"Ina,bakit po?"puno nang pangamba saad ng pitong taon gulang na batang babae sa kanya ina habang patungo sila sa silong ng kanilang bahay.
" Anak,makinig ka.."lumuhod ang ina sa harapan niya nang marating nila ang silong.
"Mahal na mahal ka namin ng iyong ama..kahit anong mangyari wag na wag kang lalabas dito..naiintindihan mo?"
"Ina..."
"Lagi mong tatandaan mahal na mahal ka namin ng ama mo.." naluluhang saad ng kanya ina at mariin na hinalikan siya sa kanya noo.
"Ina..." usal ng batang babae habang nakatingin sa ina na nakangiti sa kanya.
Tumulo ang kanya mga luha ng iwan na siya ng ina roon. Napaigtad siya ng marinig niya ang malakas na ingay na nagmumula sa itaas bahagi ng silong.
Nanlalaki ang mga mata na sumilip siya sa maliit na siwang ng sahig na kahit sino hindi siya makikita. Nakita niya ang mga lalaki na kausap ng kanyang ama.
Napatakip siya sa kanya mga bibig ng marinig ang mga sinasabi ng lalaki na may kulay puting buhok. Kilala nito ang kanya ama at naaamoy niya na isa itong bampira na gaya ng kanya ama.
Hindi! Ina! ama!
Kitang-kita niya kung paano patayin ng mga ito ang kanya ina at ama. Umagos ang dugo ng kanya mga magulang sa siwang at tumulo yun sa kanya.

BINABASA MO ANG
THE LAST VI-OLF byCallmeAngge (COMPLETED)[Under Major Editing]
مصاص دماء#Halfling #Vi-olf #Romance #family