Nahigit niya ang paghinga ng balutin siya ng malamig na pakiramdam mula sa bampira na nasa likuran niya. Kinulong siya nito sa mala-bakal nitong mga braso.
"Kamusta,ang magandang lobo na si Xania..?" usal nito sa tapat ng kanyang tainga.
Mariin niyang naipikit ang mga mata at pilit na pinakalma ang bigla na naman pagwawala ng kanyang sistema at..puso.
Pinuno niya ng hangin ang dibdib at kumawala sa pagkakakulong sa bisig nito.
Hinarap niya ito ng wala kahit anong emosyon na makikita sa kanyang mukha.
"Nandito ka ba para sabihin sakin kung saan ko makikita ang Alarcon na iyun?" deretsahan niyang saad.
Ngumiti ito sa kanya.
"Sa ngayon inaalam ko pa kung saan siya naglalagi ngayon.."
"Kung ganun,magpakita ka lang sakin kung may maganda ka ng balita tungkol sa kanya," matiim niyang saad sabay talikod dito pero agad ito sumulpot sa kanyang harapan.
Pinaningkitan niya ito ng mga mata. Isang tingin na nagsasabi na wala siyang oras para rito.
"Asahan mo ng palagi mo ako makikita..paraan ko iyun para makilanlan natin ang isa't-isa.." pagbabalewala nito sa pinukol niyang tingin rito.
Humakbang ito at hindi siya nakaiwas ng hablutin nito ang kanyang batok at lumapat ang malamig nitong bibig sa ibabaw ng kanyang mga labi.
Gumagad ang bibig nito at umaamot ng pagtugon mula sa kanya.
Napasinghap siya ng isandal siya nito sa pader. Sinamantala ng prinsipe ang pag-awang ng mga labi niya at ipinasok nito ang dila sa loob ng kanyang bibig.
Napaungol siya sa bibig nito at lalo lamang naging mapusok sa bibig niya ang bampira.
Isang mabangis na angil ang kumawala sa bibig ng bampira ng sa wakas ay tugunin niya ang halik nito. Kahit ano pang pigil niya sa sarili sa huli pinagkakanulo pa rin siya ng kanyang katawan.
Habol na nila ang paghinga ng maghiwalay ang kanilang mga bibig at doon lang niya natanto ang posisyon nila. Nakapulupot ang mga binti niya sa balakang nito at mahigpit ito nakakapit sa likod ng kanyang mga hita.
"Palagi kong pinanabikan ang matikman ang iyong mga labi..ang malanghap ang iyung napakabangong amoy.." paos nitong anas sa tapat ng bibig niya.
Sheyt,heto na naman siya! Hinayaan na naman niya maging mahina sa bisig nito. Bakit ba kaydali siya nitong maakit?! Ganun na lang ba siya kahina rito sa tuwing magkakalapit sila?
Agad na kumawala siya rito at malamig na tinitigan niya ang bampira na may namamangha anyo para sa kanya.
"Wala ka bang babae para paglipasan mo ng oras?" mabangis niyang saad rito. Gusto niya itaboy ito.
Umangat ang isang sulok ng bibig nito.
"Marami...pero sayo lamang ako nakaramdam ng kakaiba..napakaespesyal niyun at alam kong ganun ka din nakakamangha pangyayare hindi ba?" nakangisi nitong saad.
Naikuyom niya ang mga palad.
"Hindi na natin kailangan ipagkaila iyun,Xania.."nakangisi nitong turan.
Pinaningkitan niya ito ng mga mata.
" Baka nakakalimutan mo,hindi ko pa ibinibigay sayo ang tiwala ko.."mariin niyang paalala rito.
"Alam ko..pero hindi ako yung tipo na bampira na sinisikil ang sarili ko kung sa ano ang nararamdaman ko at gusto kong maramdaman mo kung gaano kita... kagusto,"saad nito habang nanunuot ang mga titig nito sa kanya.
Agad na kinondena niya ang sarili ng muli kumabog ang dibdib niya sa sinabi nito.
"Sa susunod na halikan mo ako ulit...I'll make sure na babaon sayo ang silver dagger ko.." mariin niyang pagbabanta dito at mabilis na pumasok na siya sa kanyang silid.
Marahas siyang napabuga ng hangin.
Nasapo niya ang sariling nuo. Lutang pa siya sa nangyari halikan nila ng bampira.
Tama ito hindi nila maikakaila kung ano ang nag-uugnay sa kanilang dalawa. Sigurado ito sa sarili samantala siya...nagkakaila pa!
Damn him!
BINABASA MO ANG
THE LAST VI-OLF byCallmeAngge (COMPLETED)[Under Major Editing]
Vampire#Halfling #Vi-olf #Romance #family