prinsipe niyo? Anak siya ng sakim niyong Hari?" mariin na reaksyon ni Camelia.
"Tutol siya sa kasamaan ng kanya ama...nagpaplano siya bumuo ng isang hukbo para kalabanin ang Hari..." seryoso pa rin turan nito.
"Kabaliwan yan," sarkasmo saad ni Camelia.
"Camelia...matagal ko na kaibigan ang Prinsipe.." seryoso sabi nito sa kasintahan.
Hindi umimik si Camelia.
"Wag kang mag-aalala wala akong sinasabi sa kanya na may kaibigan akong lobo...na tungkol sayo,"sabi nito sa kanya.
" Pag-isipan mo,mabuti ang hangarin ng prinsipe...gaya mo gusto din niya ng kalayaan mula sa kasamaan ng kanya ama.."matiim nito saad sa kanya.
"Pag-iisipan ko.." tangi sagot niya rito.
Nagdadalawa-isip siya. Hindi ganun kadali na basta na lang siya magtiwala sa isang bampira.
Wala siyang pinagkakatiwalaan maliban sa dalawa niyang kaibigan.
Kung makikipagkasundo siya sa anak ng Hari ng mga bampira,gaano naman kasigurado na hindi siya tatraydurin nito?
Isang napakalaking imposible yun!
Napabuga siya ng hangin.
Kung mag-isa lang siya hindi daang porsyento na ligtas siya mula sa mga bampira.
Naniniwala siya darating din ang oras na kakailanganin niya ang tulong ng iba.
Kailangan niya pag-isipan ng mabuti.

BINABASA MO ANG
THE LAST VI-OLF byCallmeAngge (COMPLETED)[Under Major Editing]
Vampire#Halfling #Vi-olf #Romance #family