Natigilan si Marko nang bigla bumukas ang pintuan ng kubo ni Camelia. Ibang babae ang bumungad sa kanya. Isang magandang babae na may mahabang kulay pulang buhok.
Naningkit ang malapusa nitong mga mata at isang iglap napahawak siya sa kanya leeg.
Tila may sumasakal sa kanya habang nakatingin lang sa kanya ang mga mata nitong kulay bughaw.
Hindi siya makahinga! Alam niya ang babae nasa harapan niya ang may gawa niyun sa kanya.
"Ate Lucrexia,tama na yan.." mahinahon saad ng kasintahang si Camelia.
Pero lalo siya napaigik ng humigpit pa lalo ang pagkakasakal sa leeg niya.
"Ate..." may pagtitimpi saad muli ng kasintahan.
Agad na hinitit siya ng ubo ng biglaan naman nawala ang pagkakasakal ng kung ano sa leeg niya.
Lumapit sa kanya ang nobya at tinulungan siyang haplusin ang kanya dibdib.
"Anong ginagawa ng isang bampira dito sa pamamahay mo?" matiim at mariin saad ng babae na tinawag na Ate Lucrexia ng kasintahan.
Magkapatid pala ang mga ito. Isa din white witch?!
Naningkit sa kanya muli ang mga mata nito at agad na umiwas siya ng paningin rito.
"Marko,ang Ate Lucrexia..." saad ng kasintahan.
Tumango siya pero mabilis na sumulyap lang siya sa nakakatanda kapatid nito.
Pakiramdam niya kasi sa oras na tumingin siya sa mga mata nito paniguradong may mangyayari na naman sa kanya hindi maganda at baka matuluyan na siya.
"Ate,siya si Marko..ang aking nobyo.."
"Talaga lang huh? Umibig ka sa isang bampira?," may pang-uuyam nitong saad.
Sumulyap siya sa kanya nobya. Wala ito reaksyon maliban sa pagtikwas ng isang kilay nito.
"Anong pinagkaiba natin? Umibig ka din naman sa isang tao..yun nga lang bampira ang akin.."
Parang gusto niya sawayin ang kasintahan sa pagsagot nito sa kapatid. Baka mag-away pa ang mga ito dahil sa kanya. Nakakatakot galitin ang mga witch!
"Tss,pareho kami mainit ang pakiramdam hindi tulad ng bampira yan nag-iinit ka na nga ang lamig pa niya.."
Nahigit niya ang hininga ng marinig ang sagot ng Ate Lucrexia nito.
Hindi makapaniwala sa narinig.
Nakita niya ang paniningkit ng mga mata ng kasintahan.
Agad na hinawakan niya ang braso nito para kuhanin ang atensyon nito mula sa kapatid nito.
Naulinigan niya ang pag-ismid ng kapatod nito at nawala na lang ito basta sa harapan nila.
"Ayos ka na ba?" agad na turan ng kasintahan sa kanya na tila wala nangyari sagutan sa pagitan ng nakakatandang kapatid nito.
"I'm fine now..nabigla lang ako..hindi ko inaasahan na nandirito ang kapatid mo.." mangha niya saad.
Tumango ang kasintahan at tila may kakaiba rito.
"What's wrong?"
Bumuga ito ng hangin.
"Wala naman..namiss kita," anito at agad na sinakop ang kanya mga labi.
Alright,namiss niya rin ito kaya siya naroroon ay para magkasama muli sila.
BINABASA MO ANG
THE LAST VI-OLF byCallmeAngge (COMPLETED)[Under Major Editing]
Vampire#Halfling #Vi-olf #Romance #family