"Ang mga bata?"tanong agad ni Gino sa kanya pagkapasok na pagkapasok nito sa bahay nila.
Humalik siya rito at yumakap.
"Nasa likod ng bahay,naglalaro.." nakangiti niyang tugon dito.
Araw-araw nagtutungo ang asawa niya sa palasyo upang antabayanan ang Hari at ilang bagay-bagay sa palasyo.
Si Rando ang bagong kanang kamay ng Hari at tuluyan na nito natanggap ang kabiguan nito kay Maria na kinitil naman ang sarili buhay ng panahon na naglalaban ang mga ito.
Si Tanyo naman ay siyang namumuno ngayon na kailangan gawin sa loob at labas ng palasyo.
Sina Marko at Camelia ay nag-isa dibdib na din at may isa ng supling.
Napukaw sila ng malakas na tili mula sa pangalawang anak nila na babae.
Mabilis na tinungo nila ang likod bahay at nadatnan nila na madumi ang itsura ang bunso nilang anak na siyam na taon na gulang. Kawangis niya ito.
"Ama! Ina!" patakbo ito lumapit sa kanila.
"Anong nangyari? Bakit ka sumigaw?" agad na pag-aalala ng asawa niya.
"Si Kuya En kasi tinulak niya ko ng malakas!" pagsusumbong nito sa kanila.
Agad na hinanap niya ang presensya ng panganay na anak na si Enxel ang labing-pitong taon na gulang na panganay nila ni Gino.
Humalukipkip siya.
"Enxel Caswell,pwede bang lumabas ka muna dyan sa kinakukublihan mo?"maawtoridad niyang sabi.
Agad naman ito sumulpot sa harapan nila.
" Ina.."anito.
Kawangis ito ng asawa niyang si Gino yun nga lang sa pagiging Lobo niya ang namana nito at ang pangalawa naman ay ang pagiging bampira ng ama ang nakuha nito.
"Bakit mo ginawa yun kay Ezel?"
Bumuga ito ng hangin. Bakas ang guilty sa gwapo nitong mukha.
"Patamad ina,ama..bigla lang po kasi nag-iba pakiramdam ko.."
Agad siya nag-alala sa sinabi iyun ng anak. Nilapitan niya ito at masuyong hinaplos ang makapal nitong buhok.
"Bakit? Anong nararamdaman mo? May masakit ba sayo?" sunod-sunod niyang saad.
"Ina,nakakatakot po siya! Bigla po nag-iba ang kulay ng mga mata niya kanina," anang ni Ezel.
Napatitig siya sa panganay nila. Kinulong niya sa kanyang mga palad ang mukha nito. Tinitigan niya ito sa abuhin nitong mga mata na namana nito sa ama.
"Sabihin mo anak,gaano kasakit?" may hinala na siya kung bakit nangyari iyun sa anak.
"Sobrang sakit po..para nga po ako bigla nawala sa sarili kanina kaya nasaktan ko si Ezel," anito.
Bumuga siyang hangin. Kompirmado ang hinala niya. Nginitian niya ito at pinatakan ng halik ang noo nito.
"Sige na,magpalit na kayo ng damit at maghahanda ako ng meryenda.."utos niya sa mga anak.
" Sorry,Ezel.."anang ng panganay niya sa kapatid nito.
"Hmp! Basta wag mo na uulitin yun,Kuya ..nakakatakot ka kaya!" sagot ng kapatid nito.
Naiwan sila mag-asawa.
"Pati ang pagiging Vi-Olf ko ay namana ni Enxel.." saad niya sa asawa.
"Si Ezel? Magiging ganun din ba siya?" anang ni Gino.
"Hindi ako sigurado..inaasahan ko na si Ezel ang magiging Vi-Olf..hindi si Enxel," aniya.
"Sa palagay ko,may posibilidad na maging Vi-Olf si Enxel..may lalaking Vi-Olf na noon nabubuhay," anito.
Tumango siya.
"Tama ka pero kailangan natin bantayan si Enxel at si Ezel. Hindi tayo sigurado na hanggang dun lang ang katauhan nila ngayon lumalaki na sila lalo na si Enxel.."aniya.
Nakangiti na niyakap siya ni Gino.
"Maswerte ako na ikaw ang naging ina ng aking mga anak,Xania.." anito.
"Huwag mo na ko bolahin,Gino. Nakadalawa ka na nga eh,"taas kilay niya saad dito.
"Hmm,pahingi pa ko ng pangatlo..pang-apat saka panlima na din," nakangisi nito sabi.
"Tss,maghintay ka kung kailan ko gusto..akala mo ang dali-dali magbuntis at umire!"
Tumawa ito. "Okay,..mahal na mahal kita,mahal kong asawa.." puno ng pagmamahal nitong saad.
"Mahal na mahal din kita,mahal kong asawa," tugon naman niya.
BINABASA MO ANG
THE LAST VI-OLF byCallmeAngge (COMPLETED)[Under Major Editing]
Vampiri#Halfling #Vi-olf #Romance #family