Chapter 69

4.4K 146 2
                                    

"Ina..ama.."usal niya ng makita ang kanyang mga magulang na nakangiti sa kanya.

Sinugod niya ang mga ito ng mahigpit na yakap.

"Anak..." puno ng pagmamahal na saad ng kanyang ina.

Hinaplos nito ang kanyang buhok at mukha.

"Napakaganda mo anak,manang-mana ka talaga sakin!"

"Kawangis ka ng iyong ina,mahal kong anak," anang ng kanyang ama.

"Matagal ko na po hinihintay na magkita-kita tayo,ina,ama...natupad ko na po ang pangako ko sa inyo," madamdamin niyang saad.

Madamdamin na nginitian siya ng kanyang magulang.

"Salamat,anak...salamat sa iyong katapangan,sa wakas hindi na kami mangangamba pa para sayo,"masuyong saad ng kanyang ina.

" Pwede na po tayo magkasama-sama muli,"maluhang-luha saad niya.

Hinaplos siya ng kanyang ama sa kanyang pisngi na nababasa na ng luha.

"Anak,makinig ka,magiging masaya kami na makita kang bumuo ng panibagong pamilya,anak,kailangan ka pa nila..ng iyong iniibig," anito.

"Tama ang iyong ama,anak...oras na para maging masaya ka sa piling ng lalaki na iyong makakasama habang buhay," segunda ng kanyang ina.

Dumaloy muli ang kanyang mga luha. Muli siya niyakap ng kanya magulang. Ang makulong muli sa bisig ng kanyang ina at ama ay sapat na para maging masaya siya.

"Mabuhay ka ng masaya at mapayapa kapiling ng iyong pamilya na bubuoin..."

"Mahal na mahal ko po kayo,ina,ama.."

"Mahal na mahal ka din namin,anak..."

Isang malakas na pagsinghap ang nagpabalik sa huwisyo kay Xania.

"Xania!" isang pamilyar na boses ang tumawag sa kanya.

Muli inagaw ng dilim ang kanyang kamalayan.

"Xania..."

Huling salita na narinig niya ng muli siya mahulog sa kadiliman.

Isang buwan na mula ng mawalan ng malay si Xania. Pinagpapasalamat niya na nagkamalay ito kahit ilang segundo lang. Indikasyon iyun na malapit na ito magising na.

"Magpahinga ka na,mahal na prinsipe," pagtapik sa kanya ni Dario.

He sighed. "Okay lang ako...hindi ako mapapagod na bantayan siya,gusto ko ako ang unang makikita niya sa pagmulat niyang muli," sagot niya rito.

"Nag-aalala lamang ang mahal na Hari,baka kayo naman ang magkasakit," anito.

"Ayos lang ako,pakisabi sa Hari.."

Naging maayos na muli ang Hari kahit paunti-unti ay bumabalik na ito sa dating lakas at pangangatawan sa tulong ni Lolo Dilo.

Yumukod ang kanyang tapat na alalay.

Inabot niya ang kamay ng dalaga. Maputla na ito pero alam niyang babalik ang lakas nito sa oras na magising na ito.

"Gumising ka na,Xania...gusto na kitang makasama muli,"

"Namimiss ko na ang kasungitan mo at paglalambing mo...pakiusap,gumising ka na," usal niya at dinikit sa kanyang mga labi ang mainit nitong kamay.

THE LAST VI-OLF byCallmeAngge (COMPLETED)[Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon