Tinaasan niya ng kilay ang kaibigan si Marko habang pangisi-ngisi ito sa kanya. Kahit hindi nito sabihin alam niyang nanunukso ito. Magkasama sila ni Jino na dumating sa hide out na kung saan naroroon ang mga bampira na napapayag ng Prinsipe na umanib rito.
"Stop grinning before I'll kill you and this time tutuluyan na kita," pagbabanta niya rito pero alam nitong hindi niya totohanin iyun base sa pagtawa na nito.
Nagtaas ito ng mga kamay na tila sumusuko. Muli itong ngumisi sa kanya. "Alam kong mahal mo si Camelia para saktan mo siya at di mo gagawin yan sakin," anito na binuntutan pa ng pagkindat sa kanya.
Napailing na lang siya rito at hindi na pinatulan pa ang panunukso nito. Hinayon ng mga mata niya ang kinaroroonan ng Prinsipe. Abala ito sa pakikipag-usap sa mga ka-alyansa nito at panakang-naka na sinusulyapan siya ng lahat.
May nagpupukol ng matalim na tingin,pagtataka,pagkamangha at pagdududa.
Napabuga ba lang siya ng hangin. Tama nga ba ang desisyon niya na umanib sa mga ito na hindi naman niya kauri? Base sa mga reaksyon ng mga ito hindi basta ang mga ito magtitiwala sa kakayahan niya.
Pero,Xania..si Jino ang pinuno nila,ang prinsipe nila. Wala silang magagawa kundi sundin ito at sino gustuhin ng Prinsipe..agad na saad ng isip niya.
"Batas sa kanilang lahat ang kahit anong sabihin at desisyon ni Prinsipe Jino kaya wala kang dapat ipag-aalala walang sinuman sa kanila ang mangangahas na kontrahin ka na umanib rito..saka ang Prinsipe naman ang naghabol sayo eh," untag ni Marko at may panunukso pa rin sa huli.
Bumaling siya rito. "Kung hindi nila ako matatanggap walang problema sakin..kaya kong ubusin ang lahi niyo," saad niya na puno ng kumpiyansa ngayon alam na niya kung ano ang tunay na kaya niyang gawin.
"Hindi naman hahayaan ni Prinsipe Jino na mabalewala ang lahat..hindi naging madali sa kanya ang makuha ang tiwala mo," anang ni Marko sa seryoso ng anyo.
"Xania.."
Agad na napalingon siya ng tawagin siya ng Prinsipe na may ngiti sa mga labi.
"Ipakikilala kita sa kanilang lahat," anito sabay lahad ng palad nito sa kanya.
Agad na pinukulan niya ng babalang tingin ang kaibigan sa tangka nitong panunukso sa ginawa ng Prinsipe nito.
Umiiling na nilagpasan niya ang Prinsipe at hinayon ang kinaroroonan ng mga bampira na nakatingin sa kanya.
"PDA agad,Mahal na Prinsipe,"narinig niyang sabi ni Marko na kinatawa lang ng huli.
Nakahalukipkip ang mga braso niya at matapang na hinarap ang mga bampira.
"Makinig kayong lahat..Siya si Xania..ang bagong kaanib natin para sa ating pinaglalaban!" anunsiyo ni Jino.
Namamanghang sinulyapan niya ito dahil sa pagiging maawtoridad nito sa lahat.
A good but dominant leader! Prince of dominant!
"Isang lobo," mapang-uyam na saad ng isang bampira.
Agad na tinitigan niya ito. Base sa hitsura nito alam niyang marami na itong pinagdaanan sa pakikipaglaban.
"Rodelio.." may babalang untag ni Jino rito. Pero agad na yumukod ang lalaki.
Napangiti siya. Sa kabila ng kapangahasan nito agad na tumiklop ito sa harapan ng prinsipe ng mga ito.
"Ipagpaumanhin niyo,mahal na Prinsipe..isa siyang lobo. Paano tayo makakasiguro na makakatulong siya satin?"may pagdududa nitong saad.
Tumitig sa kanya ang matapang na mga mata nito.
Bago pa man makasagot si Jino inunahan na niya ito.
" Ayos lang sakin na pagdudahan niyo ang kakayahan ko pero.."aniya at bumaling kay Jino na nakatitig sa kanya masasalamin sa mga mata nito ang paghingi ng paumanhim sa inasal ng isa sa mga kasamahan nito. "..hindi ako nandito para iplease kayong lahat..gaya niyo may pinaglalaban din ako," saad niya at muling bumaling sa lahat na bampira na naroroon.
Tahimik ang lahat at hindi na umimik pa si Rodelio.
"Kinagagalak ko kayong makilala lahat," aniya sa seryosong tono.
Bumaling siya sa Prinsipe.
"Kailangan kita,Xania..ang tiwala mo..at ikaw," matiim nitong saad sa kanya balewala na marinig iyun ng lahat at bigyan ng ibang kahulugan.
Tinitigan lang niya ang mga mata nito. Hindi na niya kailangan iparinig pa rito ang sasabihin niya. Alam nitong hindi magbabago ang desisyon niya na umanib sa alyansa nito at dahil na rin sa personal na bagay na namamagitan sa kanila.
Inabot nito ang isa niyang kamay at masuyong pumisil sa palad niya.
To give her assurance na hindi niya pagsisihan ang naging desisyon niya.
BINABASA MO ANG
THE LAST VI-OLF byCallmeAngge (COMPLETED)[Under Major Editing]
Vampir#Halfling #Vi-olf #Romance #family