Chapter 61

3.9K 138 2
                                    

May bahagi sa kanyang dibdib na nagiguilty dahil sa ginawa niya kanina kay Jino. Napangunahan lamang siya ng galit kay Alarcon dahil sa nangyari sa kanilang tribu.

Naikuyom niya muli ng mariin ang mga palad.

"Xania..."

Natigilan siya ng marinig si Jino. Sinundan siya nito pagkatapos ng ginawa niya rito kanina.

Nanatili siya nakatalikod dito. May bahagi ng galit sa puso niya para rito.

Gusto niya iyun ilabas.

"Xania,pakiusap,mag-usap tayo," may himig na pagsusumamo  nito.

"Patawad kung natatagalan na ang pangako ko sayo,kinalulungkot ko ang nangyari sa inyong tribu," saad nito.

Muli dinaklot ng galit ang kanyang dibdib ng maalala ang nangyari sa tribu nila. Marami ang namatay dahil sa mga kalahi nito.

"Xania,patawarin mo ako..may isang bagay ako na hindi ko magawa sabihin sayo...iyun lamang ay dahil gusto kitang maprotektahan," pukaw nito sa kanya.

Natigilan siya. Nakuha niyun ang atensyon niya.

"Hindi ko inaasahan na magagawa ito ni Alarcon,sa tingin ko marapat lang na malaman mo...na si Serafin ay si..Alarcon," anito.

Marahas siya napaharap dito sa sinabi nito.

Naningkit ang kanyang mata at umaahon ang galit sa sinabi nito. Walang ano-ano dinaklot niya ang harapan ng suot nitong damit at sinalya sa pader.

"Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin ito?! Kailan mo balak sabihin sakin?! ha?!"puno ng galit niyang asik rito.

Puno ng pagsisisi at pagkabahala ang abuhin mga mata nito na nakatitig sa kanya.

" Sinungaling ka..."puno ng diin niyang usal.

"Patawarin mo ako,Xania..iniisip ko lamang ang kaligtasan mo mula sa kanya,makapangyarihan si Serafin hindi siya basta-basta ,lahat na nagtatangka sa kanya ay namamatay," anito.

Puno ng pait na tumawa siya na kinatigagal nito. Hindi makapaniwala sa kanyang inakto.

"Hindi ako makapaniwala na isang mahina ang tingin mo sa akin,mahal na Prinsipe," puno ng sarkasmo niyang wika.

"Xania..."

Pinaningkitan niya ito ng mga mata. "Hindi ako natatakot sa kanya,pagkakataon lang ang hinihintay ko para magkaharap kami dalawa pero..ang taong na pinagkakatiwalaan at inaasahan ko na makakatulong sakin ay binigo ako," aniya.

Nakita niya ang pagdaan ng sakit at takot sa mga mata nito.

Marahas na binitawan niya ito at umatras palayo rito.

"Kumakalas na ako sa inyong alyansa,mahal na Prinsipe ng mga bampira,hindi ko na kailangan ng tulong mula sa isang sinungalin na katulad mo," mariin niyang saad.

"Hindi,Xania..huwag mong gawin ito,kakailanganin mo pa rin ang tulong ko,namin..hindi ka maaari kumilos ng mag-isa lang,"nababahala nitong sabi.

Isang mapait na ngiti ang pinukol niya rito na kinatigil nito.

"Isa akong Vi-Olf ,ako ang nilalang na kinakatakutan ng lahi mo,mahal na Prinsipe ng mga bampira,kung gugustuhin ko kaya kita patayin ng hindi nangingimi," mariin niyang saad na lalo kinatigagal nito.

Mabilis na umalis siya sa harapan nito.

"Xania..."

Ang pagsambit sa pangalan niya mula rito na puno ng sakit,pangamba at pagmamahal.

THE LAST VI-OLF byCallmeAngge (COMPLETED)[Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon