Caswell Palace
"Anong ibig mong sabihin?!" malagom na bulalas ni Cordoba,ang Hari ng mga lahing bampira. Ang pinakamalakas at pinakamakapangyarihan sa lahat ng mga bampira sa buong mundo.
"Mahal na Hari,may isang nilalang na pumapaslang sa ating mga kalahing bampira..." nakatukod na pagsagot ng kanya alagad na bampira.
"Sino?!"singhal ng Hari rito
Isang bampira ang lumapit sa tabi ng kausap ng Hari,kita sa maputla nitong mukha ang pagkabahala.
Humarap ang Hari sa bampira.
"Sino siya?"pag-ulit niyang sa tanong iyun.
" Mahal na Hari,isang ...isang babae..s-sa tingin ko isa siyang hunter ng mga bampira..."may tono na pagkatakot na saad ng lalake.
Naningkit ang mga mata ng Hari. Ang kulay abo nitong mga mata ay napalitan ng kulay itim na mata at ang paglitaw ng matulis na mga pangil nito. Inabot ang leeg ng unang bampira kausap at nagpapalag ito sa takot.
"M-mahal na Hari.." nanginginig na saad ng bampira.
"Sabihin mo,bakit niya pinapatay ang mga bampira? Isa ba siyang lobo?"saad ni Cordoba sa paraan na kahit sino ay manginginig sa klase ng pagtatanong niya.
May kaakibat iyun na gusto niya ng tamang sagot.
" H-Hindi ko po alam ang pakay niya sa pagpatay sa mga kalahi natin..p-pero isa siyang lobo..naamoy ko siya mula sa pinagkukublihan ko,"kanda-utal na pagsagot ng bampira.
Umangil ang Hari at malakas na binalibag ang kaawang-awang bampira na malakas na tumama sa pader na nasa dulong bahagi ng palasyo. Lumikha ng pagkasira ng pader sa lakas ng pagtama roon ng kaawang-awang alipin.
"Lobo! Isang lapastangan na lobo! Mukhang may gustong humamon sa isang Hari tulad ko! Puwes,humanda siya! Pananagutan niya ang pagpatay niya sa mga bampira!"nangngangalit na bulalas ng Hari .
"Tawagan mo si Alarcon at sabihin mong hanapin niya ang Hunter na yun at dalhin sakin ng buhay!!"utos niya sa pangalawang alagad.
"Agad na masusunod,mahal na Hari!"mabilis na pagtalima nito.
Mariin na ikinuyom niya ang mga palad.
Hindi niya hahayaan na maubos ng lobong hunter na iyun ang kanya lahi!
Mananagot ang lobong iyun sa kanya!
" Totoo nga ang nabalitaan ko,"may pagkabahala saad ng lalaking bampira na siyang alalay ng anak ni Haring Cordoba na si Prince Gino.
Gumuhit ang isang ngiti sa mga labi ng prinsipe sa balitang iyun. Mula sa malawak na silid niya ay narinig niya ang kanya amang Hari ng sabihin ng mga alagad nito ang tungkol sa hunter.
Inabot niya ang kanya kulay itim na kapa at isinuot iyun.
"Saan ka pupunta,mahal na Prinsipe?" agad na pagtatanong ni Dario.
"Hahanapin ko ang Hunter na iyun at pasasalamatan.." nakangisi niyang sagot rito.
Nanlaki ang mga mata nito sa sinabi niya.
"Nagagalak ka na may isang lobo na umuubos sa ating lahi?!" gilalas nitong saad.
Sumeryoso ang kanyang anyo.
"Alam mong hindi ko gusto ang pamamalakad ng ating Hari sa mundong ito. Gusto niya sakupin ang mundong ito.." mariin niyang saad.
"Pero hindi ba kayo nangangamba na baka magalit sa inyo ang Hari sa gagawin niyong iyan?"may pangamba nitong sabi.
"Sakim siya sa kapangyarihan at pinagpapasalamat ko na hindi ko iyun namana sa kanya,"saad niya rito.
" Mahal na prinsipe! Bumalik kayo bago ang hapunan!"malakas na saad ng alalay niya ng talikuran na niya ito.
Malaya siya na nakakapunta sa kung saan-saan. Kaya malaya niya nagagawa ang lahat.
Uunahan niya ang Alarcon na iyun na mahanap ang sinasabing isang lobo na pumapatay ng mga bampira.
Nais na niya matapos ang pamumuno ng kanya ama sa mga lahing bampira.
Sa ngayon ang magagawa niya ay pigilan ang kasakiman at kasamaan ng kanya ama.
Kung kinakailangan kalabanin niya ang ama gagawin niya, mabigyan lamang ng hustisya ang mga taong nabibitikma ng mga ito.
Tutuparin niya ang pangako niya sa kanya inang Reyna niya.
"Gawin mo ang lahat ng makakaya mo anak para matapos ang kasamaan ng iyong ama at mapalaganap na ang katahimikan ng iba pang bampira na napipilitan lang na maging masama sa mata ng lahat..anak,lahat tayo ay gusto ng katiwasayan at katahimikan na mabuhay sa mundong ito na kailanman ay hindi magiging atin..."
BINABASA MO ANG
THE LAST VI-OLF byCallmeAngge (COMPLETED)[Under Major Editing]
Vampire#Halfling #Vi-olf #Romance #family