"Anong sabi mo?" untag niya ng sabihin ni Camelia kung anong klase likido ang nasa loob ng botelya na napulot niya.
"Isang lason ang likido laman ng botelya,"ulit ni Camelia.
Hindi makapaniwala na napatitig siya sa botelya. Posible kaya na nilalason ang Hari?!
"Posibleng nilalason ang Hari nila," sawika ni Camelia sa kanyang iniisip.
Naikuyom niya ang mga palad. Paniguradong hindi magugustuhan ni Jino sa oras na malaman nito na nilalason ang ama nito.
Pero sino? Si Serafin ba?
"May panglunas ba sa lason na ito?" seryoso niyang saad rito.
"Matatagalan bago ako makagawa ng gamot para dyan,Xania..." tugon nito.
Hindi aabot baka patay na ang Hari bago makagawa ang kaibigan ng gamot.
"Pero may palagay ako na makakatulong ang dugo ng isang lobo na may dugong babaylan ang makakagamot sa Hari," saad nito.
Napatingin siya rito. "Dugo ng isang lobo?"
"Oo,gawa ang likido na yan sa silver ang kahinaan ng lahat pero makakatulong ang dugo ng isang lobo babaylan na maibalik ang natutuyong dugo ng nakainom niyan," anito.
Isa lang ang naisip niyang may dugong babaylan na lobo.
Ang kanyang Lolo Dilo.
"Si Lolo Dilo," usal niya.
"Sigurado ka bang papayag ang Lolo Dilo mo na tulungan niya ang Hari ng mga bampira? Kalaban ang tingin ng Lolo mo sa Hari," saad nito.
Naikuyom niya ang mga palad. Nakalimutan niya. Mortal na kaaway ang turing ng kanyang Lolo Dilo sa Hari dahil sa pagkamatay ng kanyang mga magulang at sa iba pang lahing lobo.
"Susubukan ko," aniya.
Tumango na lamang ang kaibigan at sumama sa kanya sa pag-akyat ng bundok.
Ngunit gayun na lamang ang hilakbot ni Xania ng madatnan ang tribo ng kanyang Lolo Dilo.
"Anong nangyari?!" pagtatanong niya sa mga lobo na abala sa pagtulong sa sugatan mga lobo. May ilang din na wala ng buhay.
"Mga..mga bampira,napasok nila ang tribo,maraming namatay satin!" nagdadalamhating saad ng babaeng lobo.
Hindi makapaniwalang inilibot niya ang paningin sa wasak na paligid.
"S-si Lolo Dilo?"
"N-nasa kubo,m-malubha ang tinamo niyang sugat," sagot muli nito.
Nagmamadaling tinungo niya ang kubo ng Lolo Dilo niya at tila natuyuan siya ng dugo ng makita ang kalagayan ng matandang lobo.
"L-lolo Dilo..." nanginginig na saad niya.
Agad na binigyan sya ng espasyo ng gumagamot sa kanya Lolo Dilo.
Mahigpit na hinawakan niya ang kamay nito.
"H-hindi Lolo Dilo,paano nangyari ito?!"
"A-apo..i-ikaw ba yan?"
Nangingilid ang mga luha na tumango-tango siya.
"Ako po ito,Lolo Dilo.." nanginginig niyang saad.
Agad na ginamitan ni Camelia ng mahika ang mga sugat ng matandang lobo.
"Anong nangyari? Bakit tayo pinasok ng mga bampira dito?"
Umubo ito. "A-apo..S-si Alarcon.. Hinahanap ka niya..s-siya ang may gawa ng lahat ng ito..."hirap na saad ng kanyang Lolo Dilo.
Nanigas siya at nilukob ng galit ang buo niyang pagkatao ng marinig ang pangalan na iyun.
Alarcon,magbabayad ka!
BINABASA MO ANG
THE LAST VI-OLF byCallmeAngge (COMPLETED)[Under Major Editing]
Vampire#Halfling #Vi-olf #Romance #family