"Imposible! Paanong nangyari na nakatakas ang mga alipin?!" galit na galit na bulyaw ni Alarcon sa mga kawal ng sabihin ng mga ito na wala na kahit isa na nadatnan sa kinaroroonan ng mga alipin sa isang piitan ar kahit ang mga bantay na nakatalaga roon ay wala ni isa nakita.
"May isang bagay kami nakita..at sa palagay ko mula ito sa kung sinuman ang nagpatakas sa mga alipin," untag ng isang kawal ng Hari.
Inilahad nito ang palad at isang kulay itim na papel iyun.
Kalayaan para sa lahat-BA
Sumingasing sa galit si Alarcon ng malaman na ang mga rebelde iyun ang nagpatakas sa mga alipin at umubos sa bantay roon.
"Kayong lahat! Alertuhin ang lahat magkakaroon ng malaking labanan sa pagitan ng rebelde at ng ating hukbo!"
Hindi niya hahayaan na ang mga ito ang siyang hahadlang sa inaasam niyang trono at kapangyarihan.
Kailangan na nilang madaliin ang pagluklok sa kanya bilang bagong Hari.
Estados Unidos...
Bigo pa rin si Hari Cordoba na mahanap ang tatlong kasamahan sa society sa biglaan ng mga ito pagtiwalag at pagkawala. Kung mababawasan ng miyembro ang Royal Society,hihina ang impluwensya niya sa lahat ng lahing bampir.
Tiim-bagang na inabot ng Hari ang isang bote ng inumin. Isang alak na mula kay Alarcon. Agad na nagsalin sa mataas na baso. Bumuhos mula sa bote ang kulay puting likido.
Agad na nilanghap iyun ng Hari bago nito iyun sinimsim. Humagod ang init sa kanyang lalamunan. Napakasarap. Magaling talaga ang pinagkakatiwalaan niyang tauhan na si Alarcon sa pagpili ng isang inumin. Mahusay.
Muli nagsalin ang Hari sa baso. Halos mangalahati ng Hari ang bote hanggang sa makaramdam ito ng panghihina.
Hindi niya gusto ang pakiramdam na yun. Pakiramdam niya sinusunog ang loob ng katawan niya. Marahil epekto iyun ng inumin .
Nagpasya na ang Hari na mamahinga dahiL hindi na taLaga maganda ang pakiramdam.
Samantala,gumapang ang matagumpay na ngiti sa mapupulang labi ni Maria ng makita ang Hari at ng umepekto na ang inumin.
Nakangisi na itinaas niya ang hawak na kulay itim na botelya.
"Kaawang-awang,mahal na Hari..Wala syang kamalay-malay sa mangyayari sa kanya," usal ni Maria habang nakatitig sa botelya.
Ang laman ng botelya ang siya din kumitil sa buhay ng dating Mahal na Reyna.
Ang Silver poison.
Sa oras na maratay ang Hari maluloklok na bilang bagong Hari ang kanyang pinakamamahal na kasintahan na si Alarcon at siya naman ay magiging Reyna ng lahing bampira.
Nilukob ng pananabik si Maria sa isipin yun. Dapat lang na mapadali na ang pagbabagsak nila sa Hari bago pa man magkagulo ang lahat dahil sa mga rebelde. Bukod sa babaeng lobo na hunter na yun may iba pang gusto kumalaban sa lahing bampira!
Nanlisik ang mga mata ni Maria pero nakapaskil pa rin ang ngisi sa mga labi nito.
"Mahal na Hari,pinapatawag mo raw ako?" untag niya sa Hari pagkapasok niya sa silid nito.
"Babalik na tayo sa pilipinas..sabihan mo si Alarcon na ipatawag agad ang manggagamot," mahinang usal ng Hari.
Lihim na napangiti si Maria. Nanghihina na ang Hari. Matamlay ang anyo nito habang nakasandal sa headboard ng kama nito.
"May nararamdaman ba kayo,mahal na Hari?" kunwa'y pag-aalala niya rito.
Agad na umiling ito. "Siguro sa pagiging abala ko nitong huling araw dahil sa tatlong umaklas na yun pero maayos lang ako,Maria.."
Pinatili niya ang pag-aalala sa anyo niya.
"Sige,mahal na Hari..ipapahanda ko na ang pagbabalik niyo sa Pilipinas at sabihan si Alarcon na ipatawag agad ang manggagamot,"masunurin niyang turan.
Tumango lang ang Hari at pumikit ang mga mata. Gumuhit na ang pinipigilan niyang ngisi sa mga labi.
Kawawang mahal na Hari..
Agad na bumagsik ang anyo ni Maria pagkatalikod niya sa Hari. Sinenyasan niya ang tapat na alipin nila ni Alarcon na lumapit sa kanya pagkalabas ng silid ng Hari.
"Ihanda ang lahat para sa pagbabalik natin sa Pilipinas," maawtoridad niyang utos sa mga ito.
"Masusunod!"talima agad ng mga ito.
Isang sulyap na may ngisi sa mga labi ang ginawa ni Maria sa nakasarang pintuan ng silid na iyun.
Malapit na siyang maging Reyna.

BINABASA MO ANG
THE LAST VI-OLF byCallmeAngge (COMPLETED)[Under Major Editing]
Vampire#Halfling #Vi-olf #Romance #family