Ang masayang aura ni Prinsipe Jino ay agad na napalitan ng kaseryuhan ng makitang naghihintay sa kanya si Alarcon pagkapasok niya ng palasyo.
"Magandang umaga,mahal na Prinsipe..kagabi pa kita hinihintay sa iyong pag-uwi," bungad nito sa kanya pagkalapit niya rito.
Pormal na tumango siya rito. "Magandang umaga din,Alarcon..bakit? May habilin ba si Ama?" pagtatanong niya agad rito.
Umiling agad ito. "Wala naman..may nais sana ako ipaalam sayo at gusto kong mag-ingat ka sa iyong paghahanap sa babaeng lobo na yun," matiim nitong tugon.
Agad na nahinuha niya ang tutukuyin nito.
"Alam mong mag-iingat ako sa isang lobo lang...maliban na lang kung may iba pang gustong kumalaban satin?" maingat niyang saad.
Agad na natigilan ito at naalarma. Napangisi siya. "Kung ganun,meron nga?"
Napatiim-bagang ito. "Black Alliance..iyun ang nakasulat sa itim na papel na nakakabit sa isang palaso na gawa sa pilak..at sigurado ako kaya nilang gumamit ng armas na gawa sa bagay na kahinaan natin lahat!"
Lihim siyang nasiyahan sa nakikitang reaksyon ni Alarcon.
"Ano na ang plano mo? Alam na ba ni Ama?" tanong niya sa tono na naaalarma na rin siya.
"Naghahanda na ang lahat at sinasanay na din ang mga bagong alipin," anito na ngayon ay may ngisi na sa mga labi.
Naikuyom niya ang mga palad. Ang mga alipin. Mga inosenteng bampira na napilitan lamang manilbihan dahil sa kapangyarihan ng ama bilang Hari!
May nabuo ng unang plano sa isip niya.
"Hindi ko muna ipinaalam sa Hari ang tungkol sa bagay na ito,mahal na Prinsipe..ayoko muna dagdagan ang problema niya lalo pa nga't hindi ko pa nahahanap ang tatlong umalis sa society...at sana nagkakamali ako na wala sila kinalaman sa black alliance na yun," tiimbagang nitong sabi.
"Kamusta ang paghahanap mo sa hunter na yun?"bigla nitong pagtatanong.
"Hindi madali hulihin ang isang tulad niya na alam niyang tinutugis siya," tugon niya rito.
"Tanggapin mo na ang inaalok ko pagtulong," anito.
Agad na umiling siya. "Gusto ko magkasilbi,Alarcon..buong buhay ko puro negosyo at paglalakbay lang ang inatupag ko..gusto ko subukan ang sarili kong kakayahan..ng mag-isa," seryoso niyang saad.
Tumango naman ito indikasyon na nakumbinse niya ito sa pagdadahilan niyang iyun.
Iyan ang mautak na Prinsipe!
"Kung ganun..magsabi ka lang agad kung kailangan mo na..lalo na ngayon hindi lamang ang hunter na yun ang kalaban natin ngayon," anito.
Agad siyang tumango rito. "Tatandaan ko yan," aniya.
"Mauuna na ko..kailangan kong bisitahin ang pagsasanay ng mga alipin," pagpapaalam na nito sa kanya.
Napatiimbagang siya pagkatalikod ni Alarcon.
Pati mga walang laban na alipin gagamitin nito para ipanglaban sa kanila!
Hindi siya papayag na magbuwis ng buhay ang mga inosenteng alipin ng Hari!
Kailangan na nilang kumilos at ang unang plano ay palayain ang mga inosenteng bampira!

BINABASA MO ANG
THE LAST VI-OLF byCallmeAngge (COMPLETED)[Under Major Editing]
Vampire#Halfling #Vi-olf #Romance #family