"Ano yan,kaibigan?" kunot-noong komento ni Jino sa matandang lalaki ng ipakita nito sa kanya ang isang lumang pahina na tila pinunit mula sa isang makalumang libro.
Binisita niya ito muli sa munting tirahan nito at nababalot pa rin ng mga nyebe ang buong paligid. Hindi na ata titigil ang pag-ulan ng nyebe sa lugar na ito.
Pinagmasdan niya ang papel. May larawan ng isang anyong tao na lalaki roon pero may mahahaba itong mga kuko na kulay silver at ang mga mata naman ay ganun din ang kulay.
"Isang Vi-Olf.."
Napaangat ang tingin niya rito.
"Kung ganun totoong may Vi-Olf?" mangha niyang saad.
Matiim ito nakatitig sa kanya. Tumango ito.
"Noong sinaunang panahon pinagbabawal ang pag-iibigan ng dalawang lahi. Ang Lobo at bampira. Ang umibig sa isa't-isa ay isang mortal na kasalanan para sa mga lahing bampira.." paglalahad nito.
Natigilan siya. Naalala niya noong bata pa siya narinig niya nag-uusap ang kanya ama at si Alarcon na napatay na ni Alarcon ang dalawang taksil na nagtatago mula sa mga ito. Isang lobo at bampira. Pero wala daw naging bunga kaya narinig niya ang katuwaan ng ama na hindi nagkaanak ang mga ito.
Natigilan muli siya ng maalala ang binanggit na pangalan ni Alarcon. Emilio...pero kung ito ang ama ni Xania na umibig sa ina ni Xania na isa nama lobo..maaaring..?
"Ang nasa larawan na yan ang siyang magiging bunga ng dalawang nagmamahalan lahi..ang tunay na anyo ng isang Vi-Olf, ang mga matutulis na daliri ay kaya pumatay ng isang bampira o lobo sa oras na ibaon ng Vi-Olf ang kanya mga daliri sa mga ito.."pukaw nito sa kanya.
Pero hindi pa siya sigurado dahil may posibilidad pang parehong lobo ang magulang ng dalaga at nadamay lamang ang mga ito sa kasamaan nina Alarcon at ng kanyang ama.
"Sinasabi mo bang,isang halimaw ang Vi-Olf kaya kinakatukatan iyun ng lahing bampira? Ganun din ba ang mga lobo?"kuryuso niyang pagtatanong.
"Labis na maaapektuhan ay ang mga lahi niyo,prinsipe ng mga bampira..ang kuko ng isang Vi-Olf ang inyong kamatayan.."
Napatitig siya sa kulay silver na mga kuko na nasa papel.
"Isang Vi-Olf ang kakailanganin mo para mapabagsak mo ang iyung ama.."anito.
Marahas siyang napaangat ng mukha rito.
"Pero wala ng nabubuhay na Vi-Olf..ang aking ama ay naging maagap sa posibilidad iyun na baka may mabuhay na isang Vi-Olf..alam kong pinapatay niya ang lahat na umibig na bampira sa isang lobo.." maagap niyang saad. Isang hindi katanggap-tanggap na utos ng kanyang ama.
Pero nang mga panahon na yun ay wala siyang naging pakielam dahil sa pagkamatay ng kanyang mahal na ina.
"Kung may nabubuhay sana hindi ka na mahihirapan pa..."
"Kung may nabuhay man. Paano naman kayo nakakasiguro na hindi niya akong mapapatay?" untag niya rito na binuntutan niya ng mahinang pagtawa.
"Ang isang Vi-Olf ay may isip gaya ng isang tao...dumedepende din siya sa sitwasyon tulad ng isang normal na nilalang.."
"Paano at saan mo nakuha ang larawan ito?" may kuryusidad niyang saad.
Sa kabila ng katandaan nito napakarami nitong alam.
"Siguro dahil bata pa ako noon at agresibo..pinunit ko iyan sa isang lumang libro noong panahon na nakatira pa ko sa isang kabundukan..sa isang mangkukulam na babae.."
"Mabuti hindi ka kinulam?"magaan niyang saad sapagkat nakakamangha ito.
Bahagya ito tumawa.
" Lola ko siya..."
Napaawang ang bibig niya sa sinabi nito.
"Kung ganun noon pa lang naniniwala ka na sa isang bampira at lobo?" aniya.
Nagkibit ito ng balikat.
"Isang bata na mahilig kuwentuhan ng kanya Lola tungkol sa mga kababalaghan ..naniwala ako totoo kayo dahil sa mga libro niya na hindi ko alam kung saan niya nakuha.." anito.
Tumango siya at puno ng pagkamangha sa naging kabataan nito.
Sumulyap siya muli sa papel na nasa harapan niya.
"Maaari ko ba ito kunin sa inyo?" aniya.
"Walang problema,sayo na yan... kaysa gawin kong pangsiga sa gatong ko,"anito.
Oo nga naman. Hindi na sila umaasa na may Vi-Olf. Kung meron man..mas mapapadali ang lahat sa kanila.
BINABASA MO ANG
THE LAST VI-OLF byCallmeAngge (COMPLETED)[Under Major Editing]
Vampiros#Halfling #Vi-olf #Romance #family