Chapter 29

4.9K 179 1
                                    

Sa ilang gabi na hinarap niya ang ang pagiging Vi-olf niya masasabi niyang napatagumpayan niya iovercome ang pagbabago niyang iyun.

Mataman niya pinagmasdan ang isa niyang kamay at ilang saglit lang ay bigla sumulpot ang mahahaba niyang kuko na madampian lang nakakasugat na.

Muli niya ibinalik sa dating anyo ang kanya mga kuko.

"Mukhang mabilis mong napag-aralan ang pagiging Vi-olf mo?"pukaw sa kanya ni Lucrexia.

Ang nakakatandang kapatid ni Camelia. Nagkakilala sila nito ng minsan naabutan niya itong binisita nito si Camelia.

Napatingin siya rito. Wala pa rin pagbabago sa maganda at batang nitong mukha.

Kung hindi lamang ito witch malamang kasingkulubot na ng ampalaya ang mga balat nito sa sobrang katandaan.

" Anong alam mo tungkol sa isang Vi-olf?"agad na pagtatanong niya rito.

Umupo ito sa may harapan niya.

"Nababasa ko lang sa isang lumang libro na may ilang din naging kopya kaya hindi lamang ako ang nakakaalam ng tungkol sa existing niyo.." tugon nito.

"Sa tingin mo,bakit ngayon lang nangyari sakin ito?" pagtatanong niya.

Mataman siya nito ng tiningnan.

"Umiibig ka ba sa isang bampira?"deretsahan nitong saad.

Natigilan siya sa sinabi nito. Napaawang ang kanya mga labi.

"Anong ibig mo sabihin?" deretso niya sagot rito.

"Ayon sa nabasa ko,lalabas lamang ang pagiging Vi-olf ng isang tulad mo sa oras na matrigger ka sa isang bagay..alam natin pareho bunga  ka ng pag-iibigan ng isang lobo at bampira.." matiim nito sabi.

Hindi siya nakaimik.

Naningkit ang malapusa nitong mga mata. "Alam ko kaya wag muna itanggi.."

Hindi siya sumagot,itatanggi pa ba niya? Eh nahuli na siya nito.

Umiibig? Iyun ba ang tamang salita sa pagkakaroon niya ng ugnayan sa prinsipe ng mga bampira iyun?

Naikuyom niya ang mga palad.

"Mabuti ba yun o masama?" matiim niya sabi.

Nagkibit ito ng balikat. "Ang mahalaga kontrolado mo ang pagiging Vi-olf mo,Xania..alam kong sa kabutihan at sa tama mo lang gagamitin iyan.." anito.

"At ang tungkol naman sa pag-ibig mo para sa isang bampira?...ikaw lang ang nakakaalam kung saan kayo hahantong,Xania.."dugtong nito.

" Pero sana ingatan mo pa rin ang iyung sarili dahil sa oras na malaman ng Hari ng mga bampira na may nabubuhay isang tulad mo,alam mong hindi siya magdadalawang-isip na ipapatay ka.."

"Alam ko,salamat sa paalala.." aniya.

Bumukas ang pintuan ng kuwadra. Pumasok si Camelia na may bitbit na isang basket.

"Umalis na ba ang nobyo mong yelo?"

Naguguluhan napatingin siya kay Lucrexia.

Sumimangot si Camelia rito.

"Marko ang pangalan niya kaya wag mong baguhin ng kung ano-ano.." anito at padarag na nilalapag ang pagkain na dala nito.

"Talaga? Nandito pala siya.."pukaw niya kay Camelia.

"Kakaalis lang niya.."baling nito sa kanya.

"Infairness,magaling siya ,sarap ng ungol mo eh," pang-aasar ng matandang kapatid nito.

Agad na pinakita niya sa mga ito ang pagbabago ng kuko niya para pigilan ang pagsisimula ng away ng mga ito.

"Kumain ka na kahapon pa ang huling kain mo.." anang ni Lucrexia.

THE LAST VI-OLF byCallmeAngge (COMPLETED)[Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon