Chapter 34

4.9K 175 7
                                    

Sabay-sabay na nagsing-angilan at naging mabagsik ang anyo ng lahat ng bampira na umanib sa kanyang binuong alyansa para sa kani-kaniyang pamilya nang mabuksan ang tatlong parihabang lalagyan na gawa sa kahoy.

"Mahal na Prinsipe! Anong ibig sabihin nito?!" si Rodelio. Sumisilip ang mga pangil at alerto ang kulay pula na nitong mga mata gaya din ng iba.

"Gagamitin natin ang mga yan,kaibigan.."tugon niya rito.

Sabay-sabay na nagkatinginan ang lahat sa isa't-isa. May nagdududa,nag-aalangan at nangangamba.

"Magtiwala kayo..wala kayo dapat ikabahala sa mga ito," aniya sa mga ito.

"Pero,mahal na Prinsipe,alam niyong ang bagay na yan ang ating kahinaan..kamatayan. Paano kung gamitin yan satin ng kalaban?!" anang ni Rodelio.

Nginitian niya ang lahat para makampante ang mga ito.

"Mismo ang kalaban natin ay gumagamit na ng armas na gawa sa pilak," inporma niya sa mga ito. Lahat hindi makapaniwala pero naroroon pa rin ang takot sa bagay na nasa harapan ng mga ito.

Unti-unting kumalma ang lahat. Isa-isa nagsibalikan sa dating anyo ang lahat.

"Paumanhin,mahal na Prinsipe..sa aming naging reaksyon pero hindi ko naisip na maaaring sa pagtagal ng panahon kaya na ng isang bampira na gumamit ng bagay na yan," kalmante turan ni Rodelio.

"Tama ka..ang pagharap sa kahinaan natin siya ang pagkukunan natin ng lakas at katapangan..kaya nais ko na bawat isa sa inyo ay mamili sa mga ito na naaayon sa kagustuhan niyo. Magtiwala kayo. Mamamatay tayo na lumalaban,tandaan niyo yan Black Alliance!"

Sabay-sabay na sumang-ayon ang lahat sa kanya.

"Para sa kapayapaan! Sa atin pamilya! Hustisya at kalayaan!" malakas na saad ni Rodelio na siyang tinuturing ng lahat na pinuno.

Nakangisi na bumaling siya kay Xania. Nakangiti din ito at nangingislap ang mga mata nito sa pagkamangha.

Tinulungan ni Marko ang bawat isa sa pagpili at tinuruan kung paano iyun gagamitin.

"Salamat sa ideya..hindi ko inisip na mas magiging malakas ang pwersa natin kung may mga armas na gagamitin," untag niya kay Xania.

"Paniguradong hindi magpapahuli ang hukbo ng iyong Ama,Jino kaya mas mainam ng tapatan natin sila," anito.

Nasisiyahan na tumango siya sa sinabi ng dalaga. Hindi lamang itong paLaban..napakautak pa.

Mautak ka rin naman,Jino..yun nga lang natatabunan ng pagnanasa mo sa babaeng lobo!

Napangisi siya sa sarili.

Kasimbilis ng hangin na dumaan sa ere ang isang bagay na kumislap sa ilalim ng maliwanag na buwan. Bumaon ang bagay na yun sa entrada ng palasyo ng Hari.

Sa dulo ng palaso na gawa sa pilak ay may nakabuhol na itim na papel.

Kinabukasan,pinagkakaguluhan iyun ng lahat hanggang sa bunutin iyun ni Alarcon na siyang sinabahan ng kawal na nakakita sa bagay na iyun.

Black Alliance for the Peace and Freedom!

Agad na bumagsik ang anyo ni Alarcon.

"Lipunin ang lahat ng hukbo! May alyansang gustong mapabagsak sa kapangyarihan ng Hari!!!" malakas na anunsiyo ni Alarcon sa lahat ng kawal na bampira.

"Pati ang mga Alipin,sanayin sila sa pakikipaglaban!"

Nagtatagis ang bagang ni Alarcon. Black Alliance?!

Kung sino man sila! Hindi sila mananalo...sa pamumuno niya at malapit ng mangyari yun..

Napangisi si Alarcon sa kaisipan iyun.

THE LAST VI-OLF byCallmeAngge (COMPLETED)[Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon