Chapter 37

4.6K 173 3
                                    

Mabilis na lumipad ang silver dagger ni Xania sa kinaroroonan ng presensya iyun.

"Nice move,mahal kong prinsesa,"nakangising saad ni Jino habang nasa pagitan ng dalawang daliri nito ang dagger niya.

"Inaabala mo ang paghahunt ko," aniya.

Tumawa ito. "Pasensya naman,prinsesa ko..kailangan kasi kita isama sa hideout para sa isang unang plano na gagawin natin," saad nito.

Agad na nakuha nito ang atensyon niya.

"May plano ka na...?"

Tumango ito at wala na ang ngisi sa mga labi nito.

Kita niya na isang seryosong plano ang nasa isip nito.

"Sige.." aniya.

Bago pa man siya talikuran ito pumulupot na ang mga braso nito sa katawan niya na kinasinghap niya.

"Payakap muna kahit ilang minuto lang.."anas nito sa leeg niya. Nakasubsob ang mukha nito roon.

Hinayaan naman niya ito. Pero may kung ano na bumabagabag rito.

" May problema ba?"maya-maya untag niya rito.

Humugot ito ng hininga sa balat niya at agad na gumapang ang isang masarap na sensasyon sa ugat niya ng halikan nito ang balat niya.

Humigpit ang yakap nito sa kanya.

"Nababahala ako sa kaligtasan ng mga inosenteng bampira na ginawang alipin ng aking ama..napag-alamanan kong pinagsasanay sila ngayon laban satin," usal nito. Mahihimigan ang pangamba nito para sa kauri nito na gusto nitong protektahan.

"Si Alarcon..isa ba siya sa malakas sa hukbo ng iyong ama?" pagtatanong niya rito.

Naramdaman niya agad na natigilan ang prinsipe pero unti-unti din ito nakabawi. Muli itong suminghap sa balat niya.

"Oo.."

Naikuyom niya ang mga palad.

"Humihingi ako ng pasensya kung..hanggang ngayon hindi ko pa natutupad ang pangako ko na ihaharap ko siya sayo," saad nito ngayon ay nakabaling na sa kanya ang mukha nito.

Huminga siya ng malalim at pumihit paharap dito pero nanatiling nakapulupot sa kanya ang mga braso nito.

"Ngayon ko lang natanto na hindi madali sayo ang kalabanin ang sarili mong kauri..." marahan niyang saad.

Kailan lang niya naisip na hindi madali para sa Prinsipe ng mga bampira ang kaLabanin ang sarili nitong ama..ang kapwa bampira nito.

"Kalimutan mo na ang napagkasunduan natin,Jino.."

Ipinihit siya paharap ng prinsipe para magtama ang kanilang mga mata. May pagtataka na masasalamin sa abuhin mga mata nito.

"Bakit? Xania..bigyan mo pa ko ng oras ihaharap ko siya sayo," anito na tila may pinapangambahan ito. Iyun ay ang pagbabago niya ng isip at hindi na siya umanib sa mga ito.

"Hindi,Jino..hindi mo nauunawaan,ayokong..ayoko lang na makadagdag pa sa problema mo," saad niya sabay baba ng paningin.

Oh Xania,hindi ikaw yan!

Agad na napaangat siya ng mga mata ng sapuhin nito ang magkabila niyang pisngi. "Hindi ko alam na..ang sweet mo pala,nag-aalala ka sakin,wow..ang sarap naman sa pakiramdam nun," anito na may ngisi sa mga labi nito pero sinsero ang mga sinasabi nito.

"Hindi ako sweet..walang sweet sa tulad kong kayang kumitil ng buhay ng kauri mo," kontra niya rito pilit na sinusupil ang pagkapahiya.

Lalo lamang ito ngumisi. "Ahh, sweet revenge eh," anito sabay siil nito ng halik sa mga labi niya.

Ipinikit niya ang mga mata at ninamnam ang halik na pinagsasaluhan nila hanggang sa lumalim ng lumalim iyun.

Napasinghap siya ng maramdaman ang pagmasahe nito sa isang dibdib niya at hindi niya napigilan ang pag-alpas ng mahinang daing sa bibig niya na sakop pa rin ng mga labi nito.

"Jino..." anas niya ng bumaba ang bibig nito sa baba niya pababa sa leeg niya..gumapang ang palad nito na nasa dibdib niya pababa sa beywang niya hanggang sa marating nito ang pang-upo niya.

Napasinghap siya ng hapitin siya nito mula sa pang-upo niya.

"Damn..I want you so much,Xania!"may pagtitimpi nitong anas sa may leegan niya.

Mabigat ang hininga na dumistansya siya ng bahagya sa katawan nito. Ramdam na ramdam niya ang pangangailangan nito sa kanya na nakadaiti sa pusonan niya.

"Pero magpipigil ako dahiL gusto ko maangkin ka ng buong-buo..hindi lang katawan mo,Xania..ang puso mo," marobdob nitong saad.

Gugustuhin pa ba kaya nito na maangkin sya sa oras na malaman nito kung ano siya?

THE LAST VI-OLF byCallmeAngge (COMPLETED)[Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon