Gusto niyang matimbang ang magiging desisyon niya na ipagkanulo si Alarcon kay Xania;na tinuturing na kalaban ng kanilang lahi. Ayaw niyang magpadalos-dalos ng dahil lang sa may nararamdaman siya para sa babaeng lobo. Unfair iyun kung minsan tinuring niyang ama si Alarcon.
Mariin niyang ikinuyom ang mga palad niya habang nakatanaw sa isang malaking bahay kung saan doon nanunuluyan si Alarcon.
Agad na tumungo siya ng Estados Unidos para kausapin ito.Gusto niyang makakuha ng inpormasyon kung kilala nito ang magulang ng dalaga. Hindi man derektang kilala kahit papaano baka matandaan nito.
Hindi na siyang nag-abalang kumatok pa at agad naman siyang nakita ni Alarcon kasama ang nobya nitong si Maria.
Kasulukuyan ang mga ito bumababa sa mahabang hagdanan ng bahay nito.
"Mahal na prinsipe! Hindi ko inaasahan ang iyong pagbisita sa aking tahanan?!"nagagalak na pagbati ni Alarcon sa kanya.
Isang pagtango lang ang kanyang naging tugon rito.
"Anong maipaglilingkod ko sayo,mahal na prinsipe?" nakangiti nitong sabi.
"Wala naman,napadaan lang ako mula sa pagbisita ko sa kompanya.."pagdadahilan niya.
"Natutuwa ako ay nabisita mo ako," anito na may kasiyahan na sinadya niya ito.
Kitang-kita niya ang katuwaan nito na makita siya nito. Nagiguilty siya,Oo..pero palagi nananaig ang tama.
Wala na sa paligid ang babaeng bampira ng igiya siya nito sa malaking salas.
"Natutuwa talaga ako na binisita mo ako,mahal na Prinsipe. May utos na ba sayo ang Hari? Ang ipahanap ang babaeng lobong hunter..Gusto niyang ipahanap sakin ang tatlong tumiwalag sa society kaya naman mapupunta sa iba ang atensyon ko kaya hinuha ko ay naparito ka para humingi sakin na pwedeng tutulong sayo?"saad nito.
"Tumiwalag? Sa anong dahilan?" pagbabalewala niya sa huling tanong nito.
"Wala nakakaalam bigla sila nawala ng parang bula at may palagay kami ng Hari na maaaring isa iyun pag-aaklas.." sagot naman nito.
Naikuyom niya ang mga palad. "Nakakabahala ang nangyayari sa pamamalakad ng aking ama.." maingat niyang saad.
Napatingin ito sa kanyang sinabi."Walang makakapagbagsak sa iyong ama,Jino.." nakangisi nitong saad at sumimsim sa hawak nitong baso na may pulang likido.
"Sa palagay ko nga.." pagsang-ayon na lamang niya.
"Tungkol sa huli kong katanungan,mahal na Prinsipe..nais mo bang humingi sakin ng tutulong sayo?"muli nitong pagtatanong sa kanya.
"Hindi na kailangan,Alarcon.." pagtanggi niya.
"Mas mapapadali kung may makakatulong ka sa pagtugis sa hunter na yun,Mahal na prinsipe..at hindi ko isasaalang-alang ang kaligtasan mo gayun mukhang hindi basta-basta ang lobong yun,"wika nito.
"Hindi na kailangan,kaya ko naman gawin iyun mag-isa..hindi ba sinanay mo rin naman ako kung paano ko ipagtatanggol ang aking sarili?" matiim niyang sabi rito na kinangiti nito.
Tumango ito at naniniwala ito na kaya niyang gawin iyun. "Natutuwa ako na may natutunan ka sakin,mahal na Prinsipe.."
Hindi iyun ang gusto nilang pag-usapan nila.He sighed. "Bakit ngayon lang naisipan ng Hari kumilos..mukhang matagal ng ginagawa iyun ng hunter sa ating lahi?" pagsisimula na niya sa totoong pakay.
Kung siya ang tatanungin wala siyang maisasagot sa sariling katanungan iyun. Sa mga taon na dumadagdag sa buhay niya naging abala siya sa pagmamanage ng negosyo nila o maglakbay sa iba't-ibang lugar.
Sumeryoso ang mukha ni Alarcon. "Ngayon lang napagtanto ng Hari kung gaano kadeterminado ang hunter na yun na ubusin ang ating mga kalahi," saad nito.
"Baka may malalim siyang dahilan kung bakit niya ginagawa yun? Hindi lingid sakin kaalaman na iniutos ng Hari ipapatay ang mga lobo noon.."
"Totoo yan..ang mga lobong umibig sa isang bampira," tugon nito.
Umibig sa bampira? Hindi kaya...
"Kung hindi ako nagkakamali,ikaw ang inutusan ni Ama na paslangin sila.."
Agad ito napangisi. "Oo..marami sila na dumaan sa mga kamay ko.."
Naikuyom niya ang mga palad.
"Lalo na ang huling napatay ko..si Emilio,isa siyang kaibigan at kasamahan sa hukbo pero..umibig sa isang lobo," saad nito na nakakuha ng atensyon niya.
"Emilio...itinuring mong kaibigan?"
"Isa siya sa masasabi kong magaling sa pakikipaglaban..pero sinayang lang niya ang buhay niya ng umibig siya sa isang lobo," anito na sinamahan pa ng pag-iling.
Hindi niya tiyak kung ang tinutukoy nito ay ang ama ni Xania.
Bakit ba hindi niya inusisa muna ang totoong nangyari sa magulang ng dalaga?
Palagi na lang kasi siya nawawala sa tamang huwisyo kapag nakikita niya ang dalaga. Lagi ang nasa isip niya ay ang akitin ito.
"May silid ako para sayo rito kung gusto mong magpalipas ng ilang araw rito o isang gabi?"pukaw nito sa kanya.
Agad na umiling siya. Kahit papaano may nakuha siyang ideya.
Sana lang ang Emilio iyun ay ang ama ng dalaga. Kung sakali man,isa lamang ang ibig sabihin niyun. Kailangan niyang ibigay ang hustisya na nais ng dalaga mula sa kalahi niya.
"Hindi na..naisipan ko lang na bisitahin ka,Alarcon.."
Napangiti ito sa sinabi niya.
"Kinasisiya ko yan,mahal na prinsipe," anito.
Ang prinsipeng tatraydor sayo...

BINABASA MO ANG
THE LAST VI-OLF byCallmeAngge (COMPLETED)[Under Major Editing]
Vampire#Halfling #Vi-olf #Romance #family