Maingat na bumangon si Xania. Bahagyang gumalaw ang natutulog na si Jino. Binalot niya ng kumot ang kanyang kahubdan. Nakailang beses din nila inangkin sa gabing iyun ang isa't-isa pagkatapos ng kanila komprontahan.
Pinakatitigan niya ito. Bakas sa maputla nitong mukha ang bigat ng problema nito. Kanina,nakita niya ang pag-aalala at pagkabahala habang sinasabi nito sa kanya ang tungkol sa ama nito..sa nangyari sa alalay nito. Pero may kung ano pang hindi ito sinasabi sa kanya. Ramdam na ramdam niya iyun.
Pero agad din nawala ang galit niya rito kanina ng makita niya nasa ganun anyo ang binata. Napabuga siya ng hangin. Tuluyan na siyang nahulog sa bampirang ito.
Tinungo niya ang balkonahe sa silid niya. Maliwanag ang buwan at bilog na bilog iyun. Nakatitig siya roon hanggang sa makaramdam siya ng ibang presensya mula sa kung saan.
Sigurado siyang isa iyung bampira. Hindi na siya titigilan ng mga ito ngayon natunton na ng mga ito kung saan siya matatagpuan. Kalmante siyang bumalik sa loob ng silid niya. Sinara niya ang sliding door at agad na nagsuot siya ng damit.
Maya-maya pa ay maingat na tumore siya sa kanyang bubongan. Buong talas niyang pinakiramdam ang buong paligid.
Agad natuon ang pansin niya sa paggalaw bng sanga sa kanan bahagi niya. Agad na lumundag siya roon at buong liksi na hinagilap niya ang bampira na naroroon.
Gotcha! Hawak-hawak na niya ito sa leeg. Nilabas niya ang matutulis niyang kuko at tangka na niya iyun itatarak sa leeg ng bampira ng magsalita ito.
"Huwag! Pakiusap! A-aalalay ako ng prinsipe!"nagnginginig nitong saad.
Saglit siyang nag-isip pero baka pinaglalaruan lang siya nito.
"M-maniwala ka! K-kung gusto mo kausapin mo siya! Dario! Dario ang aking ngalan!"
Agad na binalik niya sa dati ang kanyang anyo. Madilim naman at sigurado siya hindi nito nakita ang pagbabago sa kanya.
"Anong ginagawa mo dito?" mariin niyang usal sa tapat ng tainga nito. Nanatili nakasakal ang braso niya sa leeg nito.
Doon lang niya natantong hindi malansa ang amoy nito. Hindi ito bloodsucker.
"G-gusto ko lang matiyak na..n-nasa maayos na kalagayan ang Prinsipe! Nababahala ako dahil hindi na ang Hari ang nakaupo sa trono niya ngayon baka may gawin masama sa kanya si Serafin!"may takot sa boses nitong saad. Takot para sa prinsipe nito.
" Serafin? Ang tauhan ng Hari na siyang umaaktong Hari ngayon?"aniya.
Sunod-sunod itong tumango.
"O-oo!"
Binitawan niya ang leeg nito. Ngunit nanatiling alerto siya.
"H-hindi kita kaya,pangako! Ayaw ko pang mamatay," natatakot nitong sabi na bahagyang umatras palayo sa kanya.
Malamig niya itong tinitigan.
"T-totoo ngang magkasama kayo ng prinsipe,alam ni Serafin ang tungkol sa pagkakalapit niya sayo," anito.
"Alam mo bang mainit ang mata sayo ni Serafin at ng Hari? At ang pri--"
"Dario!" pagsulpot bigla ng prinsipe.
"Mahal na prinsipe!" agaran na pagbibigay ng pugay nito para sa prinsipe.
Seryoso ito tumitig sa alalay at bumaling sa kanya pagkaraan.
"Pwede bang kausapin ko muna siya,sinuway niya ko," magaan na saad nito sa kanya.
Tumango naman siya. Gusto nitong iwan niya ang mga ito.
Muli niyang sinulyapan ang lalaking bampira na Dario nga ang pangalan mabilis na pumasok siya sa kanyang kabahayan.
May sinasabi ito na hindi na natuloy dahil sa biglang pagdating ni Jino.
Nakukuha na niyun ang atensyon niya. May isang bagay talaga na dapat niyang malaman na tila tinatago iyun sa kanya ng Prinsipe.
BINABASA MO ANG
THE LAST VI-OLF byCallmeAngge (COMPLETED)[Under Major Editing]
Vampire#Halfling #Vi-olf #Romance #family