Chapter 54

4.3K 162 4
                                    

Nanlaki ang mga mata ng Hari nang lumapit siya sa kinahihigaan nito.

"Kamusta na,mahal na Hari?" nakangising saad ni Alarcon.

Nanghihina na kumibot lang ang bibig ng Hari.

Nakakaawang pagmasdan ang Hari ngayon. Halos tuyot na ang itsura nito at maputlang-maputla  na.

"Bakit nagkakaganyan ang inyong kalagayan,mahal na Hari?"aniya.

Naningkit ang mga mata ng Hari. Kung hindi lang ito nasa kaawang-awang kalagayan paniguradong nasinghalan na siya nito sa kapangahasan niyang iyun.

Umuklo siya at bumulong sa tainga nito.

"Malapit ng mapasaakin ang trono mo,haring Cordova..."saad niya.

Naningkit lalo ang mga mata ng Hari at tumawa siya ng ubod ng lakas.

"Wala ka ng kakayahan pang maging Hari,mahal na Hari..sa kalagayan mong iyan ay nagpapakita lamang ng kahinaan sa lahat,hindi magandang tularan ng ating lahi,"panunuya niya sa Hari.

Nakita niya ang pagkuyom ng mga kamao ng Hari na ngayon ay buto't-balat na.

Nakangisi na inayos niya ang makapal na kumot ng Hari.

"Magpahinga lamang kayo at ako na ang bahala sa inyong trono at hindi rin magtatagal ay mapapasaakin din," aniya.

Pinagtawanan niya ang Hari na hirap na hirap na magsalita na.

Agad na sinalubong siya ni Maria pagkalabas niya ng silid. Agad na pumulopot sila sa isa't-isa at tila mga gutom na inangkin nila ang kanila mga labi.

"Kailangan kita,mahal na Hari," mapang-akit na usal ni Maria sa kanyang bibig.

Marahas na sinalya niya ang kasintahan sa pader at walang atubili na inangkin niya roon si Maria.

"Ohh,Ahh! Ahh! Faster! Oh! harder!" malakas na pagdaing ni Maria.

Malalakas at madidiin na ulos ang binigay niya sa kasintahan na lalo nitong kinabaliw.

Agad na binaon niya ang mga pangil sa leeg ng kasintahan at puno ng kasabikan na sumipsip roon ng sariwang dugo mula sa kasintahan.

Naikuyom ni Rando ang mga kamay. Hindi niya pa rin matanggap na balewalain ni Maria ang kanya pag-ibig rito. Ginamit lang din siya nito na lalong hindi matanggap ng kalooban niya.

Napopoot sa galit ang kanya kalooban kay Alarcon na siyang umagaw kay Maria sa kanya.

Agad na lumayo siya roon kung saan nasaksihan niya ang mainit na tagpo ng dalawa na sumira sa tiwala niya sa mga tulad nito.

Darating din ang oras na makakaganti siya sa mga ito. Ang paggamit ng mga ito sa kanya para makuha ng dalawa ang isa't-isa.

THE LAST VI-OLF byCallmeAngge (COMPLETED)[Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon