Chapter 8

5.9K 187 2
                                    

Sumalubong agad ang ingay at dilim nang pasukin ni Xania ang isang kilalang bar sa siyudad. Ang bar na pag-aaari ng kaibigan si Marko.

Gusto siya nito makausap kaya ng masigurong walang bampira sa paligid ngayon gabi saka niya naisipan munang puntahan ang kaibigan.

Agad na nakita niya ang kaibigan na abala sa pagsasalin ng iba't-ibang klaseng alak sa harap ng kinikilig na tatlong babae na costumer nito na walang mga kamalay-malay na isang bampira ang lalaki na kinakikiligan ng mga ito.

Pumuwesto siya sa pinakadulong upuan ng bar counter.

Agad na hinarap siya ni Marko matapos nito talikuran ang tatlong babae na tila nabitin sa atensyon ng lalaki.

Nakangisi na nilapag nito sa harapan niya ang isang inumin na kulay pula.

"Special wine,"tukoy nito sa blood wine na tangi sila lamang dalawa ang nakakaalam ng inumin iyun.

Dinampot niya iyun at sumimsim sa mataas na wineglass.

"May nakapagsabi sakin na pinapahanap ka ngayon ni Haring Cordoba,Xania.."saad ng kaibigan na makikitaan ng pagkabahala para sa kanya.

Kahit malakas ang tugtugin sa paligid hindi na nila kailangan pang paglakasan ang kanilang mga boses dahil taglay na nila ang talas ng pandinig.

" Talaga?"tangi tugon niya.

"Nag-aalala ako para sayo,Xania..kung maglie low ka kaya muna sa paghahunt mo sa mga bampira?" pag-aalala na nito sabi.

Humigop siya sa hawak na wineglass.

"Hindi naman ako natatakot sa kanila.." aniya.

Tinitigan siya ng kaibigan.

"Malupet ang mga alagad ni Haring Cordoba..walang sinasanto,paano kung matunton ka nila sigurado papatayin ka nila.."

Bumuga siya ng hangin.

"Xania,alam mo kung gaano kalupet ang mga tulad namin mga bampira.. Ayokong isang araw mabalitaan kong nahuli ka nila at patay na..."

"Alam mo lalaban ako.. " matiim niyang saad.

Hindi siya natatakot. Bilang Vi-Olf wala siya kinatatakutan. Taglay niya ang kakayahan ng dalawang uri ng nilalang kaya bakit siya matatakot sa mga ito?

Nang maubos ang laman ng wineglass tumayo na siya muli para magpaalam na rito.

"Huwag ka mag-aalala...mag-iingat ako gaya ng lagi mo paalala sakin," nakangiti niya sabi sa kaibigan na bakas pa rin aa gwapo nito mukha ang pag-aalala para sa kanya.

"Masaya ako na naging magkaibigan tayo,Xania..." anito.

Nginisihan niya ito. "Ako din naman at pinasasaya mo ang mangkukulam na yun," aniya.

Tumawa ito sa sinabi niya.

"Maligaya kami sa isa't-isa,natagpuan namin ang isa't-isa dahil sayo kaya sana matagpuan mo na rin ang parang sayo.."anito.

Isang pagngisi lang ang itinugon niya rito saka siya tumalikod dito.

Palabas na siya ng bar ng makaamoy naman siya ng kakaibang amoy. Galing sa isang bampira pero hindi iyun malansa sa pang-amoy niya.

Nakakaakit na amoy mula sa isang bampira. Sinundan niya ang pinanggalingan niyun pero bigla iyun nawala ng parang bula.

Naipilig niya ang ulo at nagpatuloy na lisanin ang lugar na iyun.

Mula sa isang madilim na bahagi ng bar. Nakita niya ang isang babae na may kulay tsokolateng buhok na nakapusod pataas na palabas ng bar. Hindi niya nakita ang mukha ng babaeng lobo pero sigurado siyang gusto niya makilala ang babae iyun.

Kakarating lang niya at agad niya naamoy ang mabangong amoy ng isang lobo.

Napakahalimuyak ng amoy nito. Nakakaakit na amoy at para siya nakakaramdam ng pag-iinit sa amoy ng babaeng lobong iyun.

Kinalimutan na muna niya ang balak na puntahan ang kaibigan si Marko para kamustahin ito at mabilis na sumunod siya sa babaeng lobo. Naiwan ang mabango nitong amoy sa paligid.

Sinundan niya ang amoy nitong iyun pero nawala iyun sa kalagitnaan ng eskinita.

Wala na ang mabangong amoy nito sa paligid.

Bigla umusbong ang panghihinayang sa dibdib niya. Sayang gusto pa naman sana niya makilala ang babaeng iyun.

Nagpasya na lamang siya bumalik muli sa Marko's Bar na pag-aaari ng kaibigan.

Nagkakilala sila ni Marko sa Italy kung saan naglalagalag siya noon at ito naman ay may business meeting roon. Naging magkaibigan. Alam nito na siya ang anak ni Haring Cordoba.

Kilala naman si Marko sa larangan ng pagnenegosyo kaya alam niya mas mayaman pa ito sa mga mahahalirkang bampira.

Ito lamang ang hinayaan niya na mapalapit sa kanya dahiL ang kaibigan ay isang independent na bampira. Kumikilos ito na ayon sa gusto nito gaya niya. Hindi nagpapasakop sa kung sinuman.

Gusto nila maging malaya din ang iba pang mga bampira.

Gaya ng gusto mangyari ng kanya inang Reyna.

THE LAST VI-OLF byCallmeAngge (COMPLETED)[Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon