Nakapagkit ang ngiting tagumpay sa mga labi ni Alarcon ng sa wakas ay naipatong na sa ulo niya ang minimithing trono. Saksi ang mga miyembro ng Royal Society ay inihirang na siyang bagong Hari ng kanilang lahi.
"Masaya kami para sa bagong Hari ng ating lahi,mahal na Hari!" pagbibigay pugay ng isang miyembro ng Royal Society.
"Nagagalak ako dahil sa pagbibigay niyo sakin ng tiwala at iluklok bilang bagong Hari," aniya.
"Kinalulungkot namin ang nangyari sa dating Hari,"saad ng ilan.
Puno ng kunwaring simpatya na tinanguan niya ito.
"Labis din ang aking pagdamdam sa kalagayan ng dating Hari," aniya.
"Mabuhay ang bagong Hari at ang Reyna!!!" anunsiyo ng tagapagsalita.
Pumalakpak ang lahat sa anunsiyo na yun hanggang sa maagaw ang atensyon nila sa dalawang bulto na bigla sumulpot sa harapan nila.
Agad na natigilan si Alarcon ng makita ang prinsipe at ang...
"Ang hunter!" bulalas niya ng makilala ang babaeng lobo.
Agad na nagpanik ang mga bampira. Nag-ipon-ipon ang mga ito sa isang lugar ng makita na hindi lamang ang prinsipe at ang lobong hunter ang dumating.
Lihim siyang napaangil ng makita ang mga rebelde.
Sinalubong niya ang galit na anyo ng Prinsipe.
"Hindi ba dapat kasama ako sa espesyal na pagpupulong na ito?"anito habang tinititigan ang bawat miyembro ng society na walang imik.
" Wala nakarating sa aking kaalaman ang tungkol sa pagpupulong na ito,"muli nito saad.
Nginitian niya ang prinsipe at nanatiling kalmante. Ngunit puno ng galit na tingin ang pinukol sa kanya ng Prinsipe.
"Traydor ka! Isa kang traydor!" asik nito sa kanya.
Napasinghap ang lahat sa kapangahasan ng Prinsipe.
Tumawa siya ng puno ng pait.
"Pareho lamang tayo,mahal na Prinsipe,ikaw at ang mga rebeldeng yan!"akusa din niya rito.
Napatiim-bagang ang Prinsipe. Nakaramdam siya ng tuwa sa naging epekto niyun sa prinsipe.
" Ang Black Alliance na binuo ng ating mahal na prinsipe! Hindi ba isa iyung pagtatraydor sa sarili niyang lahi?!"pagbaling niya sa mga kasamahan nilang bampira. Ang mga bampira na naniniwala sa kakayahan niya.
"Dapat lamang siyang parusahan at bilang bagong Hari! Gusto kong ipasawalang bisa ang pagiging Prinsipe niya!"galit niyang pagduduro sa prinsipe.
Nagpalit sa kulay pula ang kanyang mga mata na sinalubong niya ang galit din na mga mata ng prinsipe.
Pumainlanlang ang mababangis na singasing sa paligid mula sa mga rebelde.
Isang palakpak mula sa babaeng lobo ang pumunit sa tensyon na namumuo sa buong paligid.
Umangil siya na hinarap niya ang lobo.
"Pinaniniwalaan ng lahat ang kakayahan mo at silang lahat ay nakadepende sa kakayahan mo! Ikaw ang tagapagligtas at tagapagtanggol nila! Pero gaano niyo nga bang kakilala ang bago niyong Hari? Ha?!" baling nito sa mga bampira.
Mariin niya naikuyom ang mga palad. Panay ang pag-angil ni Maria sa tabi niya handa ng makipaglaban anuman oras.
Gaya ng ginawa niya sa prinsipe. Pangahas na dinuro siya ng lobo.
"Nilason niya ang inyong Reyna at ang inyong Hari!"pag-aakusa nito sa kanya.
" Isang pandaraya para lang makamit ang trono na minimithi ng isang sakim!"
Sa pananalita iyun nag-ugat ang kaguluhan ng society.
"Hindi magagawa iyan ng bagong Hari!" kontra ng isang bampira.
Mapait na tawa ang pinukol ng lobo rito.
"Wala kayong alam dahil wala naman kayo alam gawin kundi maghintay at umasa sa Hari niyo!"
Natahimik ang lahat at pinukulan siya ng pagdududang tingin mula sa mga ito.
Umangil siya. Alam na ng mga ito ang pinaggagawa niya.
Hindi niya akalain na matatalino pala ang traydor na ito.
"Ikaw,Alarcon...ang pumatay sa aking mga magulang!" galit na sabi sa kanya nito na kinatigil niya.
"Amalia at Emilio..."
Nang matanto ang pamilyar na mga pangalan iyun ay nanlaki ang mga mata niya.
Hindi!
"Isang Vi-Olf!!!!!" singasing niya ng matanto kung sino ang nasa harapan nilang lahat.

BINABASA MO ANG
THE LAST VI-OLF byCallmeAngge (COMPLETED)[Under Major Editing]
Vampire#Halfling #Vi-olf #Romance #family