Sa ilalim ng maliwanag at bilog na buwan pumapainlanlang sa loob ng silid ni Xania ang impit na pagdaing niya. May nangyayaring kakaiba sa katawan niya. Hindi niya alam kung ano at bakit ganun ang pakiramdam niya.
Naliligo sa sarili niyang pawis habang halos pangapusan na siya ng hininga habang nakabaluktot siya sa may carpeted floor ng silid niya.
Halos madurog ang mga ngipin niya sa tindi ng nararamdaman niya.
Malakas siya napadaing sa sakit..napakasidhi. Masakit,mahapdi at mainit! Parang sinusunog ang pakiramdam niya!
Halos bumaon ang mga daliri niya sa kamay sa carpet ng sahig niya.
Isang impit na ungol ang kumawala sa bibig niya kasabay ng marahas na pagtingala ng kanyang mukha.
Bigla nagbago ang kulay ng mga mata ni Xania. Ang dating kulay ng mga mata nito na brown na may kulay bughaw ay naging kulay pilak na.
Humihingal na sinulyapan niya ang kanyang mga daliri. Doon nakita niya ang mahaba at matutulis na mga kuko.
Nanlaki ang kanyang mga mata sa nakitang anyo ng kanya mga daliri sa kamay. Tila ang mga yun gawa sa isang matalas at matalim na silver na kuko!
Mabilis siyang tumayo para tingnan ang sarili sa banyo kahit na hindi niya matimbang ang sarili kaya halos magkandabangga-bangga siya . Malakas siya napasinghap ng makita ang kanyang mga mata. Kasingkulay iyun ng kanyang mga kuko.
Bakit? Anong nangyari sa kanya?! Bakit bigla naging ganun ang itsura niya?!
She's look now a monster! A dangerous monster!
"Wala ka bang iba nararamdaman kakaiba? Ni minsan ba hindi mo naisip na baka nga hindi lang yan ang kakayahan na mayron ka?.. na baka may iba ka pang kayang gawin?"
Bigla naalala niyang sabi ng kaibigan si Camelia kailan lang.
Bigla dinunggol siya ng takot. Oo,nakakatakot naman talaga ang nakikita niya ngayon sa harapan ng salamin.
Kung ganun,ito ba ang tunay niyang anyo? Ang anyo ng isang Vi-Olf?
Ang tila malahalimaw na anyo?
Hindi makapaniwala na tinititigan niya ang mga daliri.
Bakit? Bakit bigla lumabas ang ganitong anyo niya ngayon?
Ito ba...ito ba talaga siya?
May takot sa kanya kulay silver na mga mata na tumitig siya sa sariling reflection sa harap ng salamin niya.
Hindi nagbago ang lahat sa kanya maliban lamang sa kanya mga mata at daliri sa kamay.
Kung ganito ang anyo niya natitiyak niyang kaya pumatay ng kahit ano ang kanya mga matutulis na daliri.
Maya-maya pa ay bumalik siya sa dati niyang anyo. Nawala ang mga matutulis na daliri sa kamay niya na tila walang nangyari. Ang mga mata niyang bumalik na iyun sa dating dalawang kulay.
Naingtungkod niya ang mga kamay sa lababo at mariin na napakapit doon.
Lumabas na. Lumabas na ang tunay na anyo ng isang Vi-Olf.
Ang tunay niyang anyo.
Pero bakit ngayon lang?
Mauulit pa ba ito?

BINABASA MO ANG
THE LAST VI-OLF byCallmeAngge (COMPLETED)[Under Major Editing]
Vampire#Halfling #Vi-olf #Romance #family