#thenewME

2.5K 87 0
                                    

Habang nasa harap ng salamin ay mapapahawak si Dale sa dibdib.
"Muntik na ako dun ah! Kung bakit naman kasi may pag-akap pa si Mayor!" Mamumula ang pisngi habang naaalala ang pagyakap ng nakasalubong na si Edward.
Wala sa isip na magsusuklay ngunit biglang mapapatingin sa sarili sa salamin.
Kinabukasan, sa PBB Uni ay maagang pumasok si Dale sa klase. The usual na ginagawa kapag first day of class... ano pa eh di introduce yourself!
"Edward John Barber, or you can just call me EJ, soccer varsity player" (tilian ang mga girls)
"Marco Gallo, I'm a lover not a fighter" (tilian na naman)
"Yong Muhajil, payt payt payt" (tilian na naman)
etc etc etc
"Dale Entrata, just call me Dale" (tilian ang mga girls)
Pagkabalik sa upuan ay bubulungan siya ni Marco na katabi.
"Naks, bro! Kelan ka pa nagpalit ng pangalan? New school, new name lang ang peg? Kasama ba yan sa pagmomove-on mo?"
"Tumigil ka nga dyan Marco! Kahit kelan napakatsismoso mo!" (sabay siko sa tagiliran ng kaibigan)
"Curious lang ako kasi dati ayaw na ayaw mong tinatawag na Dale dahil sabi mo pangbabae tapos ngayon ok na sayo!"
"O sige para matahimik ka na! Tama ka, part ito ng pagmomove-on ko! Change image na rin. This is the new me!"
Tahimik lang na nakikinig si Edward (na nakaupo sa harapan ni Dale) sa usapan ng dalawa.

Twinning In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon