Chapter 12

5.3K 191 7
                                    

"Magpakalat ka ng mga bampira sa buong siyudad at magpasasa sa sariwang dugo ng mga kaawang-awang tao at sa oras na lumabas ang hunter na yun doon isasagawa ang plano.."mapanganib na pagngisi ni Alarcon sa kanya alipin.

"Siguradong umaalma na siya ngayon dahil sa isang lobo na napatay natin.." dagdag niya.

"Ayokong mainip ang Hari kaya kumilos na kayo," aniya.

Agad naman tumalima ang inutusan niya bampira para isagawa ang kanya plano.

Napangisi siya ng yumakap ang kasintahan mula sa kanya likuran.

"Magiging abala ka na muli," usal nito sa tapat ng kanya tainga.

"Kailangan na ko muli ng Hari,mahal ko," tugon niya.

Awtomatiko pumikit ang kanya mga mata ng gumapang ang isang kamay ng kasintahan pababa hanggang sa matunton nito ang kanya pagkalalaki.

Pumisil at humihimas.

"Kung ganun,kailangan ko ng samantahin ang libreng oras mo ngayon,mahal ko.." mapang-akit nito bulong sa kanya tainga.

Isang nakakakilabot na pagdila at pagkagat nito sa kanya tainga ang pumutol sa pisi ng kanya pagpipipigil na hindi angkinin ang kasintahan.

Malakas na bumalya ito sa pader at tila hayok na inangkin niya ang kasintahan.

Nagmamadali sa paglalakad ang isang babae na nanggaling pa sa kanya pinagtatrabuhan call center. Wala na sya masakyan na taxi kaya naglakad na lamang siya.

Ngunit sa paglalakad niya may kung ano kakaiba sa paligid.

Nakakakilabot. Nakakakaba.

Malalaking hakbang na ang kanya ginawa pero ganun na lamang ang pagkabigla niya ng bigla na lamang may bumagsak ng kung ano sa harapan niya.

Nanlaki ang mga mata ng babae ng makita ang isang maputing lalaki na may mapupulang mata.

Huli na para makatili ang babae na bigla na lamang ito hablutin ng lalaki at dalhin sa isang madilim na bahagi ng gusali.

Maya-maya pa ay pumainlanlang ang isang napakalakas na sigaw mula sa biktimang babae.

Tiim-bagang na pinagmasdan ni Xania ang babae na wala ng buhay na nakasalampak sa maruming sulok ng isang bakanteng gusali.

Ito na ang tatlong biktima na nadatnan niya sa loob ng isang gabi lang.

Naikuyom niya ang mga palad.

May palagay siya,mukhang pinagplanuhan na ng mga bampira ang pagpatay sa mga tao para mahuli siya.

Naningkit ang kanya mga mata.

Sinusubukan ng mga ito ang kakayahan niya. Desperadong mahuli siya.

Puwes! Kung gusto nila makipaglaro,makikipaglaro din siya!

Napahilamos sa sariling mukha si Marko pagkatapos mapanuod sa balita ang tungkol sa tatlong tao na natagpuan patay na may kung anong sugat sa mga leeg nito.

Pinaghihinalaan na may gumagalang aswang sa siyudad. Isang nakakatawang kuro-kuro. Nakakaawa mga inosenteng tao na nadadamay sa kasamaan ng mga sakim na bampira.

Kailangan niya makumbinse si Xania. Isa lamang ang paraan para maprotektahan ang kaibigan ang makipag-alyansa sa kanila. Sa kanila ng prinsipe ng mga bampira.

Alam niya hindi madali pagtiwalaan ni Xania ang mga bampira pero hindi naman siya makakapayag na mapatay ng mga ito ang kanya kaibigan na nagbigay sa kanya ng pangalawang buhay.

Kailangan na niya kumilos. Sasamahan niya sa isang laban ang kaibigan si Xania.

Kailangan na rin niyang kumilos lalo pa at hindi na nanahimik ang Hari sa pagkaubos ng ilan sa mga bampira.

THE LAST VI-OLF byCallmeAngge (COMPLETED)[Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon