"Mahal na Hari,"pagbati mula kay Maria sa Hari.
Kasulukuyan,ang Hari ay nagbababad sa ilalim ng mabulang tubig. Nakasandig sa gilid ng malaking bathtub nito.
Ang magandang si Maria na kasintahan ng kanyang tapat na utusan na si Alarcon Serapin.
Sumilay ang ngiti sa kanya mga labi na pinalapit ito sa kanya.
Hinubad nito ang suot nitong roba at agad na namangha siya sa napakaganda nitong katawan.
Alam niya na pag-aaari ito ni Alarcon pero ito mismo ang nagbigay ng motibo sa kanya at bilang Hari na inalalayan ng kahit ano ay agad na tinatanggap niya lalo na kung isang napakagandang babae katulad ni Maria.
Agad na nilukob ang Hari ng pagnanasa ng simulan nito alisin ang suot nitong roba.
Mainit sa pagnanasa ang mga mata ng Hari na sinusundan ang bawat galaw nito hanggang sa lumusong ito sa kinaroroonan niya.
Agad na nagsanib ang kanilang mga labi. Ilang saglit lang napuno ng mga daing at ungol ang buong paligid.
Samantala,napangisi naman si Alarcon habang ninanamnam ang hawak na inumin. Tahimik na pinakikinggan ang mga daing at ungol mula sa Hari at sa kanyang kasintahan na si Maria.
Sa pang-aaakit ni Maria sa Hari paniguradong mapapadali ang pagkamit niya sa hinahangad na trono. Ang maging Hari.
Ang kahinaan ng Hari ang siyang magpapaluklok sa kanya sa tagumpay.
Mataman na pinagmasdan ni Xania ang kinaroroonan ni Jino. Tahimik at nakatanaw ito sa kawalan. Nakaupo ito sa mataas na bato kung saan madalas siyang pumuwesto para panuorin ang pagsasanay ng mga kauri nito.
Nagpakawala siya ng hangin. Hindi niya matiis na hindi ito lapitan. Namalayan na lang niya umuupo na siya sa tabi nito. Agad naman siya nito nilingon na may maliit na ngiti sa mga labi.
"Handa na silang lahat para sa unang plano," untag nito.
Tumango siya at tumitig sa gwapo nitong mukha.
"Magsisimula na ang laban sa pagitan niyo ng iyong ama," anas niya sa seryosong tono.
Ngumisi ito at muli ibinaling ang atensyon sa unahan.
"Ang totoo may kaunting pag-aanlinlangan pa ko dahiL..ama ko pa rin siya..pero determinado akong putulin ang impluwensya niya na hindi naman nakakapagdulot ng kabutihan sa lahat," saad nito.
Hindi siya umimik. Ramdam na ramdam nga niya ang tunay nitong nararamdaman. Pag-aanlinlangan..excitement,determinasyon,pag-asa at pag-aalala.
Nagpakawala siya ng buntong-hininga at tumanaw sa mga nagsasanay na di kalayuan sa kanilang kinaroroonan.
Agad na napabaling siya sa Prinsipe ng kunin nito ang isa niyang kamay. Hinaplos nito ang mga daliri niya.
"Pagkatapos ng lahat na ito..isusuot ko rito ang pamana sakin ni ina," anas nito habang hinahaplos ang palasingsingan niya.
Napataas siya ng kilay sa sinabi nito.
Nag-angat ito ng tingin sa kanya. May dinukot ito sa ilalim ng suot nitong T-shirt na itim at nilabas roon ang isang kwintas na may nakasabit na...singsing?
Napaawang ang mga labi niya ng makita yun.
"Singsing ito ni ina..mula pa ito sa ninu-ninuan niya," anito sa kanya.
Simple lang ang singsing. Manipis lang iyun pero alam niyang hindi lang yung basta singsing lang.
"Magpopropose ako sayo kapag ayos na ang lahat ng ito," sigurado nitong sabi na kinapukaw niya.
"Sigurado ka bang ako ang gusto mong pagbigyan niyan?" hindi niya napigilan itanong yun.
Ngumisi naman ito sa kanya. "Makikita mo at sisiguruduhin ko hindi ka makakatanggi sakin," anito.
Inirapan na lang niya ito at tumanaw sa unahan. Pilit na kinukubli ang tunay na nararamdaman niya.
Anticipation..excitement..and..being in love.
Oh,Xania...you're fall in love now!

BINABASA MO ANG
THE LAST VI-OLF byCallmeAngge (COMPLETED)[Under Major Editing]
Vampire#Halfling #Vi-olf #Romance #family