Chapter 16

5.4K 187 2
                                    

Hindi mawala-wala ang ngisi sa mga labi ni Jino pagkaraan ng may pagka-intense na paghaharap nila ng babaeng lobo na si Xania.

"Batid ko na hindi na ata mawala yang kakaibang ngisi na yan,Mahal na prinsipe?" untag sa kanya ni Marko.

Kasulukuyan sila nasa opisina na nito sa pag-aari nitong bar.

"Hindi ko akalain na kaibigan mo pala ang hunter na yun?"aniya at agad naramdaman muli ang inggit...at selos mula rito.

Napakamot ito sa batok sa pagkapahiya. Alam niyang batid nito ang nararamdaman niyang iyun.

"Paumanhin,mahal na Prinsipe,hindi ko agad nasabi sa inyo,saka hindi ko akalain na matatagpuan niyo siya kaagad ng ganun kadali,"tugon nito sa kanya.

Kung ganun kilalang-kilala nga nito si Xania base sa huli nitong sinabi.

"Kung ganun,gaano na katagal niyo na kilala ang isa't-isa?" pang-uusisa niya.

"Maraming taon na rin,Mahal na Prinsipe...siguro kung hindi lamang siya naawa sakin malamang wala ako sa inyong harapan ngayon," nakangisi nito turan.

"Ang ibig mo bang sabihin,muntik ka na niyang mapatay?"mangha niyang saad.

Tumango ito.

"Tama..nahuli niya ko may binibiktima ako noon ng mga panahon na hindi ko pa kontrol ang aking sarili mula sa pagkasabik sa sariwang dugo ng mga tao.."pagkukwento nito.

"Paano ka nabubuhay ngayon?" usisa niya. Alam niyang isa ito sa mga bloodsucker na walang pakundangan makapangbiktima ng mga tao . Ngayon lang niya naitanong yun dahil hindi naman siya nakikielam sa kung paano ang mga ito nakakasurvive.

Unless na lamang kung gaya niya sa mga hayop din na tahimik na naninirahan sa kagubatan ang pinagkukunan nito.

Ngumiti ito. Isang ngiti na puno ng pagkamangha sa isang bagay.

Huwag lamang na may malalim pa itong pagkakaugnay sa babaeng lobong iyun dahiL hindi niya magugustuhan taLaga.

"May isang magandang babae na tumutulong sakin ngayon,siya ang dahilan kung bakit kailanman ay hindi na ko tumikim pa ng dugo mula sa mga tao.."usal nito na mahihimigan ang labis na paghanga para sa babaeng tinutukoy nito.

"Isang magandang babae? Hmm..ang lobong ba iyun?"aniya na may kaakibat na huwag itong magkakamali sa sagot nito.

Namamanghang umangat ang isang sulok ng mga labi nito saka nagpakawala ng mahinang tawa.

"Hindi,mahal na Prinsipe..iba ang tinutukoy ko,naging daan si Xania para magtagpo ang landas namin ng babaeng tinutukoy ko,"mapanudyo nitong ngisi sa kanya.

" Mabuti kung ganun.."aniya na hindi na ikinaila pa rito ang tunay na damdamin niya para sa kaibigan nito.

"Sa akin lang siya.."walang pasubaling usal niya rito.

Natigilan ito sandali. Tila bang hindi nito aakalain na seryoso siya sa babaeng lobong iyun.

"Sigurado kayo,mahal na Prinsipe?"untag nitong pagkaraan.

Nginisihan niya ito. Gusto niya ang babaeng lobong iyun at batid nila ng lobong iyun ang kakaibang sensasyon na naramdaman nila sa isa't-isa. May kung anong mahiwagang koneksyon sila ng babaeng lobo. Isang mainit at umaalab na koneksyon.

"Hindi isang alamat na magkagustuhan ang isang bampira sa isang lobo,Marko. Kung mangyayari man sigurado ako kami ni Xania ang muling magpapatunay niyun.." nakangisi niyang saad.

Napamaang ito. "Kaya ba ganun na lang kadali sayo na ipagkanulo si Alarcon kay Xania? Alam niyo bang malaki ang kasalanan ng Alarcon na yun kay Xania,mahal na prinsipe? Saka hindi ba naging mabuti si Alarcon sa inyo ? Iyun ang pagkakatanda ko sa naikwento niyo sakin,"anito na lalong hindi makapaniwala sa naging kasunduan nila ng kaibigan nito.

Naikuyom niya ang mga palad.

Oo, naging pangalawa ama na sa kanya si Alarcon. Pero may dahilan ang babaeng lobo at may dahilan din siya para ipagkanulo ito sa dalaga.

" Gaanong kalaking kasalanan ang nagawa ni Alarcon sa kanya?"pagtatanong niya rito. Hindi niya naitanong iyun sa babaeng lobo. Pero nakita niya ang poot at galit sa mga mata ni Xania ng banggitin nito ang pangalan ni Alarcon.

"Pinatay niya ang mga magulang ni Xania,"pagsagot nito na ikinakuyom ng mga palad niya.

Alam niya at naging saksi din siya ng kalupitan ni Alarcon sa lahat. Pero may pagkakataon na naging malapit siya rito pero hindi niya aakalain na ganun kasama ang huli.

"Kung ganun,ibibigay ko sa kanya ang hustisya na matagal na niyang gustong makuha," aniya na buo ang desisyon na ipagkanulo ang kanang-kamay ng kanyang amang Hari.

Alam niyang pagtatraydor yun sa sarili niyang lahi pero..ang kasamaan ay laging may hangganan.

THE LAST VI-OLF byCallmeAngge (COMPLETED)[Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon