Chapter 52

4.5K 163 3
                                    

"Umalis na siya?" agad na bungad niya kay Jino ng makabalik ito.

Agad na tumango ito. "Oo," maiksi nitong sagot.

Mataman niya itong tinitigan.

"Bakit ka niya sinusundan?" bigla niyang pagtatanong.

Hindi ito kaagad nakasagot sa kanya.

"Uh,utos ng Hari..." anito.

"Nang Serafin?" aniya.

Napatingin ito sa kanya ng sambitin niya ang pangalan na iyun.

"Siya ang umaaktong Hari ngayon ,hindi ba?"

"Xania..."

"Sabihin mo nga,alam ba ng Serafin na yun na nakikipaglapit ka sa hunter na pinapahanap ng iyong ama?" tuwiran niyang saad.

Hindi ito nakasagot. Agad na kinalkula niya sa kanyang isip ang bigla pagsulpot ng lalaking iyun. Ang pagsunod nito sa Prinsipe.

Isa lang ang natanto niya. Alam na ng mga ito na magkasama sila ng prinsipe.

"Xania--"

"Sagutin mo ako,prinsipe ng mga bampira,tama ba ako ng iniisip? Alam na nila?" matigas niyang saad.

Mariin ito napapikit ng mga mata.

"Hindi ko hahayaan na masaktan ka nila,Xania...poprotektahan kita," saad nito pagkaraan.

"Hindi ko alam kung importante pa ba sayo ang sarili mong buhay,bakit ba pinapasok mo ang ganitong sitwasyon?" saad niya.

Mataman ito tumitig sa kanya.

"Dahil iyun ang gusto ng puso ko,Xania...kahit na bampira ako na walang pakiramdam may puso pa rin ako,poprotektahan ko ang mahahalaga sakin,lalo na ang minamahal ko...ikaw,Xania..."wika nito.

Hindi siya umimik. Nalulunod siya sa mga pinagsasabi ng prinsipe. Talagang mahal na mahal siya ng bampira ito.

Napukaw siya ng makitang magkadikit na sila ng binata. Kinulong nito sa pagitan ng mga palad nito ang mukha niya.

Pinaglapat ang kanila mga noo.

" Mahal kita,Xania...at gusto kong lumaban na may puso kaya sana...magawa mo akong mahalin kahit na kaaway ang tingin mo sa isang tulad ko,"puno ng pagsusumamo usal nito.

Binalot ng mainit na kamay ang kanya puso sa sinabi nito.

Ramdam na ramdam niya ang tunay na pag-ibig nito sa kanya.

Pinuno niya ng hangin ang kanyang dibdib.

"M-mahal din naman kita,Jino..." sa wakas pagbunyag niya sa totoo damdamin niya para rito.

"T-talaga? Totoong mahal mo din ako?"hindi makapaniwala saad nito.

"Oo," sunod-sunod na pagtango niya.

Puno ng kaligayahan na siniil nito ng halik ang kanyang bibig.

"Hindi mo lang alam kung gaano mo ako napasaya,Xania!"madamdamin nito saad.

Masuyo niya ito nginitian at muli nito sinakop ang kanyang bibig hanggang sa humantong muli sila mainit na pagtatalik.

" kung ganun,alamin mo kung ano plano niya sa hunter,gusto ko makasiguro na hindi niya tatraydurin ang ating lahi,"saad sa kanya ni Serafin.

"G-gagawin ko,kamahalan," saad ni Dario.

Tumawa ito. "Gusto ko yan,pero mas maganda kung mahal na Hari ang itatawag mo sakin,mahal kong alipin," mariin nitong saad sa huling salita nito.

Hindi ito nagsalita pero isang tango ang tinugon nito.

"Sige na,umalis ka na sa harapan ko at siguruduhin mo lang na hindi mo rin ako tatraydurin?"

"Opo,m...mahal na Hari," pilit nitong pagtawag ritong mahal na Hari.

THE LAST VI-OLF byCallmeAngge (COMPLETED)[Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon