Chapter 56

4.1K 133 6
                                    

Kuyom ang mga palad na tinungo ni Alarcon ang bulwagan,nakaipon na ang lahat na bampirang gwardya ng palasyo.

Huminto siya sa pangalawang palapag ng palasyo.

"Bantayan ang buong palasyo! Huwag niyong hayaan na may makapasok na kahit sino!" maawtoridad niyang utos sa mga ito.

Ayon sa nakakita may namataan ang isang gwardyang bampira na  may lumundag sa mataas na pader ng palasyo. Tila daw nanggaling ito sa loob ng palasyo.

Naikuyom niya ang mga palad. Hindi niya hahayaan na may makapasok na rebelde sa kanyang palasyo. Oo,sa kanyang palasyo.

"Pasensya na,mahal na prinsipe sa pag-antala ng ating pag-uusap," baling niya sa prinsipe na tahimik lang sa tabi niya.

"Bakit hindi gumagaling ang aking ama?" matiim nitong sabi.

"Ginagawan ng paraan ng manggagamot natin ang kalagayan ng hari,mahal na prinsipe," aniya.

Naningkit ang mga mata nito.

Ipinatong niya ang kamay sa balikat nito.

"Huwag kayo mag-alala,mahal na prinsipe,hindi ko pinapabayaan ang ating Hari," saad niya.

Nakita niya ang pagtiim ng bagang nito sa sinabi niya gayunpaman nanatili itong tahimik na.

Wala naman itong alam sa kung ano talaga nangyayari sa Hari. Kaawang-awang prinsipe.

Ngunit hindi pa rin siyang maaaring makampante dahil ito pa rin ang may kapangyarihan na ituloy ang nasimulan ng Hari pero hindi na niyang hahayaan mangyari pa iyun.

Kumikilos na siya,kinakausap na niya ang mga miyembro ng Royal Society upang italaga na ang bagong Hari. Kumpyansa siya na makukuha niya ang botong iyun gayun mas marami siya nagawa kaysa sa prinsipe.

"Ano yan?"untag ni Camelia.

Nagkibit siya ng balikat.

"Kinuha ko ito sa silid ng Hari," aniya.

Naningkit ang mga mata ng kaibigan.

"Nakita ko ang kalagayan ng Hari nila,may palagay ako na hindi natural na sakit lang ang dumapo sa Hari," aniya.

"Bakit concern ka ata sa Hari ? Hindi ba pababagsakin niyo siya?"anito.

Tinitigan niya ang botelya na may kaunting likido sa loob. Nakita niya iyun na nakatapon sa labas ng palasyo kung saan lumundag siya upang umalis roon ng magkaroon ng gulo.

Naging maayos naman ang paglisan ng lahat sa palasyo.

Naiwan ang prinsipe sa palasyo dahil kasama nito ang lalaking pumasok sa silid ng Hari at talagang pamilyar sa kanya boses iyun ngunit hindi niya mawari kung sino iyun.

"May pag-aalala si Gino sa ama niya,ama pa rin niya ito may karapatan pa rin siyang malaman kung ano ang nangyayari sa ama niya," aniya.

Tumango ang kaibigan at dinampot ang botelya.

"Okay,ako na ang bahala rito,ipapaalam ko kaagad sayo kung ano ito," anito.

She sighed. "Salamat," aniya.

Hindi rin naman siya matatahimik lalo pa at nasaksihan niya ang pag-aalala ni Gino sa Hari.

THE LAST VI-OLF byCallmeAngge (COMPLETED)[Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon