Agad na naging alerto si Xania ng bigla nagsisulputan ang mga bampira na handa ng makipagsagupaan. Mabilis pa sa alas kwarto na nagsitakbuhan ang mga bampira na nakapalibot sa kanila kanina ng sabihin ni Alarcon ang pagiging Vi-Olf niya.
Ganyan nga,matakot kayo sa isang tulad ko!
"Hindi ka dapat mabuhay! Patayin siya!!!!!"sigaw ni Alarcon sa mga bampira.
" Xania..."si Jino.
Walang emosyon na nilingon niya ito.
"Lumaban ka para sa inyong prinsipyo...ako,lalaban ako para sa hustisya ng aking mga magulang.." saad niya rito.
Puno ng pagmamahal na pinakatitigan siya ng prinsipe. Hindi siya nakareak ng bigla nitong angkinin ang kanyang mga labi.
"Mahal na mahal kita,Xania..." madamdamin nitong saad.
Nabalot ng mga angil at singasing ang buong paligid.
Mabilis na hinanap niya si Alarcon na nakita niyang mabilis na tumakas kasama ang isang babae.
Hindi niya hahayaan na hindi siya magkaharap ng Alarcon na iyun. Ito na ang tamang panahon upang mabigyan ng hustisya ang kanyang mga magulang at ang kanyang mga katribu.
"Xania!" si Camelia.
"Mag-iingat ka...pakiusap,hindi dito natatapos ang lahat," puno ng pag-aalala nitong sabi.
Tumango siya rito bago siya nawala sa harapan nito.
Walang pag-aalinlangan na pinapatay niya ang mga bampira na lumalapastangan sa kanya bilang prinsipe ng mga ito. Ito ang digmaan na matagal na nilang inaasam. Kalayaan at katahimikan na inaasam nila.
Puno pa rin siya ng pag-aalala para kay Xania. Gustong-gusto niya ito samahan sa pakikipaglaban kay Alarcon pero nangako siya na hahayaan niya ito sa gusto nito.
Isang angil ang umalpas sa kanyang bibig ng maging abo ang bampira na tangkang lalapit sa kanya. Inilibot niya ang paningin sa mga kasamahan niya. Mahusay na nakikipaglaban ito sa mga kalahi nito na alagad ni Alarcon. Lamang sila dahil sa armas na kanilang bitbit.
"Mahal na prinsipe,sundan mo si Xania...kami na bahala dito!" si Marko.
"Sundan mo na siya,mananagot ka sakin sa oras na hindi siya makabalik sa amin!" si Camelia.
Puno ng konbiksyon na tinanguan niya ang mga ito.
Nagkakagulo pa rin ang paligid na hinanap niya si Xania.
Hintayin mo ako,Xania...hindi ko matutupad ang pangako ko sayo na hindi ka pakikielaman pero...ayoko..ayokong mawala ka sakin ng ganun-ganun lang.
Sa nagyeyelong paligid ay agad na natanaw niya ang papatakas na si Alarcon at ang babae. Ngunit bago pa man sya makakilos nakita na niya ang paglapit ni Rando sa mga ito.
Naningkit ang mga mata niya.
"Mga duwag!!!" sigaw ni Rando sa papatakas na sina Alarcon at Maria.
Agad na napatigil ang mga ito.
"Rando! Ikaw pala," nakangisi turan ni Alarcon.
Sinulyapan niya si Maria na malamig lang na nakatitig sa kanya.
"Kinagagalak ko na makita kang muli,mahal na kaibigan!" sarcastic na saad ni Alarcon.
Mariin niya ikinuyom ang mga palad.
"Mga traydor na kaibigan," tiim-bagang niya saad.
Puno ng sarkasmo na tumawa si Alarcon. Inakbayan nito si Maria at lumingkis naman agad dito si Maria.
Isang masakit na alaala na ginamit lamang siya ng mga ito para sa pansariling pagnanasa.
"Batid kong hindi mo pa lubusan matanggap na ginamit ka lamang ni Maria para mapalapit sakin at kaibig-ibig naman tunay itong si Maria na dating iyung pinakamamahal na kasintahan!"
Umangil siya sa sinabi nito lalo nadagdagan ang poot sa dibdib niya ng makita ngumisi sa kanya si Maria.
Tuluyan ng nabura ang pag-ibig niya para sa babaeng bampira.
"Gaya pa rin ng dati,Rando...isang uto-uto!"uyam sa kanya ni Maria.
"Magsama kayo! Sa kamatayan!" sigaw niya sa mga ito na sinabayan niya ng pagsugod bitbit ang armas niyang espada na gawa sa silver.
Mabilis na naghiwalay ang dalawa at hinarap niya si Alarcon. Dahil isang mandirigma pareho naging patas ng unang pagtatapat nila.
Pareho sila tumalsik sa pagbabangaan nila. Tumalsik ang espada hawak niya. Natabunan agad iyun ng makapal na nyebe.
"Oras na para bawiin ko sa inyo ang sinira niyo sakin!" angil niya at muling sumugod.
Nagsalpukan sila sa ere at pareho sila bumulusok sa pababa hanggang sa pagtulungan na siya ng dalawa.
Nadaganan siya ng mga ito. Hawak ni Maria ang kanyang mga braso sa ulunan niya at nasa ibabaw niya si Alarcon.Alam niya sa pagkakataon ito talo na siya.
Isang ngisi ang gumuhit sa mga labi ng mga ito sa pagkatalo niya.
"Paalam,mahal na kaibigan!" si Alarcon.
Ngunit bigla na lamang tumalsik si Alarcon.
Si Xania.
Nanlilisik ang kakaiba nitong mga mata. Ang mga mata ng isang Vi-Olf!
"Sa akin si Alarcon.." anito at sumulyap kay Maria na hindi nakagalaw sa ulunan niya.
"Sayo ang babae na yan na sumira sayo pagkatao.," anito.

BINABASA MO ANG
THE LAST VI-OLF byCallmeAngge (COMPLETED)[Under Major Editing]
Vampir#Halfling #Vi-olf #Romance #family