Chapter 14

5.4K 222 11
                                    

Sa isang liblib na kagubatan niya dinala ang babaeng lobo. Isang napakagandang lobo.

Ang amoy nito. Pamilyar iyun sa kanya.

Napakabango nito. Isang amoy na hahanap-hanapin niya.

"Handa mo na ba kong pakinggan?" pukaw niya rito.

Alerto ito. Ilang distansya ang layo nila sa isa't-isa. Anumang oras handa ito na makipaglaban sa kanya sakali man magkamali siya ng ipapakita rito. Isang larawan ng babaeng palaban.

"Wala akong tiwala sa mga tulad mo,bampira..."pagtalim ng mga mata nito sa kanya. Ang kulay tsokolate nitong mga mata.

" Alam ko yun,Binibini.."masuyo niyang saad. Namamangha sa taglay nitong tapang.

Nanatili matalim ang tingin nito sa kanya.

"Nais ko muna malaman ang iyung ngalan," aniya.

"Hindi ko binibigay ang pangalan ko sa isang kaaway.." angil nito sa kanya.

Napangisi siya. Isang babae lobong palaban at lalo ito gumaganda sa paningin niya.

"Lalo mo lamang ako pinapahanga,binibini.." mangha niyang wika rito pero nanatili ang matalim ang mga mata nito sa kanya.

"Hindi ko kailangan ng paghanga mo," sikmat nito sa kanya.

Marahan siyang tumawa sa reaksyon nito.

"Patawad..tunay ka naman kasi kamangha-mangha,hindi ko maiwasan.." nakangiti niyang saad rito.

Lalo lamang tumalim ang mga mata nito sa kanya.

Sumilip ang maliwanag na buwan mula sa itaas ng mga nagtataasan puno.

Napatitig siya sa babaeng lobo na tinatamaan ng liwanag mula sa buwan.

Kumikinang ang angkin nitong kagandahan. Tila isang diyosa ito ng kagubatan na bumibighani sa kanya.

Napaawang ang kanyang mga labi ng bigla kung anong pumintig sa likod ng kanya dibdib.

Tumitibok ang puso niya? Bakit?
At kakaibang pintig iyun. Napakabilis!

"Ayokong mag-aksayang ng oras sayo,kung gusto mo ng isang laban handa ako makipaglaban sayo!" pukaw nito sa kanya.

Kinalma muna niya ang sarili bago niya ito binigyan ng isang seryosong pag-iling.

"Hindi kita hinanap para makipaglaban sayo,binibini..sa katunayan niyan,may isa akong kaibigan na darating na nais din makilala ka at tulungan na rin ako na makumbinsi ka sa adhikain ko,"sagot niya rito sa seryosong tono.

Wala sa isip niya na kalabanin at saktan ang napakagandang lobong na nasa harapan niya ngayon. Hindi iyun ang huling bagay na nanaisin niya sa mundong ito.

Nagsalubong ang magagandang hubog na mga kilay nito na tila bang nagtatalo ang isip nito sa kung ano.

"Maaari kitang tulungan matagpuan ang Alarcon na hinahanap mo," sabi niya.

Narinig niya iyun habang hinihintay niya ang pagkakataon na malapitan ito kanina.

Dumaan sa kulay tsokolate mga mata nito ang enteresante sa sinabi niya at agad din naman napalitan ng pagdududa.

"Alam kong wala kang tiwala pero kaya kong patunayan sayo na kaya kong ilaglag ang sarili kong kalahi para sayo.." matiim niyang saad. Iyun na ang paraan para makuha niya ang pagpayag nito.

Unti-unti nakakakitaan niya ang pagbaba ng depensa nito mula sa kanya.

"Alam ko kung saan siya matatagpuan...pero bago iyun kailangan ko muna magkaroon ng maganda kasunduan mula sayo.."aniya sa mautak na paraan. Ang makipagkasundo.

Isang nanantiyang tingin ang pinukol nito sa kanya.

"Nandito na ang aking kaibigan.." anunsiyo niya na hindi inaalis ang pagkakatitig sa matatapang nitong mga mata.

Sabay silang napatingin sa pagdating ng kanya kaibigan mula sa pinagmulan nito.

"Xania?!" gulat na bulalas ng kaibigan si Marko ng makalapit ito sa kanila. Gulat at hindi pakapaniwala untag ng kaibigan.

Natigilan siya sa sinabi ng kaibigan sa babaeng lobo na kita din sa mukha ang pagkabigla.

Kilala nito ang babaeng lobo?!

Mapanabay na napatingin sila sa isa't-isa ng babaeng lobo na tinawag na Xania ng kaibigan.

"Siya ang prinsipe ng mga bampira?" usal nito sa malamig na tono na nanatiling nasa kanya ang mga mata nito.

"Siya nga..." hindi makapaniwalang napabaling sa kanya ang kaibigan.

"Do you know her?" mangha niyang saad sa kaibigan pero may kung ano siyang nararamdaman inggit rito na kilala nito ang babaeng lobo.

"Kaibigan ko siya,mahal na prinsipe.." nakangiting saad nito sa kanya. Bakas sa mukha nito ang paghanga para sa babaeng lobo.

Imbes na katuwaan ang kanyang maramdaman mas nangingibabaw ang selos mula sa kaibigan.

Selos?

Talaga nga bang nagseselos siya sa kaibigan ng dahil sa babaeng lobong iyun?!

THE LAST VI-OLF byCallmeAngge (COMPLETED)[Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon